Chapter 5

14.3K 236 1
                                    

Trisha

Bumaba siya ng silid niya na tirik na ang araw. Alam niyang wala siyang gagawin kundi ang tumitig sa malawak na kabukiran na walang hanggan kaya pinili niyang magbabad sa maliit niyang silid.

Narinig niyang may kausap si Kevin sa terrace. Nangunot ang noo niya nang maalala ang ginawa sa kanya kagabi ng kapatid. Pinilit siya nitong kumain ng hapunan kahit alas diyes na ng gabi.

Inihatid din siya nito sa silid niya na ikinainis niya.

Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Hinainan siya ng pandesal ni Manang Lisa. Kakakagat niya pa lamang sa una niyang tinapay ng makarinig ng papalapit na mga yabag at malalakas na tinig ng mga ito.

"Sa wakas gising na din ang mahal na prinsesa!"patuyang sabi sa kanya ng may nakakatawang malaking pusod sa ulo.
May makapal itong make up na hindi angkop sa maluwag nitong pananamit.

"Oh hindi ko alam na nandito ka." maarteng sabi niya. Second cousin nila ni Kevin ang babae since anak ito ng pinsan ng mommy nila. Nag-iisang anak lang ang mommy nila ngunit madami itong pinsan na pawang dito sa probinsya nakatira.

Patuya itong tumawa bago nagsalita. "Masyado ka kasing tanghali gumising cousin!"

Mas pinili niyang huwag umimik na ikinainis nito. Mainit na ang dugo nito sa kanya unang kita pa lang nila noong unang bakasyon nila ni Kevin dito.

Mutual lang ang nararamdaman nila sa isa't isa.

"Since you are awake ipagpapaalam ko lang si Kevin. Sasamahan niya ako sa Bayan."

Umangat ang kilay niya. As if she cares. Nilampasan niya ito ng tingin at sinulyapan niya si Kevin na nakatayo sa likuran nito.

Nabasa niya sa mukha nitong naghahamon ito na pumayag siya.

"Sinong kasama ninyo?"tanong niya.

"Kami lang."masayang sagot ni Vanna.

"Magcocommute kayo?"

"Of course not, may tricycle sina Lola Tilde at si Kevin ang magdadrive."

Sa narinig ay napatayo siya. Hindi pwedeng magdrive si Kevin ng ito lang unless kasama siya. Iyon ang mahigpit na bilin ng mommy nila.

Nilampasan niya si Vanna at hinarap si Kevin.

"Give me 20 minutes, liligo lang ako."paalam niya. Isang ngisi ang isinagot ni Kevin na ikinairita niya.

"What? Hindi ka kasama Trisha!"gigil na sabi ni Vanna.

Nakahalukipkip na hinarap niya ito. "Kung hindi ako kasama, sorry wala ding Kevin na kasama."

"But-"

"That's the rule cousin. And I don't make those rule."pamalditang sabi niya bago tinalikuran ang nakakayamot niyang pinsan.



That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon