Chapter 18

9.2K 182 1
                                    

Trisha

Umiiwas siyang magkasalubong sila ni Kevin ng mga tingin ngunit ang herodes nag-e-enjoy na ilangin siya. Hindi talaga ito umiiwas.

Saan ba ito kumukuha ng lakas ng loob na pikunin siya o paglaruan?

Nasisiyahan ba ito na naguguluhan siya?

At laro ba para dito ang emosyon niya?

Magtatakipsilim na ng gumayak pauwi sina Vanna. Nalaman niyang malapit na kabarkada nito sina Cleo at ang 3 lalaki na kampon nito.

Magkakasabay-sabay silang 9 na umuwi.

Nag-umpisa na silang maglakad at sinadya niyang magpahuli. Ganoon din ang ginawa ni Kevin kaya inis na inis siya. Bakit hindi na lang ito bumalik kina Jasmin para naman matahimik siya kahit sa paglalakad lang?

Kwentuhan at payabangan ang grupo nila Cleo at Vanna. As usual pabida ang pinsan nila. Nagkakasiyahan ang mga ito habang tahimik naman siya at nako-conscious sa titig ni Kevin na nasa likuran niya lang. Alam niyang pinapanood siya nito dahil ng minsang mapalingon siya ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya.

Nahiling niyang sana ay makarating na sila kaagad sa bahay nila Vanna para makatakas na sa mga titig ni Kevin.

"Dito na lang. Next time ulit Vanna, Cleo, mga tropapips."paalam ng isa sa kampon ni Cleo ng mapadaan sila sa isang maliit na bahay. Doon daw ito nakatira. Buti ngang umuwi na ito upang mabawasan naman ang maingay.

Sumaludo pa ito sa kanya na ginantihan niya ng pag-irap. Ano siya General para saluduhan?

Ngumuwi ito dahil sa pagkapahiya ngunit tsineer nila Cleo.

Naglakad ulit sila hanggang sabay na nagpaalam sina Jasmin at Tina. Malayo ang bahay ng mga ito kina Vanna ngunit sinundo pa rin sila kaninang umaga. Paimportante talaga ang bruha niyang pinsan.

Nakantyawan pa si Kevin na ihatid si Jasmin kaya walang nagawa ang kapatid niya kundi ang ihatid hanggang tarangkahan ng bahay si Jasmin habang sila naman ay nasa gilid ng daan naghihintay.

Naglakad na ulit sila ng makabalik si Kevin. Kasunod niya ulit ito na ikinaiinis niya. Bakit ba ayaw siya nitong lubayan?

Ayaw naman niyang umuna ng lakad dahil nasa unahan si Vanna kausap ang isang kampon ni Cleo. Ang isa pang kampon ay nasa likuran ni Vanna. Habang si Cleo ay nasa unahan niya naman. Wala siyang lulugaran.

Nagsimula nang magbukas ng flashlight ang 2 kampon ni Cleo. Bigla kasing dumilim ang langit sanhi ng biglang pag-ambon.

"Trisha magpandong ka."nag-aalalang sabi ni Cleo. Bigla itong lumingon upang iabot sana ang isang oversized na T-shirt nito. Ngunit bigla nitong binawi ang alok dahil pinapandungan na siya ni Kevin ng kulay asul na tuwalya nito. Magkasukob sila.

Ngumisi si Cleo na hindi niya alam ang dahilan bago ito nagpasyang ipandong sa sarili ang T-shirt.

Si Vanna ay nagtakip ng sarong sa ulo habang ang dalawang kampon ay parang walang pakialam.

Hinatid sila nila Cleo at ng 2 kampon nito hanggang kina Vanna.

Babalik pa ang mga ito dahil nadaaanan na nila kanina ang mga bahay. Magalang na nagpaalam ang 3 sa tiyahin nila.

"Ay juskong mga bata, bakit kayo nagpagabi?"salubong ni Auntie Claire sa kanila ng makalayo na ang grupo nila Cleo.

Nang makita nitong pinapahiharan niya ng palad ang basa sa braso niya ay bigla itong nag-alala.

"Naku naman Vanna, nabasa si Trisha ng ambon baka magkasakit ang Pinsan mo. Sulong dali kumuha ka ng tuwalya sa loob."

Iningusan siya ni Vanna dahil nautusan ito ng ina. Si auntie Claire ay sandaling nagpaalam nang tawagin ito ni Uncle Pete dahil magpapahilot ng paa.

Naiwan silang dalawa ni Kevin. Lumapit ito sa kanya at pinahiran ng tuyong parte ng tuwalya nito ang balat niya.

Tinangka niyang lumayo kay Kevin ngunit hinatak siya nito palapit dito.

Nanuyo ang lalamunan niya dahil sa distansya nila at intensidad ng titig nito sa kanya.

"Nakakailang ka Kevin."bulalas niya ng nasasaloob niya kanina pa. Hindi siya makahinga.

Ngumisi ito. "Good."he had an approving look in his face.

"Good?"pagalit niyang sabi. Talagang nananadya itong ilangin siya kung ganoon. "What for?"inis niyang tanong. Ayaw na ayaw niya ng pinaglalaruan siya. Blow iyon sa mataas niyang ego.

"I know now na hindi ka immune sa charms ko."pabulong na sabi nito sa tenga niya. Napaatras siya ng palarong kagatin nito ang taas ng tenga niya.

"Sobra ka na!"galit niyang sabi. Nakailag ito ng tangka niya sana itong hampasin sa dibdib.

Mas lalo siyang nanggigil na masaktan ito ng tumakbo ito palayo.

"Kevin!"pagalit niyang tawag dito. Sandali itong lumingon ngunit umiwas pa din ng paliparin niya ang hinubad niyang tsinelas sa tapat ng mukha nito.

Nginisihan lang siya nito.

Sa likod naman nito ay nagpupuyos sa galit na si Vanna dahil sa ulo nito lumanding ang Hello Kitty na tsinelas niya.

Peace.




That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon