Trisha
"Gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga
kondisyon ko Trisha. Makinig kayo, lalung-lalo ka na Kevin. Uuwi tayo bukas sa Manila Trisha. We are going to start anew."Tutol siya sa sinasabi ng mom nila ngunit pinisil ni Kevin ang palad niya para huwag niyang maisantinig ang pagtutol.
"Maiiwan ka dito Kevin at babalik ka lang sa bahay kapag pasukan na. Ayokong magcommunicate kayo at ituloy pa ang sinimulan ninyong kalokohan at kaimoralan."
Napapikit siya ng mariin dahil sa piniling words ng mom nila bilang pantukoy sa relasyon nila ni Kevin.
"Do you understand?!"istriktang tanong ng mom nila.
"Yes/Opo."sabay nilang sagot ni Kevin.
"Kung oo naman pala, tigilan ninyo na ang kakaholding hands. Masakit sa mata at nakakadiri!"galit nitong sigaw kaya napakislot siya.
Awtomatikong hinila niya ang palad na nakakulong sa kamay ni Kevin na pinakawalan naman nito kaagad.
"Ayoko ding makikitang magdidikit kayong dalawa pag-uwi ni Kevin sa bahay."dugtong nito.
Marahan lang siyang tumango.
"Oras na lumabag kayo sa usapan natin. Sinisigurado kong pagsisisihan ninyo ang gagawin ko. Ipapadala kita Trisha sa Davao kung saan naroroon ang kamag-anak ng dad mo at ikaw naman Kevin ipapatapon kita sa pamilya ng ama mo."
Nagkatinginan sila ni Kevin. Napansin niyang nagtangis sandali ang bagang nito pero agad din itong nagblangko ng ekpresyon.
"Trisha iempake mo na ang gamit mo."utos sa kanya ng mom nila. Wala sa loob na kumilos siya upang sundin ito.
Paglabas niya sa pinto ay nakita niya si Vanna na tahimik na naghihintay. Kitang-kita niya ang panunumbat sa mga mata nito at pagkamuhi. Hindi pa ito nakuntento dahil sinampal pa siya nito ng ubod lakas kaya napapaling ang mukha niya sa kabilang side.
Walang epekto ang sampal nito dahil manhid na siya sa sakit kung ganito lang din namang kalakas. Wala na kasing sasakit pa sa pagdurog ni Kevin sa puso niya.
"Para iyan sa kalandian mo."sabi nito sa nanggigil na tinig. Isa pa uling sampal ang pinakawalan nito sa kabila niyang pisngi. "Para naman iyan sa kaimoralan mo."asik nito.
Walang emosyong tinitigan niya ito. Gusto niya itong sumbatan at sabihing wala itong karapatang saktan siya ngunit pinigil niya ang sarili.
"Ang kapal ng mukha mo. Magsalita ka!"utos nito sa galit na tinig.
"Wala kang alam Vanna, so stop being a bitch."walang buhay niyang sabi bago ito nilampasan.
Nagtungo siya sa kanyang silid na emotionally drain. Basta niya lang ipinagsasaksak sa maleta niya ang lahat ng damit at gamit niya.
Nagpalit siya ng yellow na tube tank at pinatungan iyon ng jacket na may hoodie at itim na leggings.
Bitbit ang maleta at sukbit ang tote bag niya ay binalikan niya ang mom nila sa silid sa ibaba.
Akala niya ay haharangin pa siya ni Vanna at pagsasalitaan o sasaktan ngunit nagkasya na lang ito sa pagtingin sa kanya ng masama.
Nagpaalam siya sa Lola nila at mabilis na sulyap lang ang ginawa niya kay Kevin. Tinigasan niya ang damdamin para huwag tumakbo palapit dito upang yakapin ito at magmakaawang itanan siya nito. Kahit saan sasama siya dito. Kahit pa sa dulo ng daigdig o saang lupalop ng mundo pero...
Isinuko na siya ni Kevin. Wala nang sila. Masakit na katotohanang dapat niyang tanggapin.
Nagpaalam na rin ang mom nila kay Lola Tilde at mahigpit na binilinan si Kevin na hindi niya na inintindi kung ano.
Nauna na siyang nagtungo sa van na naghatid sa kanila ni Kevin sa pier noong papunta sila dito. Isinakay niya ang gamit niya sa likod bago nagtungo sa tabi ng driver. Sinadya niya doong maupo para huwag bigyan ng chance ang mom nila na kausapin siya.
Maya-maya lang ay sumampa na rin ang mom niya sa van. Inuutusan siya nitong lumipat sa tabi nito ngunit dedma siya.
Gaya ng dati, wala na siya ulit pakialam sa lahat.
Hinding-hindi na siya magmamahal. Second betrayal na ang naranasan niya. Una sa mom niya, pangalawa kay Kevin.
Namumuhi siya sa sarili dahil nagpauto siya kay Kevin.