Chapter 40

7.8K 138 3
                                    

Vanna

"Kulang ka lang sa inom Kevin."sabi ni Cole na siyang tagalagay ng alak sa baso ni Kevin.

Itinakas nila kina Lola Tilde ang pinsan nilang ito na parang mamamatay sa pag-iyak ng tahimik kanina.

Dumistansya siya kina Kevin sa takot na ma-freaked out ulit ito at atakihin siya.

Magkakaharap na nakaupo sa mesang pabilog ang tatlong lalaki. Tanging si Kevin lang ang uminom. Tamang kwento lang si Cole.

Hindi niya alam na ang tulong na inalok kanina nila Jess kay Kevin ay maboteng usapan pala.

"She hated me."ani Kevin pagkatapos i-straight ang laman ng baso. Ang sama-sama ng loob nito sa pagkakasabi noon.

"Bakit?"puno ng kuryosidad na tanong ni Cole.

Umiling lang si Kevin.

Disappointed ang mukha ni Cole. May mga tanong kasi na hindi sinasagot si Kevin gayong nasa mukha ni Cole ang kaatatang makakuha ng scoop.

"Mahal mo?"singit ni Jess.

Nagpakawala ng malalim na buntunghinga si Kevin. "Oo e. Mahal na mahal."sagot nito. Halatang may tama na ng nainom na alak.

Kinantyawan ito nila Jess.

"Anong problema? Ligawan mo kaya.."payo ni Cole.

Sumeryoso bigla ang mukha ni Kevin bago biglang nalungkot.

"Ayaw niya sa akin."mahinang sabi nito na nahulog sa self-pity.

Nagkatinginan silang tatlo.

"Kahit mali ipaglaban mo kung anumang nararamdaman mo."ani Cole.

Napanguso siya sa payo nito.

"Galit na galit siya sa akin cousin. Hindi ko siya masisisi na ganoon ang nararamdaman niya. Saka alam ko namang galit siya pero ipinipilit ko pa din ang sarili ko."

Curious na nagkatinginan sila Jess at Cole. Siya naman ay napaisip kung sino ang babaeng tinutukoy nito. Si Jasmin kaya?

"Huwag kang sumuko Kevin. Kung mahal mo ipakita mo sa kanya na seryoso ka. Tama si Cole ipaglaban mo ang pag-ibig mo. Suportanta ka!"

Nag-apir pa sina Cole at Jess pagkatapos.

"Yeah. Thanks."ani Kevin. Lumiwanag ang mukha nito ngunit nagpatuloy ito sa pag-inom.

Lasing na lasing si Kevin. Halos gumapang na ito.

Tumawag si Lola Tilde nila sa mama niya at pinauuwi nito si Kevin. Siya na ang nagpaliwanag sa matanda nang sitwasyon ni Kevin ngunit matigas ang pasya nito na ibalik nila sa bahay nito ang pinsan nila.

Wala silang nagawang tatlo. Galit na galit ang Lola niya kaya di nila ito pwedeng sawayin.

Inakay nila Jess at Cole si Kevin.

"Huwag mo masyadong dibdibin Kevin."payo ni Cole habang naglalakad na sila.

"Of course, of course."sang-ayon ni Kevin.
Bumanat ito ng kanta pagkatapos.

You're the fear, I don't care
Cause I've never been so high
Follow me to the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life

So love me like you do, love me like you do
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?

Naghagikhikan sila Jess at Cole. Damang-dama kasi ni Kevin ang pagkanta kahit medyo umiekis na ang dila nito. Natahimik si Kevin bigla.

"Bigung-bigo nga."ani Jess.

"Sabihin mo basted kaya di kinaya.''nagtawanan pa ang mga ito.

Lumungayngay ang ulo ni Kevin sanhi ng kalasingan. Tahimik na sila ng makarating kina Lola Tilde. Nagpractice pa si Jess ng paliwanag kay Lola Tilde para hindi sila nito masyadong pagalitan.

Nakailang katok siya bago may nagbukas ng pinto.

Ang napakaganang mukha ni Trisha ang nabungaran nila. Nagulat ito nang makitang akay nila Jess at Cole si Kevin.

"Good eve, Trish."bati ni Cole sa dalaga kahit alas tres pa lang ng hapon.

Umangat ang ulo ni Kevin ng marinig nito ang sinabi ni Cole. Ngumisi ito ng makita si Trisha at pagewang-gewang na lumapit sa kapatid.

"Trish, my sweet sister."bati nito kay Trisha na napaurong dahil sa pagsubsob dito ni Kevin.

"O, Kevin."ani Cole. Sinuportahan nito si Kevin para makatayo. Magkatulong na inihatid nito at ni Jess si Kevin sa mahabang sofa para ihiga.

"Sorry Trisha nalasing e."ani Jess sa tonong nagpapaliwanag.

Tumango lang si Trisha habang dismayadong nakatingin sa kapatid.

"Trish, I love you."narinig nilang sabi ni Kevin bago ito humagok at makatulog sanhi ng kalasingan.

Napaigtad sila ng marinig ang galit na tinig ni Lola Tilde.

"Kaya bilin na bilin ng ina nila na hindi pwedeng paalisin nang wala si Trisha iyang si Kevin ay dahil puros kalokohan ang itinuturo ninyo!"ani Lola Tilde na may pinakamasang tingin kay Cole.

"Lola-"try na paliwanag ni Cole ngunit pinutol iyon ni Lola Tilde. "Hala luhod."galit na utos nito kina Jess at Cole sabay turo sa sahig malapit sa hagdanan. Pasimple siyang tumalilis ngunit napansin siya ng Lola nila.
"Kasama ka Vanna!"anito na ikinaungol niya.

Wala silang nagawang tatlo kundi ang sumunod. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyang nakamata lang si Trisha sa natutulog na si Kevin habang may blangkong mukha.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon