Trisha
"Hindi ko siya mapapatawad dahil binastos niya si Trish."ani Kevin na tumatahip ang dibdib.
Nasopresa siya sa sinabi ni Kevin maging si Diego. Tiningnan siya ni Diego pero iniiwas niya ang mukha dito.
"Bakit ako?"hingi niya ng paliwanag kay Kevin. Kalmado na ito kahit madilim ang mukha.
"Itinuro ka niya habang hinahamon ako."anito. Hinubad nito ang suot na jersey at isinampay sa balikat.
"At nagpaapekto ka naman? Alam niya sigurong kapatid mo ako at para sirain ang diskarte mo sa laro dahil alam niyang matatalo na sila kaya niya sinabi iyon! Stupid! Inaasar ka lang, pinatulan mo naman."pagalit niya kay Kevin.
Napayupi siya nang tingnan siya ng masama ni Kevin. "You're my girl Trish, at anong ini- expect mo, manahimik ako habang sinasabi niya ang perverted thoughts niya patungkol sa iyo?"
Napalunok siya sa straightforward na sinabi ni Kevin dahil sa implication noon. Sinulyapan niya si Diego na kunway abala sa paghagod sa sariling buhok.
You're my girl. Of all words bakit iyon pa ang sinabi ni Kevin? At sa mismong harap pa ni Diego. Ano bang iniisip ng kapatid niya?
"Ayusin mo na ang sarili mo."pambabalewala niya sa sinabi ni Kevin. Tumayo siya at sinundan si Jasmin. Naabutan niyang hawak nito ang bag ni Kevin ngunit nasa kusina na at nagtitimpla ng gatas.
"Andiyan ka pala Trisha."bati nito sa kanya.
"Okay na si Kevin."pagbabalita niya.
"Mabuti naman. Nag-alala ako ng sobra."
"Kailangan niya na iyong damit, pakidala na lang sa kanya."
"Ow."ngumiti ito ng matamis bago siya iniwan.
Siya naman ay pumunta sa lababo para maghilamos ng mukha. So, siya pala ang dahilan kung bakit nambugbog si Kevin?
Dum..dum..dum.
Mabilis na tibok ng puso niya. Piniga niya tuloy ang tapat ng dibdib dahil doon.
Stop confusing me Kevin.