Trisha
May mga bagay na hindi dapat gawing biro.
Mantra niya habang nilalabhan ang ilang pirasong damit niya. Nakabalik na sila kina Lola Tilde kaninang umaga pa. Ayaw pa sana silang pakawalan nila Auntie Claire ngunit nagpumilit na siyang bumalik dito.
Mas gusto niya pa din ang pakikitungo nila Lola Tilde sa kanya kumpara naman kay Vanna.
Masakit sa bangs ang bruha.
Kusut-kusot lang siya ng damit. Hindi siya sanay maghandwash ngunit may magagawa ba siya?
Nagpapakahirap siyang maglabada habang si Kevin ay nakikipaghuntahan kay Jasmin. Panauhin nila ang dalaga, excuse nito ang pagdadala ng isang bilaong puto.
Maganda naman ito at simple. Chinky eyes at magalang. Mukhang mabait din at hindi nahahawaan ni Vanna ng pagkabruha.
Although hindi niya alam kung anu-ano ang nasa criteria list ng mom nila para sa babaeng tipo nito para sa nag-iisang anak na lalaki, for sure papasa na ito sa mommy nila bilang girlfriend ni Kevin.
Panalangin niya nga na araw-arawin ni Jasmin ang pagdalaw kay Kevin para naman maiwasan niyang makahalubilo ang kapatid.
Or better yet, si Kevin ang dumalaw sa house nito. Kaya lang baka hindi payagan ni Lola Tilde na umalis si Kevin na mag-isa.Seriously bakit ba sila kailangang itali ng mom nila sa isa't isa?
Piniga niya ang kahuli-hulihang damit na nilalabhan niya.
Nagtungo siya sa poso na free-flow at itinapat sa tulo noon ang batya na puno ng damit niya.
Nagbanlaw siya ng mga damit na magaan ang pakiramdam dahil sa tuwang dulot ng pagpunta ni Jasmin.
Welcome na welcome ito.
Sa naisip ay napangiti siya.
"Trish."
Nagtaka siya ng marinig ang boses ni Kevin sa likuran niya. Kung magpapalaba ito, manigas ito. Bilin ng mom nila na kanya-kanya sila ng laba ng damit.
Nilingon niya ito para lang magulat. Sa ikalawang pagkakataon kasi ay naglapat ang mga labi nila. Kasingbilis lang iyon noong una pero kasing lakas pa rin ng epekto.
Adrenalin rush.
Nahablot niya ang isang blouse niya na nanahimik sa batya at ibinato sa mukha ni Kevin.
Bull's eye.