Chapter 38

7.1K 120 2
                                    

Trisha

Wala siyang tulog buong magdamag. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya hanggang sa mapagod siya ngunit naging mailap pa din ang antok sa kanya.

Parusa ba iyon dahil sa pananahimik niya?

Maingat na nagpalit siya ng damit at nagsuklay ng magulong buhok bago lumabas ng kanyang silid.

Nagulat pa siya nang madatnang naghihintay sa labas ng pinto niya si Kevin. Tulad niya ay mukhang wala din itong tulog. Nakasuot ito ng asul na vneck shirt at pajama. Magulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata.

"Trish."naghihirap ang baritono nitong tinig.

Hahawakan sana nito ang braso niya ngunit ito mismo ang tumigil nang mapansing umatras siya palayo dito.

"Iyong nangyari kagabi gusto kong-"

"Tama na, Kevin."pagsusumamo niya. Sinikil niya ang pag-agos ng luhang nasa gilid ng mga mata niya.

Lumungkot ang mga mata nito na naghahatid sa kanya ng sakit sa dibdib.

"Hindi ko iyon pinagsisisihan Trish."

Malakas na sampal ang ibinigay niya sa pisngi nito.

Halos mabaliw siya sa kakaisip at guilt tapos sasabihin lang nito na hindi ito nagsisisi? Wala ba ito sa tamang pag-iisip?

Caressing, touching, kissing ang maganap sa pagitan nila kagabi at maaaring nauwi sa higit pa roon kung hindi siya nagising sa akala niyang panaginip lamang.

Buo ang resolusyon niyang kalimutan ang lahat at hindi siya papatibag dito.

Tinanggap nito ang sampal niya ng walang reklamo. Kita ang mapulang bahagi na tinamaan ng kamay niya.

"Paulit-ulit mo man akong sampalin Trish hindi mo ako mapapalayo sa iyo."mahinahong sabi nito ngunit bakas ang kaseryosohan kaya nangilabot siya.

Ganoon? Loko pala talaga ito!

Gigil na gigil niyang inambaang sasampalin ulit ito ngunit pinigilan nito ang kamay niya. "Nag-aaksaya ka lang ng lakas mo Trish."

Pinigil niya ang sariling magsisigaw dahil sa imbyerna at poot dito.

"Maybe I shouldn't rushed things between us last night. Magalit ka, maasar ka man o masuklam sa akin pero gagawin ko ang lahat Trish para matanggap mo ang damdamin ko."

Bahaw siyang tumawa dahil sa narinig. "Balukyot ang pag-iisip mo Kevin kung ganoon. Walang patutunguhan ang damdamin mong iyan kaya sikilin mo na hanggang maaga. Hindi tayo talo at bakit hindi mo subukang isiksik sa kukote mo na kalokohan lang ito?"

Tumiim ang bagang ni Kevin.

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para lumapit dito. Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.

"I hate you at hindi magbabago iyon paulit-ulit man tayong ipanganak."mabagal, tiyak at madiin niyang bulong dito bago siya bumalik sa harapan nito para tingnan ang itsura nito.

He was completely shock. Tigalgal. Tulala.
Naguilty siya sa ginawa niyang pananakit dito ng emosyonal pero kailangan niyang gawin iyon para tigilan na siya nito at ang baliw nitong pagtingin sa kaniya kung anumang tawag nito doon.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon