Chapter 26

8K 137 1
                                    

Trisha

Masama and gising niya. Halos madaling araw na siya nakatulog dahil sa kakaisip kay Kevin at sa kalokohan nito.

May bilog siyang kulay itim sa ilalim ng mga mata niya dahil sa puyat.

Nadatnan niya si Kevin sa salas na may kausap sa cellphone. Narinig niyang binanggit nito ang salitang 'mom' kaya hinablot niya dito ang cellphone.

"Mommy?"paniniguro niya na ang Ina ang nasa kabilang linya. Tumalikod siya kay Kevin nang tangkain nitong agawin ang cellphone na hawak niya na ngayon.

Magkamatayan na ngunit hindi niya basta iyon ibabalik dito hanggat di niya nakakausap ang mommy nila.

"Trisha?"

Lumawak ang kakaiba niyang ngiti ng makilala ang tinig nang ina.

"Mom, gusto ko nang bumalik ng Manila." demand niya.

Wala siyang dalang pera maliban sa pocket money niyang 250 pesos na bigay nito. Kinumpiska kasi nito ang credit card, pera, alahas na pwede niyang isanla, passbook at ATM card niya, that's why she hated her mom.

Naninigurado itong hindi siya basta makakabalik sa Manila dahil maunti ang hawak niyang pera.

May pera itong ipinadala kay Lola Tilde para panggastos nila ni Kevin pero nakukuha nila iyon in terms of food. Ganoon kasigurista ang ina niya. At maging ang Lola nila ay kinumpiska din ang mga dala nilang cellphone para wala daw silang pagkaabalahan.

"Bakit Trisha? Nag-usap na tayo na hanggang last week kayo diyan ng May."

"I didn't agree with that. Pinilit nyo lang-"

Napatingala siya kay Kevin ng kunin nito ang cellphone na pag-aari ng Lola nila.

"Give it back!"singhal niya sa kapatid.

Kinausap nito sandali ang mom nila bago nagpaalam.

"Geez Trish para kang bata."anito sa kanya. Ibinulsa nito ang cellphone.

"Gusto ko nang umuwi."

Nagsalubong ang kilay ni Kevin nang mapagmasdan ang mukha niya. "Didn't get enough sleep?"puna nito.

"Kanino kayang kasalanan ito?"gigil niyang sumbat.

Huli na para marealize niya ang impact noon kay Kevin. Ngumisi ito at tinawid ang kakaunting distansya nila. "Tinatakasan mo ako?"

"Huwag kang assuming Kevin."sabi niyang pinilit maging kalmante kahit naghuhumerantado na ang puso niya.

Umatras siya ng umatras nang umabante sa kanya si Kevin hanggang sa maramdaman niya sa kanyang likuran ang matigas na pader.

Hindi niya na alam ang gagawin. Humahalo sa malakas na tibok ng puso niya ang tunog ng antigong orasan na nakasabit sa kabilang pader.

"Kahit makabalik tayo sa Maynila Trish, hindi mo ako matatakasan."mahinang sabi nito.

Nanuyo ang lalamunan niya. Matatakasan..
Naglalaro ba sila ni Kevin?

Inilagay ni Kevin ang kamay nito sa ulunan niya kaya nagmistula siyang bilanggo dahil sa pananakop nito sa personal space niya.

"Kevin kung tapos ka na daw sa cellphone?"narinig nilang tanong ni Manang Lisa.

Papalapit ang mga yabag nito sa kanila kaya nabalisa siya. Papaano kung maabutan sila nito sa ganoong posisyon? Anong iisipin nito?

"You're worry too much Trish."ani Kevin na titig na titig sa mga mata niya at binabasa ang nasasaloob niya.

Sinuklay ng mga daliri nito ang lampas balikat niyang buhok na nagpatindig ng balahibo niya sa katawan.

Umalis si Kevin sa tapat niya at kalmadong dumistansya.

"Katatapos lang po Manang."sagot nito.

Sakto lang na nilayuan siya ni Kevin bago nakapasok sa salas si Manang Lisa.

Ngumiti ito ng makita siya. Wala itong kamalay-malay sa damdaming nararamdaman niya sa mga oras na ito na isang napakalaking kasalanan kapag pinangalanan niya.

Tipid na ngiti ang isinukli niya sa matanda.

Bumaling ito kay Kevin at hiningi ang cellphone ng Lola niya.

"Pwedeng mahiram iyan Manang?"

Takang napatingin ang matanda sa kanya. "Hindi pa ba ninyo tapos kausapin ang mommy ninyo?"

"May nakalimutan lang akong sabihin." pagsisinungaling niya. Tumiim ang mga mata ni Kevin sa kanya.

Iaabot na sana ni Manang Lisa ang cellphone sa kanya ng bigla siyang tumanggi. "Saka na lang siguro Manang."sabi niya bago nagmamadaling iniwan ang mga ito sa salas.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon