Chapter 42

8K 138 3
                                    

Trisha

Si Jasmin lang ang kasama nila sa sayawan. Ayaw daw ni Tina pumunta dahil ex-boyfriend nito ang kapatid ni Bianca.

Parehong nakapalda ito at si Vanna na hindi lumampas sa tuhod at nakasuot ng tube tank may patong na cardigan. Cute naman ang dalawa.

Siya naman ay nakapantalong maong tulad ng tatlo nilang kasamang lalaki. Nagsleeveless lang siyang dilaw na nagpatingkad lalo sa kaputian niya. Pinuyod niya ang buhok para hindi sundin ang sinabi ni Cole kanina na maglugay lang siya.

Magkakasabay na naglalakad sina Vanna, Jasmin at Kevin. Sina Jess at Cole naman ang kasunod habang nasa likuran siya.

Madami nang tao sa sayawan ng dumating sila. May mga umiikot na ilaw na iba't ibang kulay na parang sa disco. Malakas din ang patugtog nang mga kanta kaya natatabunan ang maingay na tunog ng generator na siyang nagsusupply ng kuryente.

Sinalubong sila ni Aling Rosa upang yayaing kumain ngunit ang mga pinsan niyang lalaki ay atat nang humalo sa mga tao sa sayawan.

Umupo sila sa gilid. Hindi siya umimik nang abutan siya ni Kevin ng leche flan na nasa llanera pa. Napapagitnaan nila ni Jasmin si Kevin nang upo habang si Vanna naman ay umalis nang may bumati ditong lalaki at yayaing sumayaw.

Napasulyap siya sa papel na plato ni Kevin nang lagyan iyon ni Jasmin ng matamis na ubeng halaya. Puros desserts ang kinuha nila dahil busog naman sila bago nagtungo dito.

"Thanks."ani Kevin dito. Nag-usap ang dalawa habang tahimik naman siya na inuubos ang leche flan. Paborito niya iyon kaya kayang-kaya niyang ubusing mag-isa.

Naiinis siya sa pacute na pagtawa ni Jasmin habang nagkukuwentuhan ang mga ito. Pwede namang tumawa ito ng normal.

"May ube ka."ani Jasmin kay Kevin kaya napasulyap siya sa mga ito. Kitang-kita niya nang kumuha ito ng panyo upang punasan ang sulok ng bibig ni Kevin.

Kalabisan na ang presensya niya sa lampungan ng mga ito kaya padabog siyang tumayo.

"Saan ka pupunta, Trish?"takang tanong sa kanya ni Kevin.

"Nauuhaw ako, kukuha lang ako nang tubig."sagot niya. Hinintay niyang magsalita si Kevin sa kanya ngunit nabaling na ang atensyon nito kay Jasmin nang magtanong ang dalaga dito. Nakasimangot na iniwan niya ang mga ito.

Magflirt kayo hanggang gusto ninyo! inis niyang patungkol sa mga ito. Nilampasan niya ang water jug hanggang sa makarating siya sa gilid ng bahay nila Aling Rosa. Tagadala ng iba't ibang prutas ang babae sa bahay ng Lola nila kaya ilang beses niya nang nakausap. May prutasan kasi ang mga ito.

Malaking fish pond ang nakita niya na may free flow na poso sa gitna at tinanaw iyon. Hindi kalakasan ang tugtog sa parteng ito ng bahay dahil medyo malayo na. Wala ding tao dahil nasa bakuran ang kasiyahan. Kakaunti lang ang liwanag dito dahil nagmumula pa ang ilaw sa bombilyang dilaw na nakakabit sa isang puno para may ilaw sa fish pond.

Kumakalma ang pakiramdam niya.

"Hindi ka na bumalik."anang tinig. Bago siya makaimik ay nayakap na siya nito mula sa likuran.

"Iniwan mo si Jasmin?"sita niya dito. At napansin niyang may pait sa dila niya ng bigkasin ang pangalan ng dalaga.

"May kausap naman siya doong kaibigan niya."paliwanag nito.

Damang-dama niya ang pagtahip baba ng dibdib ni Kevin dahil nakalapat iyon sa may likod niya.

"Bumalik ka na at makipagsayaw. May pustahan kayo nila Cole."paalala niya dito. "Saka isasayaw mo pa si Jasmin."dugtong niya at muli, may nalasahan siyang pait sa dila ng bigkasin ang pangalan ng babae.

Bahaw na tumawa si Kevin. "Itinataboy mo ako?"

Tumahimik siya sa tanong nito. Nag-iisip siya ng paraan para iwan siya nitong nag-iisa at nauubuasan na siya ng alibi para paalisin ito.

"Gusto ko ang ayos mo Trish. Simple lang pero binabaliw ako."anito na sa batok niya tumatama ang mainit na hininga. Pinagsisisihan niya tuloy kung bakit nagpuyod pa siya.

"Kevin, bumalik na tayo sa sayawan."patay malisya niyang yakag dito.

"Kung tatanungin mo ako Trish, mas gusto kong nandito tayo para solo lang kita. Ayokong bumalik doon at hayaan ang ibang mga lalaki na magpyesta ang mga mata sa pagtingin sa iyo. Ayoko ding may lumapit sa iyo at may makipagsayaw."

"Wala akong balak sumayaw."sabi niya para panatagin ang loob nito upang makabalik na sila sa madaming tao.

"But still.."namamaos nitong sabi. Iniharap siya nito dito para magkasalubong ang mga mata nila. "Nagseselos ako sa mga tumitingin sa iyo."

Pinanliitan niya ito ng mata, nagseselos gayong enjoy na enjoy ito sa pakikipaglampungan kay Jasmin. Nais niyang isantinig iyon ngunit pinigil niya ang sarili. Para saan ba kung sasabihin niya iyon?

Hinawakan nito ang baba niya para iangat.

"Halos mamatay ako Trish sa sinabi mo kaninang umaga." Natahimik siyang lalo dahil sa sinabi nito. Totoo palang naapektuhan ito ng sinabi niya. "I cried my heart out dahil nasaktan ako ng labis,"anito sa mas mahinang tinig. "Pero may narealized ako Trish, hindi ko kayang i-let go ang anumang narararamdaman ko para sa iyo."

"You're insane."disgusted na sabi niya.

"Either way, doon din naman ang pupuntahan ko for loving you this much and controlling this feeling."

Pagak siyang tumawa. Nakatanggap ba siya ng confession mula kay Kevin?

"Kahit mahirap I decided to break all the rules Trish so there's no going back for me."

Napadilat na lang siya ng mga mata nang isandwich nito sa mga labi nito ang pang-ibabang labi niya at i-suck iyon. Dumagundong ang puso niya dahil sa kahibangang ginawa nito.

Tinulak niya ito dahil doon.

"Running from me Trish is futile. I'll go chasing you hanggang maging pareho tayo nang nararamdaman sa isa't isa."sabi nito.

Umigkas ang kamay niya at sa ikalawang pagkakataon ay dumapo iyon sa gwapo nitong mukha.

"Sure it hurts,"nakangising sabi ni Kevin. Pinunasan nito ang sulok ng labi na dumugo dahil nadali niya iyon sa pagsampal ng ubod-lakas dito. "pero mas masakit kung hindi kita hahalikan."

"Baliw ka talaga." Umigkas ulit ang kamay niya dahil sa sinabi nito ngunit na-hang iyon sa ere ng biglang may nagsalita at lumapit sa kanila.

"Hoy awat na."ani Jess sa kanya. Nasa mukha nito ang pagkalito dahil sa naabutang eksena. Dinaluhan nito si Kevin.

"Kaya ba kayo nawala ay para lang magsampalan?"ani Cole napatakbong lumapit sa kanila. Kasunod nito sina Vanna at Jasmin.

"Nagkapikunan lang kami."paliwanag ni Kevin.

"Hindi kayo dapat nag-aaway."ani Jess na sa kanya bumaling. "Ikaw ang mas matanda Trisha dapat ikaw ang nagbibigay sa anumang kakulangan ni Kevin. "pangaral nito sa kanya.

"Wala siyang kasalanan,"tanggol ni Kevin sa kanya. "Ako ang may gawa. So guys please stop blaming her."mariing utos nito.

"Dumudugo sulok ng bibig mo Kevin."pansin ni Cole.

Napadako ang tingin nilang lahat sa parte ng mukha ni Kevin na tinutukoy ni Cole. May dugo na doon. Somehow naguilty siya sa pananakit dito pero tinigasan niya ang loob.

"Magkapatid kayo."ani Vanna para idiin sa kanya na hindi niya dapat sinasaktan si Kevin.

"Exactly."nakangising sang-ayon niya dito. Sinulyapan niya si Kevin para iparating dito na tama si Vanna na magkapatid sila kaya dapat huwag nang umasam pa si Kevin ng higit pa roon.

"Tss."anito bago iniiwas ang mukha kay Jasmin ng tangkang punasan ng dalaga ang dugo sa sulok ng bibig nito.

Nagwalk out ito kaya sinundan ni Jasmin. Sinundan din ito ni Cole. Naiwan naman sina Jess at Vanna habang nakatingin sa kanya ng masama.

"Hindi ko obligasyong magpaliwanag sa inyo people."masungit na sabi niya. Tinabig niya si Jess dahil nakaharang ito sa daraanan niya.



That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon