Trisha
Nagsimula na ang pasahan ng bola ngunit nananatiling nakatayo sa gitna sina Kevin at ang number 4 sa kalabang team.
Mas matangkad ng kaunti si Kevin sa lalaki ngunit halatang may edad na dahil sa pangangatawan. Nasa 20's na siguro. May itsura din ito. At popular din sa mga kadalagahan. Mukhang hatak sa trabaho ang katawan dahil sa mga muscles na nakadisplay.
Napansin ng mga player sa court ang titigan ng dalawa kaya tumigil ang laro.
Nabahala ang mga nasa paligid lalo siya nang makita niyang itinulak ni Kevin ang lalaki.
Ngumisi lang ang lalaki na halatang iniinis si Kevin.
Umawat ang isa sa Kuya ni Jasmin ng akmang susugod ulit si Kevin sa lalaki.
Kinakabahan na talaga siya dahil ngayon niya lang nakitang napikon ang kapatid niya.
Nagbulung-bulungan ang mga miron. Tulad niya'y nagtataka din ang mga ito sa ugat ng sigalot ng dalawa. Tiningnan niya si Jasmin at nakita niyang napatayo ito sa upuan at mahigpit ang pagkakahawak sa towel na ginamit ni Kevin kanina.
Pumito ang referee at pinapabangko sina Kevin at ang lalaki. Sumunod si Kevin. Naglakad ito at akmang lalampasan ang nakainitan ngunit nagsalita ang lalaki.
"Kapag umupo ka tinanggap mo lang ang hamon ko sa iyo. At ibig sabihin panalo ako."maloko nitong sabi na rinig na rinig ng lahat.
"Tama na nga Jules."anang Kuya ni Jasmin na siyang umawat sa dalawa kanina. Pumagitna ito.
"E duwag pala iyang Manila Boy na iyan!"sigaw na nang-iinsulto ng tinawag na Jules.
Nakita niyang kumuyom ang kamao ni Kevin. At honestly kinakabahan siya.
"Bakit ba kayo nag-aaway?"tanong ng referee na mainit na ang ulo.
"Gusto ninyong malaman?"mayabang na tanong ni Jules. "Sinabihan ko lang naman siya na maganda ang babaeng palagi niyang tinitingnan at pinasisikatan at kapag natalo ko siya ay idedate ko ang magandang babaeng iyon."
Napasinghap ang mga tao. Sinulyapan niya si Jasmin at nakita niyang napatungo ito dahil sa pangangantyaw ng mga kaibigan.
Napatampal naman ng referee ang panot na ulo nito. "Hah, babae!"disgusted na sabi nito. "Unahin ninyo ang laro mga totoy. Makakapaghintay ang pagporma!"sermon nito na ikinatawa ng mga manonood.
Gumaan ang pakiramdan ng mga tao pero tense pa din siya. Iba pa din kasi ang itsura ni Kevin. Halatang nagpipigil ito na upakan ang lalaki.
"Tama na okay."anang Kuya ni Jasmin.
"Masama ba kung isipin ko kung gaano kalambot ang mapupulang labi ng dalagang iyon?"malisyosong sabi ni Jules na ikinasinghap ng mga manonood.
Napatili siya dahil sa bilis ng pangyayari. Nakakubabaw na kaagad si Kevin kay Jules at panay ang unday nang suntok sa mukha nito.
They were all stunned nang makitang hindi makasalag ang lalaki at ang lalakas ng pinakakawalang suntok ni Kevin. Halinhinan ang magkabila nitong kamao sa pagsuntok.
Parang nagising lang sila sa bangungot ng tumakbo si Jasmin at awatin si Kevin ngunit hindi natitinag ang kapatid niya.
Hinila na ng mga kateammates si Kevin ngunit hindi nila maalis ito sa ibabaw ni Jules. Pinagtulung-tulungan nila na pigilan ang magkabilang braso ni Kevin para huwag na itong makasuntok.
Duguan na ang mukha ng lalaki.
Nakikita niyang nasasaktan si Kevin sa pagpupumiglas nito dahil gusto pa din nitong manakit ng kapwa.
Hindi niya akalaing ganito makipag-away si Kevin. Napakabayolente at kasalanan niya ito. Kung hindi na lang siya pumayag na makipaglaro ito sana ay hindi hahantong sa ganito ang lahat.
Tinakbo niya ang kinaroroonan nila Kevin para tumulong umawat. Nakita niyang wala sa sarili si Kevin base sa mga patay nitong mga mata.
"Kevin, tama na please."pakiusap niya. Tumayo siya sa may gilid nito. Parang doon lang nagising ang kapatid niya ng marinig ang boses niya.
Iwinagwag nito ang mga kamay na nakahawak dito upang umalis sa pagkakakubabaw kay Jules. Mahigpit siya nitong niyakap pagkatapos.
"Pagud na pagod ako Trish, let's go home."parang bata na mahinang yaya nito sa kanya.
"Okay, uuwi na tayo."sabi niya.
Sinenyasan niya si Jasmin na uuwi na sila maging ang referee. Tumango lang ang mga ito.
Pero ang Kuya ni Jasmin na narinig niyang tinawag nitong Kuya Milo ay hindi pumayag.
Sinabi nitong sa bahay daw muna ng mga ito sila pumunta dahil paano daw ipapaliwanag sa Lola nila ang itsura ni Kevin na puno ng dugo ang kamao at talsik ng dugo ang puting jersey. Sumang-ayon siya dahil may punto naman ito.Pagdating sa bahay nila Jasmin ay tahimik lang silang lahat. Nakaupo si Kevin habang pinupunasan niya ng bimpo ang duguan nitong kamao. Mukhang shocked pa rin ito. Nakabantay si Jasmin sa tabi nila na may nakapaskil na guilt sa mukha.
"Hindi ko pa iyan nasusuot Trisha. Ipasuot mo kay Kevin."sabi ni Diego. Ito ang pinakamatandang kapatid ni Jasmin at umawat kina Kevin kanina. Iniabot nito sa kanya ang kulay asul na T-shirt na nakabalot pa.
"Thanks pero alam kong may baon na tshirt si Kevin sa bitbit niyang sling bag."tanggi niya. Namataan niya ang tinuyukoy na bag nakasabit sa isang poste ng bahay nila Jasmin. Galing na sila rito kanina dahil dito nagpalit ng jersey kanina si Kevin na pahiram nila Diego.
"Kukunin ko lang ang bag niya."paalam ni Jasmin. Umalis ito kahit walang nasagot sa kanila ni Diego.
"Nakausap ko na kanina ang parents ni Jules. Gusto nilang humingi ng tawad sa parents ko dahil sa ginawang pambabastos ni Jules sa kapatid ko kaya na provoke niya si Kevin. Gusto din nilang makausap si Kevin pati ang Lola ninyo para humingi ng kapatawaran sa inasal ni Jules."mahabang litanya ni Diego. Base sa pananalita nito ay asar din ito kay Jules.
"Si Jules ba okay lang?"tanong niya. Mukhang basag ang mukha nito dahil sa mga tinamong suntok kay Kevin.
"Pahinga lang iyon. Tama lang sa kanya ang nangyari. Pati kapatid ko idinamay. Parang hindi niya nakitang lumaki si Jasmin para pagnasaan niya."pigil ang galit na sabi ni Diego. Hindi niya ito masisisi kung magalit ito.
"Hindi si Jasmin ang tinutukoy niya."
Nagulat sila ni Diego ng magsalita si Kevin.