Vanna
Nagulat siya nang maabutan sa salas ng bahay nila Lola Tilde ang mommy nila Kevin. Nasa pinakasentro ito ng salas. Pangalawang beses niya pa lang itong nakikita ng personal. Una noong inihatid nito sina Kevin at Trisha five years ago at ngayon. Kasama niyang pumunta dito si Jasmin at sinamantala niya ang pagkakataon na ipakilala sa isa't isa ang magbiyenang hilaw.
Pabiro niyang sinabi na nililigawan si Jasmin ni Kevin kahit naririnig siya ng pinsan na balisang nakaupo sa sulok. Ang pag-arko ng magkabila nitong kilay at pagkairita ang nakuha nila ni Jasmin. Mukhang hindi welcome dito si Jasmin. Ramdam na ramdam iyon dahil sa paraan ng nang-uuri nitong tingin.
Nasaktan si Jasmin kaya gumawa ito ng alibi upang magpaalam na umuwi.
Ni sulyap ay hindi ito ginawaran ng tiyahin niya.
Nalungkot siya para kay Jasmin.
Napukaw ang atensyon nila ng makarinig ng pagbaba sa hagdanan. Pasimple niyang sinipat ang suot na pambisig na orasan at nabasa niyang alas onse na pala ng tanghali.
Paprinsesa talaga ang impakta. Bulong niya sa sarili ng masulyapan si Trisha na marahang bumaba ng hagdanan.
Base sa itsura nito ay nagulat ito ng masilayan ang ina.
Awtomatikong tumayo ang tiyahin niya para salubungin ang anak.
Nagyakap ang mga ito bago naghiwalay din agad.
"You looked pale Trisha. Balita ko ay nagkasakit ka daw."bati ng tiyahin niya sa pinsang kinaiinisan.
"Kailan pa kayo dumating mom?"ani Trisha. Sumulyap ito sa gawi ni Kevin. Nakita niyang sandaling naglock ang mga mata ng mga ito.
At my something doon na di niya maipaliwanag."Kaninang madaling araw. Hindi na kita ginising ng dumating ako."
Kitang-kita ang lalong pagputla ng mukha ni Trisha. Kung susuriing mabuti maganda na ang mukha ng tiyahin niya ngunit higit na mas maganda si Trisha.
"Wala ka bang sasabihin sa akin Trisha?" Bakas sa tinig ng tiyahin ang tinitimping galit.
"Mom-"
"Don't you dare lie to me!"nagulat siya ng sumigaw ang tiyahin at mahigpit na hawakan sa pulsuhan si Trisha. "Kailan nyo pa ako ginagago?"
"Calm down mom nasasaktan si Trish."sabat ni Kevin matapos lapitan ang ina at kapatid. Kinakalas nito ang kamay ng tiyahin niya sa pulsuhan ni Trisha ngunit hindi natitinag ang ina.
"Paano mo nagawa sa akin ito Kevin? Pinagkatiwalaan kita?"baling ng tiyahin niya kay Kevin. Hindi pa nakakasagot si Kevin ay malakas na nitong sinampal ang binata. Lagapak iyon.
Tinanggap lang ni Kevin ang sampal. Akma sanang magpapaliwanag ito ng bumaling ang tiyahin kay Trisha na natigilan.
"Ilang beses ninyong ginawa? Kailan pa?!"halos yugyugin nito si Trisha kaya to the rescue si Kevin. Panay ang awat nito sa ina.
"Mom please tama na."pakiusap ni Kevin pero hindi ito pinapansin ng ina.
Naguguluhan siya kung bakit may ganitong tensyon sa mag-iina. Akala niya ay dumating dito ang tiyahin para bisitahin si Trisha na nagkasakit. Iyon pala'y may iba pang dahilan.
Umakma itong sasampalin si Trish pero sinalag ni Kevin.
"Tapos na akong kausapin ka kanina,"galit nitong singhal kay Kevin bago bumaling kay Trisha." ngayon ang gusto kong marinig ay ang side mo Trisha."demand nito. "Answer me!"
Napapitlag si Trisha sa pagsigaw ng ina. May namuong luha sa sulok ng mga mata nito habang hindi makatingin sa ina.
"Trisha ilang beses?"namumula sa galit ang buong mukha ng tiyahin. Inalog nito sa magkabilang balikat si Trisha.
"Sinasaktan nyo siya kaya papaano siya magsasalita? ani Kevin sa tono ng pigil na galit habang inilalayo sa ina si Trisha na tigalgal pa rin. Kita ang todong pagpoprotekta nito kay Trisha. "Mom ako ang sasagot para sa aming dalawa. Last night was our first time. Ilang beses? Three times. Are you satisfied now?"
Sampal ulit sa pisngi ang natamo ni Kevin. Mas malakas ngayon kaya napasinghap siya.
"Ingrato ka!"duro nito kay Kevin. "Ito pa ang igaganti mo sa pagtitiwala ko sa iyo? Ang bilin ko sa iyo alagaan mo ang kapatid mo."yumugyog ang balikat ng tiyahin at nag-umpisa na itong humagulhol.
Naguguluhan siya sa takbo ng usapan ng mga ito.
Akmang dadaluhan sana ni Trisha ang ina ngunit pinigilan ito ni Kevin. Itinago nito sa likuran si Trisha."I'm sorry mom pero mahal ko si Trish."
Laglag ang panga niya. Base sa mga pahayag ni Kevin ay napagtagpi-tagpi niya ang istorya.
Napatakip siya sa bibig dahil sumisigaw ng imoralidad ang relasyon ng dalawa."Sorry po. Sorry po talaga."narinig niyang wika ni Trisha na hilam sa luha ang mga mata.