Trisha
Sa halip na magalit ay ngumisi lang si Kevin sa pambabato niya ng basang blouse sa mukha nito.
Somehow, na-guilty siya nang makitang basa ang mukha nito hanggang sa leeg at neckline ng suot na grey shirt.
Hindi naman niya intesyong saktan/basain ito. Bugso lang ng damdamin. Mali kasi ang ginawa nito sa kanya. And he keeps on doing that to annoy her.
Pinanood niya ng punasan ni Kevin ng bubong ng palad nito ang basang mukha.
"Here."abot nito sa kanya ng blouse niya. Nang hindi niya tanggapin ay nagpasya itong ibalik na lang sa batya iyon. "Isinasama ako ni Jasmin sa kanila. Maglalaro ng basketball ang mga kapatid niya at kapitbahay at nais nila akong isali, what do you think?"
"Sumama ka."maikling pagpayag niya.
"E di tapusin mo na iyan at gumayak ka na."
Sinimangutan niya si Kevin. "Hindi ako sasama. Honestly ang lapit lang ng bahay nila Jasmin kaya pwede kang pumuntang mag-isa."although malayo ang bahay nila Jasmin para sa kanya, sa mga taga-dito ay malapit lang iyon. " Hindi naman siguro ikakagalit ni mom kung hindi kita sasamahan. Naiinis na ako kung bakit dapat lagi tayong magkasama. Hindi naman tayo sina Hulyo at Hulya ang kambal ng tadhana."sabi niya na ginawang reference ang cartoon na napanood niya noong bata pa siya. Elementary days to be exact. Kwento iyon ng dalawang bata na dapat laging magkasama para magamit ang powers nila.
Umalingawngaw sa paligid ang tawa ni Kevin. Manly. Iyon ang unang napansin niya sa tunog ng tawa nito.
"You doesn't stop to amuse me, Trish."sabi nito na tinangkang hawakan ang ulo niya ngunit mabilis na umiwas siya.
I-amuse nito ang mukha nito.
"Kung di ka sasama, I put it simply na ayaw mo akong umalis at mawala sa paningin mo." Itinaas taas nito ang magkabilang kilay para magpa-cute.
"Bahala ka."masakit ang ulong sabi niya. Kapag hindi pa tumigil si Kevin sa inaasta nito ay malamang pumutok na ang ulo niya.
Noong nakakaraang bakasyon naman ay hindi ito ganito. Tahimik lang ito sa kanya noon. Inabala din nito ang sarili sa pakikipaglaro ng baraha kina Manang at sa Lola nila. Kung kulitin man siya nito ay sa pagiging tamad lang kumain ng gulay o di kaya ay paglalaba ng mga sariling damit.Mag-isa lang din itong pumupunta noon kina Vanna o di kaya'y kina Jess. Pero dahil sa bilin ng mom nila na hindi sila dapat maghiwalay ngayon sa mga lakad ay natali tuloy siya dito. At mukhang walang balak si Kevin na labagin ang mom nila.
Nginisian lang siya ulit ni Kevin bago ito umalis. Mukhang nakasalubong nito pabalik sa terrace si Jasmin dahil narinig niya ang batian ng mga ito.
Marahil nainip si Jasmin na mag-isa sa labas kaya sinundan nito ang kapatid niya.
"Hindi na ako tuloy sa inyo Jasmin. Maraming ginagawa si Trish."narinig niyang dahilan nito. Aba teka ginawa pa siyang alibi gayong pinayagan niya naman ito.
"Sayang naman."malungkot na sabi ni Jasmin.
"Maybe next time?"
"Okay, next time na lang siguro. Sige Kevin uuwi na ako. Ipagpaalam mo na lang ako kay Trisha."
Hindi na kailangan. Rinig na rinig ko naman kayo. Saloob niya. Bakit ba feeling niya ang sama-sama niya at pinaglalayo niya ang mga lovers na ito?
Nagmamadali siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Nagulat pa si Jasmin ng hangos siyang dumating.
"Can you wait up a little more for me?"tanong niya sa dalaga."Konting banlaw na lang at sampay then I'm ready to go."
Marahan itong tumango. Sa sulok ng mga mata naman niya ay nakita niya ang matagumpay na ngisi ni Kevin.
So what? Ginagawa niya naman ito talaga para kay Kevin at kay Jasmin kaya dapat talaga maging maligaya ang kapatid niya.