Chapter 30

7.6K 134 1
                                    

Trisha

Sa halip na magkulong siya sa kwarto at mabaliw sa kakaisip sa kung anumang nangyayari sa pagitan nila ni Kevin ay nagdecide siyang bumalik sa terrace kung saan naglalaro sila ng scrabble kanina.

Naabutan niya pa din sina Jasmin at Trina sa dating pwesto. Mukhang nagulat pa ang mga ito dahil bumalik siya. Walang imik na umupo siya sa iniwang upuan at sinipat ang nasa harapang tiles.

Determinado siyang maglaro para maibaling sa iba ang isip niya.

Kasunod niya sina Vanna at Kevin. Si Kevin na ang maydala ng tray habang si Vanna ang may bitbit ng biscuit. Inilapag ang mga pagkain sa may tabi ni Jasmin.

Nanguna si Tina sa pagkain ng biscuit habang kasunod sina Vanna at Jasmin. Habang si Kevin naman ay bumalik sa likuran niya ngunit hindi na yumakap. Umurong ito palayo sa kanya ng halos isang ruler. Sapat na ang distansya nilang iyon para mabulabog pa rin siya pero kailangan niyang magpanggap na hindi apektado.

Tinampal niya ang daliri nito nang akmang hahawakan nito ang mga tiles.

"Ako ang maglalaro."seryosong sabi niya.

Tumawa ito kaya napalingon sa kanila ang tatlo.

"Cookies?"mahinhin na alok ni Jasmin kay Kevin.

"No thanks."magalang nitong tanggi.

Ngumiti ito ng matamis kay Kevin bago sa kanya bumaling. "Ikaw Trisha?"alok nito sa kanya.

Umiling lang siya. Nilubayan na sila ni Jasmin ng bigyan ito ng tubig ni Vanna.

Naitirik niya pa ang magkabila niyang mga mata ng pakialamanan ni Kevin ang order ng mga tiles at ihiwalay ang tatlong tiles sa apat na iba.

I,L,U. Basa niya sa isip ng mga letrang inihiwalay nito. Nangunot ang noo niya ng bahagyang lingunin ito.

Nakita niyang boyish itong ngumiti at mukhang hiyang-hiya pa.

Ibinalik niya ang tingin sa mga tiles at pinakatitigan iyon. Ano namang ibig sabihin noon?

Pwede bang itira iyon?

Nang wala siyang maisip na ganoong word o pwede nitong dugsungan sa mga letrang nasa board ay inihalo niya na ang mga iyon sa ibang letra at nakabuo siya nang word na build.

Abala siya masyado sa pagseseryoso sa laro kahit hindi pa ulit sila nagsisimula kaya di niya napunang umisod palapit sa kanya si Kevin. Nagulat tuloy siya nang bigla itong magsalita sa may tenga niya.

"Iyan ang sagot mo?"pabulong nitong tanong.

"Ha?"tensed niyang balik-tanong sa mahinang tinig.

"Sa sinabi ko sa iyo kanina."pabulong pa din nitong sabi. Hopeful ang tinig nito.

"Anong sinabi?"naguguluhan niyang tanong.





That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon