Trisha
Frustrated na nagpakawala siya ng buntunghinga. Ginusto niyang humanap si Kevin nang ibang babaeng pagbabalingan nito ng pag-ibig ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ang bigat ng dibdib niya.
Lumingon siya sa kahanay niyang mga upuan. Nag-iisa na lang siya doon. Iniwan siya ni Trish. Kanina pa umalis ang mga Pinsan niyang lalaki at ganoon din naman sina Jasmin at Kevin. Kanina pa siya nag-iisa.
Mukhang nag-e-enjoy ang mga ito lalo na sina Jasmin at Kevin. Bagay na bagay naman sila hindi ba?
Perfect couple.
Maganda, mahinhin, maasikaso at mabait si Jasmin. Ganitong klase ng babae ang kailangan ni Kevin.
Pero bakit nakakadama siya nang inggit kay Jasmin.. Dahil ba pwede nitong hawakan kahit kailan nito gustuhin ang kamay ni Kevin?
Hindi niya maalis-alis sa isip ang paraan ng pagkakawak ni Jasmin sa kamay ni Kevin kanina. At iyon ang nagpapagulo sa isip niya.
Tumingala siya para pawiin ang panibughong nag-uumpisang tumubo sa puso niya.Dramatikong napasinghap siya nang may mga matang nakatitig sa kanya.
"Kevin.."
Nagulat siyang makita ito na nakatunghay sa kanya. Masyado ba siyang hulog sa pag-iisip kaya hindi niya namalayang nasa likuran niya na ito?
Pinigilan niya ang sariling paghinga bago umalis sa pagkakatingala.
"Si Jasmin?"tanong niya dito ng mapansing nag-iisa itong bumalik.
"Hiniram ng mga kaibigan niya."anito.
Nagulat siya nang ganapin nito ang palad niya at hatakin siya patayo.
"Saan tayo pupunta?"tanong niya kahit kita niyang dinadala siya nito sa kumpol ng mga taong sumasayaw na magkapareha.
Nag-aalala siyang makita sila ng mga pinsan nila. Hindi normal na pumunta sila ni Kevin dito para sumayaw.
Ang paghila ni Kevin sa kanya patungong gitna ang naging sagot nito.
Kinabahan siya nang tumigil sila sa may gitna. Baka may makakita sa kanilang kakilala at mag-isip ng di maganda.
Dahan-dahang itinaas ni Kevin ang magkabila niyang kamay at ipinatong sa mga balikat nito habang hindi bine-break ang eye contact nila.
Kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Naroroon ang determinasyon at pagsuyo.
Suminghap siya nang ipulupot ni Kevin ang kamay nito sa beywang niya kasunod ang paghapit sa kanya hanggang magkadikit ang mga katawan nila habang ang ulo niya ay nakalapat sa may balikat nito.
Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi siya makahinga. Nagha-hyperventilate siya dahil sa lapit nila ni Kevin.
Napakaipokrita niyang hilinging layuan siya nito at putulin ang anumang damdamin nito sa kanya ngunit natatakot siyang sundin nito iyon at tumingin nga ito sa iba.
Naguguluhan siya. Sobrang naguhuluhan kaya hindi niya malaman ang dahilan ng napakabilis na pagtibok ng puso niya at samu't saring damdamin na bumabaha sa kanya.
Mariing pumikit siya nang maramdamang dinampian siya ni Kevin ng halik sa bumbunan.
Aatakihin yata siya dahil sa mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Bumalik na tayo."utos niya dito matapos paglabanan ang damdaming umaalipin sa kanya.
"Mahal kita Trish."bulong nito na nagpalaki sa mga mata niya.
Mahal siya nito. Ulit niya sa isip ng mga salitang binitawan nito at nasasaktan siya para dito dahil isa lang iyong kahibangan.
"Naguguluhan ka lang."mahinang sabi niya.
"Bakit hindi mo ako sineseryos?"nabihirapang sabi nito.
"Dahil mali ito."pagdidiin niya.
"Akala mo ba hindi ko alam na mali itong damdamin ko para sa iyo?"anas nito na naghihirap. "Alam na alam ko Trish."naramdaman niyang humugot ito ng pagkalalim-lalim na buntunghinga. "Natatakot ako dahil para akong gamu-gamo na lumalapit sa napakagandang apoy kahit alam kong oras na madikit ako ay matutupok ako."
Tumiim ang bagang niya dahil sa sinabi nito. Siya ang tinutukoy nitong apoy at katupasan ang naghihintay sa kanila kapag pinagbigyan nila ang mga damdamin nila.
Ayaw niyang mauwi sila sa malungkot na katapusan.