Trisha
Pagkatapos ng awkward na nangyari sa kanila ni Kevin kanina ay nagpasya na silang sumunod kina Vanna
Parang tumigil ang paligid sa kanila ni Kevin kanina. Nagising lang sila ng kantyawan sila ng mga bata.
Hindi mabuti para sa puso niya ang nangyari sa pagitan nila ni Kevin.
Tahimik lang silang naglakad hanggang makita nila sina Vanna sa isa sa naghanay na cottage. Lumapit sila doon.
Sinalubong sila nito.
"Ang laki-laki mo na Trisha, nawala ka pa? Paano kung di ka nahanap? Tiyak mapapagalitan ako nila papa!"sermon nito sa kanya.
Walang gana niya itong tinapunan ng tingin.Mas mahalaga pa ba sa napakabilis na pagtibok ng puso niya ang anumang sinasabi nito?The hell she cares!
"Vanna, tapos na iyong ipinaihaw kong mga tilapya gusto mo bang kumain na tayo?"anang tinig na biglang sumulpot sa kung saan.
Napasulyap ito sa kanya at sa katabi niyang si Kevin na kapareho niya ay tahimik lang din. Base sa ekspresyon nito ay gulat na gulat ito.
"S-sila ang mga pinsan mo?"anang lalaki na bahagyang ngumiwi.
"Oo, bakit?"biglang nagdududang tanong ni Vanna.
"W-wala naman."anang lalaki bago nagmamadaling umalis.
Nagtungo siya sa loob ng cottage na gawa sa kawayan. Nakaupo doon si Tina habang abala sa pagpapahid ng lotion. Si Jasmin naman ay aligaga sa pagsusuklay ng mahabang buhok. Si Gilda ay tahimik lang na nakaupo.
Si Kevin naman ay sumama kay Vanna nang marinig niyang yayain ng huli para magpaihaw pa daw ng liempo para dagdag ulam nila.