Trisha
Kaya ayaw niya nang bakasyon ay napipilitan siyang makipag-interact ng mas madalas kay Kevin.
Sa Manila, kapag nagkulong siya maghapon sa kwarto niya ay hindi siya ginagambala ni Kevin ngunit kapag nandito sila sa probinsya ay malaya siya nitong iniistorbo o kaya'y wala siyang magawa kapag inutusan na siya ng Lola nila na makihalubilo dito at sa iba nilang pinsan, tulad na lang ngayon.
Dumating si Jess at Vanna. Nagset ng maliit na salu-salo ang Lola nila. Kahit napipilitan ay kinailangan niyang makipag-usap sa mga ito.
Super plastic ni Vanna. Ramdam niyang unwelcomed siya dito.
Akala niya ay matatapos na ang pananakit ng ulo niya sa pakikipag-usap sa mga ito ngunit nagkamali siya.
Matinding pasabog ang inanunsyo ng Lola nila pagkatapos mananghalian. Pansamantala daw na kina Vanna muna sila ni Kevin. 2 to 3 days lang naman daw dahil requested ng mga magulang nito.
Nagprotesta siya ngunit sinansala siya ni Kevin. Hinila pa siya nito sa gilid upang makapag-usap sila ng sarilinan. Sa huli ay nanalo ito dahil hindi sila pwedeng maghiwalay. Iyon ang bilin ng mom nila. Kahit gusto niyang suwayin ang Ina ay hindi niya kaya.
Kahit pa namumuhi siya dito ay hindi niya kayang sumuway dito.
Siya ang mas matanda kay Kevin at bilang panganay ay responsibilidad niya ito.
Pumasok siya sa inuokupahang kwarto upang kumuha ng ilang pirasong damit at mga personal na item.
Hindi na siya nagulat ng sundan siya ni Vanna. Ano pa bang kataka-taka sa bruhang ito? Kung tinik sa lalamunan niya si Kevin, ano pa kaya ang babaeng ito? Tinik sa ngala-ngala niya at tonsil?
"Mas gusto kong hindi ka kasama Trisha pero anong magagawa ko package deal kayo ni Kevin e."
"Ayoko nga ding pumunta sa bahay ninyo. I hate seeing your ugly face."
"You!"akmang susugurin siya nito ngunit natigilan ng marinig nila ang pag-ingit pabukas ng pinto ng kwarto niya. Ang nakaputing vneck shirt at navy blue na beach shorts ang bumungad sa kanila.
"Ready Trish?"tanong nito. Bahagya pa itong nagulat ng makita ang panauhin sa kwarto niya.
"Ang cool mo Kevin. Tiyak matutuwa si Jasmin na makita ka!"puri ni Vanna sa kapatid niya.
Umangat ang kilay niya sa pangalang nabanggit ni Vanna. Jasmin, pangalan iyon ng BFF ni Vanna at kapareho nitong bruha. May gusto ito kay Kevin at noon pa ipinapares ang dalawa.
So that's it. Iyon ang dahilan kaya atat na atat si Kevin sumama kina Vanna. Gusto nitong makita si Jasmin.
E di okay dahil mawawala ito sa paningin niya. Makakapagrelax siya kahit papaano.
Pinanood niya ng bigyan ni Kevin ng matipid na ngiti si Vanna.
Sa isip niya naman ay nagdiriwang siya. Maikli mang freedom ay okay lang.
Nang maizipper niya ang tote bag ay kaagad iyong kinuha ni Kevin sa kanya.
"Eto lang ba Trish, how about your neck pillow?"tanong nito.
"Madali lang naman tayo doon. Hindi tayo magtatagal."parinig niya kay Vanna.
"Kevin, how about magstay pa ikaw ng another 3 days or 1 week?"ani Vanna Kay Kevin. Mukhang naglalambing ito.
"I can't . Kapag umuwi si Trish uuwi na din ako."sagot ni Kevin na ikinangisi niya ng tumingin sa gawi niya si Vanna.
Umasim ang mukha nito dahil doon.