Chapter 60

7.4K 136 1
                                    

Trisha

Hindi niya  natiis ang putok sa kilay ni Kevin kaya ginamot niya ito. Nilinis at tinapalan ng band aid. Naglunch out silang dalawa para magamot niya ito.

"Trish."hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa habang hinihintay nila ang order nilang baked Mac, cheese fries, rice, fried chicken at dalawang sprite.

Masama ang tinging ipinukol niya dito. Binawi niya ang kamay ngunit hindi nito pinakawalan.

"Kevin ano pa ba ang gusto mo? Napapagod na din ako."sukong sabi niya.

"Alam kong galit ka sa akin nang piliin kong maghiwalay tayo but that's the best thing to do para mapacify sina mom at hayaan niya pa ring magkasama tayo."paliwanag nito. "Hindi ko kayang malayo sa iyo Trish."

"Kung sinabi mo ng araw na iyon na lumayo tayo, sasama ako sa iyo kahit saan."matabang niyang sabi.

"Pero wala akong pera Trish. I cannot provide for our needs yet. Maghintay-hintay ka lang. One more year at grade 12 na ako. After graduation mag-aapply ako ng trabaho na may malaking kita. Lalayo tayo."

Tumawa siya ng pagak. "Hindi ka na kasama sa pangarap ko Kevin. Magtatapos ako hanggang college. I will earn my own money. At magpapakalayu-layo sa inyo ni mom."

Napaface palm ito. "Trish nagpa-part time ako kaya gabi na ako parati umuuwi, may ipon din ako. Sapat na iyon para kumuha tayo ng maliit na room for rent or apartment. Gusto mo na bang umalis na tayo ngayon?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Nagpapart-time job ito pero kung totoo iyon sino ang babaeng kasama nito kahapon.

Naguguluhan siya.  May bahagi ng puso niya na malaki ang  paniniwala kay Kevin, iyong napakatangang bahagi ng puso niya. 98% na part iyon. Iyong remaining 2 %  konti na lang mako-convince na.

"Mababaliw na ako Trish."anito na sinabunutan ang sarili.

Natigil sila sa pag-uusap ng dumating ang mga order nila. Nang umalis ang crew ay muli itong nagsalita.

"I'm giving you three days to think."sabi nito pero agad ding binawi. "No, make it one day. Crap, baliw na yata ako Trish."

Natawa siya sa huling sinabi nito. Tama ito baliw nga ito maging siya ay aminadong baliw na din. Nakakasira ng utak ang mag-isip.

Ngumiti ito ng tipid bago dinala ang kamay niya sa jaw nito.

"Please Trish be with me. Hindi magiging comfortable ang buhay mo sa piling ko gaya nang nakasanayan mo pero magsisikap ako para mapantayan ang buhay mo ngayon."

"Don't do this Kevin. Pareho lang magiging miserable ang buhay natin. Hindi tayo para sa isa't isa."

Bumuga ito ng hangin at pinakatitigan siya. "Mahal mo pa ba ako?"

Sira! Gusto niya sanang isigaw sa mukha nito. Hindi niya lang ito basta mahal. Mahal na mahal niya ito.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi na."sagot niya na ikinangiti nito ng malawak.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon