Chapter 48

7K 137 2
                                    

Trisha

Humikbi siya nang humikbi sa likuran ni Kevin gawa nang takot na mawala ito sa kanya. Hindi niya kaya. Lalo na kapag magmahal ito ng iba.

Naramdaman niyang ginanap ni Kevin ang kanang kamay niyang nakayakap sa ilalim ng dibdib nito at iniakyat sa tapat ng puso nito.

"Sa iyo lang tumitibok ang puso ko Trish."anito sa mahinang tinig.

Damang-dama niya ang lakas ng pagpintig ng puso nito. Parang sasabog iyon sa lakas at pag-uunahan sa pagtibok.

"Hindi magbabago ang damdamin ko para sa iyo kahit kailan."masuyong sabi nito na nagpahikbi lalo sa kanya.

Akala niya kasi papalitan na siya nito. Isipin niya pa lang iyon ay naninikip na ang dibdib niya at parang masisiraan na siya ng bait.

Umikot si Kevin para magkaharap sila bago siya niyakap ng napakahigpit. Napapapikit siya dahil sa masarap na sensasyong nararanasan. Para siyang lumulutang dahil napanatag ang isip niya.

Nais niya pang magprotesta nang paglayuin ni Kevin ang mga katawan nila.

"Hindi na tayo MU?"paniniyak nito. Pinunasan nito ang mga naglandas na mga luha sa mga mata niya sa pamamagitan ng 2 hintuturo nito.

"Ikaw ang ka-MU ko sa Maynila?"aniya na di makapaniwalang sarili pala nito ang tinutukoy noong kaharap sina Manang at Lola nila. Panay pa naman ang insulto nila Manang dito.

Tumawa ito ng mahina na ginaya naman niya. Magaan na ang pakiramdam niya.

"Boyfriend mo na ako di ba?"anito na ngumisi.

Natigilan siya sa sinabi nito. Boyfriend. Ang sarap sabihin na boyfriend niya na ito pero natatakot siya kapag may nakaalam na ibang tao.

"K-kevin."may bikig sa lalamunang sabi niya. Hindi niya masabi ang nais iparating dito.

"Don't overthink Trish."anito na kinabig siya at isiniksik sa tagiliran nito.

Amuy na amoy niya ang panlalaking cologne nito.

"Ang mahalaga tayo na and don't worry faithful ako sa iyo."

Napangiti siya sa huling sinabi nito saka tumango. Tama sila na. Sila lang dalawa kaya bawal na itong tumingin sa ibang babae especially kay Jasmin.

Umalis ito sa tabi niya at kinuha ang flashlight na naiwan niya sa ibabaw ng lababo bago ulit siya binalikan.

"Gusto ko sanang matulog sa tabi mo Trish at yakapin ka buong magdamag. Kaya lang baka magtaka sina Cole at Jess kapag nagising at wala ako sa kwarto namin."bakas ang panghihinayang sa tinig nito.

Simula kasi nang pumunta dito sina Cole ay hindi na umuwi ang mga ito.

Hinawakan ni Kevin ang kamay niya at inakay siya paakyat ng hagdanan hanggang sa may tapat ng pinto ng kwarto niya.

Dahan-dahang ipinagpihit siya nito ng doorknob.

"Sleep tight Trish. See you later."anito sa masiglang tinig. Siniil siya nito ng magaan at mabilis na halik sa labi na ikinagulat niya.

Mabilis na mabilis ang pagpintig ng puso niya nang pumasok siya sa loob ng kwarto. No. Ang tamang sabihin ay nagwawala ang puso niya.

Hinayaan niyang si Kevin ang magsara ng pinto. Pinakinggan niya ang papalayong mga hakbang nito bago siya dumayb sa kama.

Shit! Kinikilig siya at hindi niya mapigilang mapangiti.

Hindi naman si Kevin ang unang boyfriend niya pero pakiwari niya ay ngayon lang siya unang beses nagkanobyo.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon