Chapter 19

8.3K 168 1
                                    

Trisha

Madilim ang mukha ni Vanna ng iabot sa kanya ang kinuha nitong tuwalya maging ang ibinato niyang tsinelas na lumanding sa ulo nito.

Pigil ni Kevin ang pagtawa. Habang siya naman ay humingi ng labas sa ilong na sorry at nagsabi ng totoo sa loob na thank you.

Tinanguan lang siya ni Vanna. Sinabi pa nitong lumipat na siya sa silid nito na tinanggihan niya.

Nagkatinginan pa sila ni Kevin dahil kapwa nila pagkakaalala na natulog silang magkatabi kagabi sa silid nito at lumipat sa kwarto niya.

"Ayos na ako doon Vanna."tanggi niya. Ibinalik niya sa paa ang iniabot na tsinelas ni Vanna. Pagkatapos ay nag-umpisang ipunas sa mukha ang ibinigay nitong tuwalya.

"Pero pagagalitan ako nila mama kapag nalaman nilang doon ka pa din natulog."

"Hanggang bukas na lang naman di ba kami dito? Makakayanan ko na doon dahil ngayong Gabi na lang ako magtitiis ."kalmanteng sabi niya. Nilampasan niya ito para bumalik na sa silid na tambakan sa paningin niya.

Nang makatapat siya kay Kevin ay may ibinulong ito kaya biglang nagbago ang isip niya. Mabilis siyang bumalik sa dating pwesto niya kanina na ngayon ay kinaroroonan pa din ni Vanna.

"Sige Vanna, tabi na tayo sa room mo. Girls talk you know."pilit sa sigla niyang sabi. Hinatak niya ang kamay ni Vanna patungo sa silid nito. Nang makapasok sila ay saka siya nagpakawala nang napakalalim na buntunghinga.

"Bakit nagbago isip mo?"tanong nito. Umupo ito sa gilid ng kama habang siya naman at nanatiling nakatayo pa din sa tapat ng nakapinid na pinto.

"Last night na namin dito. At ayoko namang biguin ka."kaswal na sabi niya ngunit ng may kumatok ay napatalon siya dahil sa gulat.

Naulit ang katok at nananantiya siya kung bubuksan iyon.

"Tabi nga. Ang arte mo talaga."sabi sa kanya ni Vanna. Hinawi siya nito para mabuksan ang gawa sa narra na pinto ng silid nito.

Narinig niya ang boses ni Kevin kaya sumikdo ang dibdib niya.

Para kang tanga Trisha, huwag kang paapekto. Pakalma niya sa sarili. Natakot talaga siya sa huling sinabi sa kanya ni Kevin kaya nagdecide siyang tumabi na lang kay Vanna pagtulog kahit bruhilda ito.

"O bag mo. Burara mo talaga."hagis sa kanya ni Vanna ng tote bag niya na naiwan niya pala sa kung saan at inihatid ni Kevin.

Sinalo niya iyon. Akmang hihiga na siya sa right side ng kama nito ng bigla siyang sawayin nito.

"Maglatag ka sa sahig. Hindi ako sanay ng may katabi."

Iningusan niya ito. Ang sama talaga ng ugali. Anyway, okay lang na sa sahig siya mahiga kaysa naman...

Ipinilig niya ang sariling ulo. Bakit ba siya nag-aabalang takutin ang sarili niya gawa lamang ng biro ni Kevin?



That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon