Chapter 34

7.8K 149 3
                                    

Trisha

Nasa good mood ang mga Lola nila dahil nakangiti ang mga ito.

Kinikilig pa nga si Manang Lisa dahil may itsura daw ang driver nang tricycle na nasakyan ng mga ito. Kapag kasi malayo ang pupuntahan ng mga ito ay umaarkila ng tricycle kahit may tricycle naman sa garahe kasi wala namang marunong magdrive sa tatlo.

"Naku, umaalembong ka na naman. May mga bata Lisa." saway ni Manang Rema sa nadatnan niyang nagkukuwento.

"Palibhasa ikaw Rema ay nakasilay na. Kung noon mo pa sinagot si Kardo e di sana may mga apo na kayo. Sobra kang pakipot kaya ka inamag."buska ni Manang Lisa kay Manang Rema na ikinahalakhak ni Lola Tilde.

Ngumiwi naman siya habang humihila ng upuan. Magkatabi sa kanang side ng kabisera ang dalawang matanda habang nasa kabisera ang Lola nila. Umupo siya sa tapat ni Manang Rema, habang si Kevin ay sa tapat ni Manang Lisa. Ganoon lagi ang upo nila. Kasunod ng Lola niya si Kevin dahil ito daw ang lalaki sa kanilang dalawa.

Umasim ang mukha ni Manang Rema. Matandang dalaga ito di tulad ni Manang Lisa na nagkaasawa at anak.

"Kaya ikaw Trisha huwag kang mapili sa lalaki."nagulat siya nang balingan siya ni Manang Lisa. "O baka naman Ate, may nobyo na itong anak ni Paulina hindi lang ipinapaalam?"anito na ang Lola niya na ang binalingan.

Parang iisang tao na tumingin sa kanya ang tatlong matatanda maliban kay Kevin na tahimik na nagbalat ng sumang malagkit.

"Siya nga ba Trisha?"hingi ng kumpirmasyon ni Lola Tilde.

Kung hindi lang kabastusan ay hindi niya sasagutin ang Lola niya. "Wala po akong boyfriend La."

"W-wala?"talsik ang laway na react ni Manang Lisa. "Susme Trisha sa ganda mong iyan ay wala?"

"Ano ka ba Lisa, baka bawal pa sa mommy nila."sita ni Manang Rema.

"Thanks."mahinang usal niya ng pasasalamat kay Kevin ng ilagay nito sa platito niya ang sumang binalatan nito kanina.

Nakukulili ang tenga niya sa debate ng dalawang matanda. Nagkunwari siyang hindi na lang naririnig ang sinasabi ng mga ito.

Nagsimula siyang hiwain ng tinidor ang suman at dramatikong isinubo iyon sa bibig niya para nguyain ng mabagal.

Panalo ang lasa ng suman na uwi nila Lola Tilde. Parang may gata iyon.

"Siguro naman marami kang manliligaw Trisha?"kuha ni Manang Lisa sa atensyon niya.

Napatingin siya dito.

"Kuhh, mabuti pa kung ipares natin sa anak na binata ni Turing."ani Manang Rema sa tinig na excited dahil maglalaro itong kupido na sinang-ayunan ni Manang Lisa.

Napatingin silang lahat kay Kevin nang ibagsak nito ng malakas ang tinidor sa platito.

"Sorry dumulas lang sa kamay ko."paliwanag ni Kevin kahit hindi naman tinatanong.

"Ano sa palagay mo Ate? Disenteng bata ang anak ni Turing at nakagraduate ng cum laude nito lang kabilang linggo."hingi nang opinion ni Manang Rema kay Lola Tilde.

Sinipat siya nang Lola niya. Pinag-aralang mabuti ang itsura niya. "Ang sa akin Rema ay kung gusto ni Trisha. Ayokong pilitin ang apo ko."

"Gwapo iyon at natitiyak kong-"

"May ka-MU si Trish, Manang."sabad ni Kevin na ikinagulat nilang apat na babae.

"Anong ka-MU?"takang tanong ng Lola nila.

"Ka-Mutual Understanding. Iyong sila na parang hindi. Pero magiging sila na din."paliwanag ni Kevin.

Humagikhik si Manang Lisa. "Kuhhh, in short malabong usapan. Uso na talaga ang ganyan."

Humagikhik din si Manang Rema. "Naku Trisha mahirap umasa sa lalaking ka-MU mo. Ipagpalit mo na. Sabi nga ng inang ko noon don't fall inlove sa lalaking walang balls."

Napuno nang hagikhikan ng tatlong matatanda ang dining room habang sa tagiliran niya ay pinagmamasdan niya si Kevin na madilim ang mukha.



That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon