Chapter 29

7.6K 136 1
                                    

Trisha

Diretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Kailangan niyang kalmahin ang sarili.

Masama sa well-being niya ni Kevin.

Natutukso siyang buhusan ang sarili para magising siya sa kalokohang damdamin na ito.

Napapitlag siya nang madamang hindi na siya nag-iisa sa kusina. Napausal siya ng mahinang pasasalamat nang si Vanna ang tumabi sa kanya at hindi si Kevin.

"Walk out queen ka talaga Trisha."tuya nito sa kanya na hindi niya na lang pinansin.

Wala naman kasi itong alam sa pinagdadaanan niya. At dinadanas niya.

Kumuha ito nang pitsel na puno nang tubig at ipinatong sa kwadradong tray na plastic. Naglagay din ito nang apat na babasaging baso sa tray.

Akala niya ay aalis na ito ngunit kumuha ito sa lata ng biscuits at inilagay sa bowl.

Puzzled siya nang iabot nito sa kanya ang bowl ng cookies.

"Isang pares lang ang kamay ko, alangan namang dalhin ko lahat?"inis nitong paliwanag na para siyang isang estupida.

"Vanna."ani Kevin na biglang sumulpot sa tabi niya. Puno ng warning ang tinig nito. Ito ang tumanggap ng bowl na iniaabot ni Vanna.

"Hmmp. Ewan ko sa inyo."irap ni Vanna na napahiya.

Hindi pa man ito nakakatalikod ay hinawakan na ni Kevin ang kabilang balikat niya at tinanong kung 'okay lang siya' referring doon sa pagkailang niya gawa nito.

"Wala akong ginawang masama sa kanya. Kung tutuusin siya pa nga ang masama dahil ini-snob niya tayo at pilit natin siyang pinakikisamahan!"asik ni Vanna na namisinterpret ang tanong ni Kevin sa kanya.

Kitang-kita sa mukha nito ang tinitimping galit.

Nakagat niya lang ang pang-ibabang labi. Kung nahihirapan itong makisama sa kanya, ganoon din naman siya.
Estranghero ang mga ito at pilit siyang inilagay ng mom niya sa posisyong nasa balag ng alanganin.

"Hindi din naman kita gustong pakisamahan. Akala mo ba masaya ako na nandito ako at stucked sa inyong lahat?"asik niya.

Napaurong si Vanna dahil sa poot na nasa mukha niya.

Higit sa kaninuman siya ang nahihirapan. Alam ba ng mga ito ang mental torture na ginagawa sa kanya ni Kevin?

"Trish."pigil sa kanya ni Kevin.

"Isa ka pa!"asik niya sa natilihang lalaki.

At gaya nga ng bansag sa kanya ni Vanna, ay muling niyang pinatunayan na Walk out Queen siya!

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon