Trisha
Umalis siya ng bahay na naiinis sa lahat lalung-lalo na sa sarili niya.
Bakit ba kailangang danasin niya lahat ng ito?
Naguguluhan siya. At wala siyang masasandalan.
Nag-iisa lang siya.
Pinahid niya ang mga luhang umalpas sa mga mata niya.
"Nag-iisa ka?"narinig niyang tanong ni Cleo. Nakasakay ito sa bike at tumigil sa tapat niya.
"Hindi. Nandiyan ka di ba?"sarkatikong sabi niya na ikinatawa nito.
Maluha-luha na ito nang tumigil sa pagtawa.
"Trisha-"
"Pinopormahan mo ako di ba?"direkta niyang tanong na ikinapula ng mukha nito.
"T-tama ka. I like you."
"Bakit?"pagalit niyang tanong.
"Ha? E kasi,"tumingin muna sa lupa si Cleo. Pulang-pula pa din ang mukha nito.
"Huwag mo nang sagutin."utos niya. Kita niya ang pagkatigalgal nito. "May cellphone ka?"tanong niya.
Marahan itong tumango. Inilahad niya ang palad para hingiin dito ang kailangan niya.
Naguguluhan itong tumingin muna sa kanya bago dinukot sa bulsa ang kulay itim na low-end cellphone saka iyon iniabot sa kanya.
Kaagad siyang nagdial ng sauladong number ngunit boses ng operator ang narinig niya.
"Wala kang load?"asik niya sa lalaki.
Napapahiyang alanganing tumango ito. "Meron konti. Nagpapasa ako ng five pesos sa kapatid ko kanina. Nagtext ako ng tatlong beses kaya may 2 pa. Sino bang tinatawagan mo?"
"Forget it."sabi niya. Binura niya sa dialed ang numerong tinangka niyang tawagan. Ibinalik niya ang cellphone sa binata.
"Pwede akong magpaload kung gusto mo, may malapit na paloadan dito. Hintayin mo lang ako."offer ni Cleo.
Nagtatalo ang loob niya kung papayag o Hindi. Siya na ang binibigyan ng pabor ni Cleo kaya naisip niyang tanggapin.
"O Kevin!"narinig niyang bati ni Cleo sa likuran niya.
Hindi man siya lumingon ay alam niyang nasa likuran niya ang taong nais niyang iwasan.
"Pinapatawag ka ni Lola, Trish."sabi ni Kevin sa kanya.
"Tss."aniya. Tinalikuran niya si Cleo na hindi nagpapaalam dito. Naglakad siya na kaagapay si Kevin at nang tangka nitong payungan siya ay itinulak niya ito.
Sa panggigilalas niya ay inakbayan siya ni Kevin para huwag makalayo dito.
"Nagseselos ako Trish."sabi nito na pabulong.
Kinilabutan siya sa sinabi nito.
Nagseselos? Seryosung-seryoso ang pagkakasabi nito.
Hindi ba nito alam kung gaano siya naaapektuhan ng bawat sinasabi nito, mapabiro man o-
"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo Kevin."pabulong niya ding sabi.
"Ako man, Trish."bumigat ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya.
Bumibilis na naman ng husto ang tibok ng puso niya at aaminin niyang natatakot na siya dahil baka maniwala siya kay Kevin...