Trisha
Maayos na ulit ang mood ni Kevin, pansin niya. Nakikipaghuntahan na ulit ito at kasama nila Vanna na lumalangoy sa dagat kahit kainitan ng araw.
Naiwan siya sa cottage. Umalis na kasi ang kasama niyang si Gilda pagkatapos pa lang mananghalian.
Wala siyang ganang lumangoy. Papaano ba nakakatagal ang mga ito na mabilad ng husto sa initan?
"Trisha di ba?"anang tinig na nagpaangat ng tingin niya. "Cleo nga pala."lahad nito ng palad ngunit tinapunan niya lang ng tingin.
Tumawa ito sanhi ng pagkapahiya.
Stupid.
"Sorry doon sa kanina, hindi ko alam na nawala ka pala. Pinaglaruan ko pa kayo ni Kevin."mababang loob na hingi nito ng paumanhin.
"Gusto mong patawarin kita?"
Nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito.
"Oo handa kong gawin kahit ano."
"Then get lost!"asik niya dito.
Halatang nagulat ito ngunit dinaan sa tawa.
"Bakit ba ang lakas ng dating sa akin ng mga babaeng mala-Tigre?"preskong sabi nito. Tinapunan siya nito ng kakaibang tingin. "Tutal hindi ka naman pala pag-aari ni Kevin e di liligawan na kita."mayabang nitong sabi na ikinainit ng ulo niya.
The nerve! As if magpapaligaw siya dito.
Umigkas ang kamay niya para sampalin ito ngunit maagap nitong sinalo.
"Magiging akin ka Trisha."may pagbabantang deklarasyon nito na ikinagigil niya.
"Presko!"
"Gwapo naman."nakangising sabi nito bago marahang binitiwan ang kamay niya.
Tumakbo ito patungo kina Vanna at sa kampon nito.
Lumingon sa kanya si Kevin at nagtama ang mga mata nila.
Hindi siya mapakali ng bigla itong umahon at naglakad patungo sa kanya.
"Ang hilig mong mag-isa Trish."puna nito. Tumutulo buhat sa basang basang buhok nito ang tubig dagat paagos sa matipuno nitong dibdib.
"Huwag mo akong pakialamanan!"asik niya.
Tumawa ito ng nakakaloko bago siya binuhat at ipinatong sa kaliwang balikat na parang sako ng bigas.
"Put me down Kevin! I swear di kita mapapatawad!"sigaw niya habang sinusuntok ito sa likuran. May ideya na siya kung anong binabalak nitong gawin.
Tawanan ang naririnig niya ng makalapit sila sa grupo nila Vanna and Friends. Hanggang sa lampasan nila ang mga ito ay rinig na rinig niya pa din ang tawanan. Nakakainis.
Lumusong si Kevin sa tubig na hanggang leeg nito at sa panggigilalas niya ay lumubog ito sa tubig kasama siya. Nagkakawag siya para lumangoy palayo dito ngunit hinila siya nito palubog sa malinaw na tubig.
Nagpambuno sila para makawala siya ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa nito habang nakalubog sila sa tubig.
Idinampi ni Kevin sa labi niya ang labi nito. Mabilis lang iyon pero siniguradong naramdaman niya.
Natulala siya sandali ngunit ng nakabawi ay mabilis na lumangoy palayo dito.
Ano bang inisip nito?
Lumangoy siya palapit sa pampang. Walang lingon likod na nilampasan niya sila Vanna.
Nakita ba ng mga ito ang ginawa sa kanya ni Kevin?
Imposible dahil talagang sinadya ni Kevin na dalhin siya sa malalim na parte para itago ang ginawa sa kanya.