Trisha
Maraming bagay talaga siyang hindi naiintindihan.
At anumang mayroon sa kanila ngayon ni Kevin ay isang napakalabong bagay.
Hindi niya naiintindihan si Kevin.
Walang linaw ang intensyon nito sa kanya. Kaya lalo siyang naguguluhan.
Ano nga ba ang ipinaparating nito?
Sinulyapan niya ang kinaroroonan nina Kevin at Jasmin. Magkatabing nakaupo ang dalawa habang nasa tapat sina Vanna at Tina. Naglalaro ng scrabble ang mga ito.
Ramdam niyang sinasadya ni Vanna na huwag siyang isali sa mga laro. Wala naman siyang pakialam.
Mas gusto niyang nag-iisa.
Nagtawanan sila Jasmin nang matalo ulit si Kevin. Pang-ilang beses na ba? Tatlo, apat o panglima?
May parusa ang talo. Pipitikin ang nakatikom na kamao ng tigsasampu. Very Childish.
Humihiyaw si Kevin kada pitik ni Tina. Malalakas ang tunog ng pagpitik nito sa mga daliri ng kapatid niya. Si Vanna naman ay sakto lang ang lakas habang si Jasmin ay malamya pumitik.
"Hindi fair."reklamo ni Kevin sa mga kalaro. Umalis ito sa table at nilapitan siya.
Nagulat pa siya ng hilahin siya nito at sapilitang paupuin sa dati nitong pwesto.
"Pang-apatan lang ang larong ito Kevin."tutol ni Vanna na isali siya.
"Oo nga naman Kevin."sang-ayon ni Tina.
"Magkakampi kami."ani Kevin. Humila ito ng isa pang upuan at pumuwesto sa likuran niya.
Napalunok siya nang bumunot ng unang tile si Kevin dahil sa posisyon nila. Parang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran.
Ang tile pa man din na binunot nito ang magsasabi kung pang-ilan sila sa titira. Letter E ang nabunot nito habang G si Vanna, B si Tina at C si Jasmin. Alphabetically arranged kaya base sa mga hawak nilang tile ay pang-3 sila.
"Daya."kantyaw ni Tina pero wala na itong nagawa.
Ipinaglagay siya ni Kevin ng iba pang tiles sa lagayan. Aware na aware siya sa pagitan nila. Lalo na ng ipatong ni Kevin ang baba nito sa balikat niya at ang magkabila nitong kamay ay iniyakap sa bewang niya.
Nangangatal ang kamay niya dahil doon. Wala ba itong pakialam sa iisipin nila Vanna?
Maaaring hindi mag-isip ng masama ang mga ito dahil magkapatid sila ngunit siya, hindi niya maiwasang mailang."Kayo na Kevin."sabi ni Jasmin.
Napapitlag siya ng marinig ang boses ng dalaga. Paano niya bang nakalimutan na nasa laro siya? Masyado kasi siyang nag-i-space out gawa ng lalaking nasa likuran niya. Bakit ba kasi naging aware siya dito bilang isang lalaki at hindi kapatid lang?
Aligaga tuloy siya sa pag-iisip para may maitirang word. Pressure siya dahil wala siyang naihanda. Nakahinga siya ng maluwag nang makabuo. At napangiwi nang "tempted" ang nabasa niya.
Masama ang isinulyap sa kanya ni Vanna dahil nablock niya daw ang nais nitong tirahan.
"Good."ani Kevin na iba ang ipinahihiwatig. Tumama sa batok niya ang mabango nitong hininga.
Iyon na ang hangganan ng pisi niya. Tumayo siya at iniwan ang mga ito.