Chapter 10

10.1K 211 1
                                    

Trisha

Sakay sa tricycle nila Jess ng nagtungo sila sa bahay nina Vanna. She doesn't mind ng sa halip na si Jess ang magmaneho ay si Kevin ang nasa manibela ngayon katabi sa likuran si Vanna habang siya naman ay katabi sa loob si Jess.

Mabait si Jess at iginagalang nito ang pananahimik niya.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila kina Vanna. Malaki ang bahay ng mga ito ngunit hindi pa tapos. Sementado na at finished ngunit wala pang pintura.

"Ayokong kashare ka ng room Trisha."maarteng sabi ni Vanna ng ihatid siya sa pinakadulong silid. Wala pa iyong pinto at tanging kutson na mababa lang ang nakalatag. Kurtina ang nagsisilbi noong harang sa pinto maging sa bintana.

Dinedma niya lang ito. Hindi siya affected kung pangit at di komportable ang patutulugan nito sa kanya ang mahalaga malayo lang siya dito.

"Thanks."sabi niyang pasarkastiko.

Ibinagsak ni Vanna sa sahig ang tote bag niya na ipinirinsinta nitong dalhin kanina nang NASA harap sila ng mga magulang nito.
Mapagkunwari ang pinsan niyang ito.

Hindi niya na lang ito pinansin.

Lumabas si Vanna na bubulung-bulong.

Inayos niya lang ang pagkakalagay ng tote bag niya at lumabas na din. Sa baba ay naabutan niyang kumakain na ng meryenda sina Kevin at Jess kausap ang uncle Pete at auntie Claire nila. Mabait naman ang mga ito kaya nakakapagtaka na salbahe si Vanna.

Dumating ang mga kabarkada ni Vanna na sila Jasmin at Chiasa. Panay ang landi ng dalawa kina Kevin at Jess.

Nagkayayaan pang uminom ng beer. Aprubado naman sa mga magulang ni Vanna kaya kahit paano ay shuma-shot din siya. Gabi na sila natapos ng inuman.

May tama na siya ng maghiwahiwalay sila. Nauna ng umuwi si Jess dahil tinawagan ito ng inay niya. Pagewang-gewang na siya habang binabagtas ang daan patungo sa kwartong ipinahiram sa kanya ni Vanna.

Ilang dipa na lang ang layo niya sa silid ng may humila sa kanya at takipan ang bibig niya.

"Shhhh..it's me Kevin."anang tinig sa gilid ng tenga niya. Tumango siya. Nang makasiguradong hindi siya sisigaw ay inalis nito ang takip sa bibig niya.

"Vhakit Keyvin?"tanong niya dito.

"Dito ka na matulog."anito. Hindi siya pumalag ng igiya siya nito patungo sa malambot na kama.

"Maganda kwartoh mo. Unfayr shi Vanna Impakta!"sabi niya sabay tawa.

"We can share Trish."sabi nito. Humiga siya nang igiya siya nito.

Nagkusang pumikit ang mga mata niya. Nahihilo siya dahil sa nainom na beer pero nakakahilo ang mabangong amoy ni Kevin.

"Sleep tight. I love you."

Ngumiti lang siya sa narinig na sinabi nito.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon