Chapter 32

7.6K 132 2
                                    

Trisha

Na-freeze siya sa kinauupuan. Nakanganga pa din siya kahit tapos na siyang bigyan ni Kevin mabilis at magaan na halik sa labi.

Hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Hinalikan ba talaga siya nito sa open area ngayun-ngayon lang?

"Seryoso ako sa iyo Trish."sabi nito na nagpaigtad sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa tapat ng dibdib nito. Damang-dama niya ang malakas na pagtibok ng puso nito.

Magsasalita pa sana ito ngunit pinigilan niya.
"Sa loob muna ako."paalam niya.

Nagpakawala muna ito ng malalim na buntunghinga bago binitiwan ang kamay niya.

"Sorry kung binigla kita."

Marahan lang siyang tumango bago patakbong iniwan ito. Diretso siya sa kwarto niya. Nilock niya iyon bago hinarangan ng bedside table. Natatakot siyang pasukin siya ni Kevin sa kwarto niya tulad noong nakaraang gabi kaya simula noon ay inihaharang niya na ang mabigat na lamesitang iyon.

Padapa siyang humiga sa kama pero wala pang ilang segundo ay kaagad ding bumalikwas ng bangon ng marinig ang hugong nang papasok na tricycle sa solar nila.

Sakay noon ang aguela nila at sina Manang. Nagpunta sa bayan ang mga ito para bumisita sa isang kaibigan.

Sana'y sumama na lang sila ni Kevin para naiwasang halikan siya nito.

Galit niyang hinila ang ilang hibla ng buhok niya dahil sa pakiwari niya ay nagmalfunction na ang isip at puso niya.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon