Trisha
Pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya ng pumasok siya sa classroom. May mga babaeng umiingos at may mga lalaking ngumingisi ngunit hindi niya na pinansin.
Nang makita ang bouquet sa ibabaw ng armchair niya ay alam niya na ang dahilan.Nilapitan siya ni Dustin na abot tenga ang pagkakangiti.
"Trisha.."
Trisha pa lang ang nasasabi nito ay napuno na nang kantyawan ang klase nila.
Show off.
Hindi niya pinigilang bumadha sa mukha niya ang inis.
"Pwede ba tayong maglunch date mamaya?"tanong nito kaya nangantyaw ulit ang mga kaklase nilang lalaki.
Gustung-gusto niya itong tirisin. Pinanliitan niya ito ng mga mata sabay turned down sa alok nito. Kahit kailan hindi siya pumatol sa isang kaklase niya. Ang mga naging nobyo niya sa school na ito ay ahead lagi sa kanya ng isang grade level.
Humugong ang panghihinayang ng mga supporters nito. At ang kapal nito para humingi ng rason.
"Dahil may boyfriend na ako."nanulas na rason mula sa bibig niya. Hindi niya iyon sinasadyang sabihin pero kusa lang lumabas sa bibig niya dahil iyon siguro ang best way para itaboy ito.
Halatang nagulat ito at nasaktan. Really, bakit kailangan nitong masaktan gayong pinepeste siya nito?
"Sino?"demand nitong tanong.
She was caught off guard. Hindi niya naisip na magtatanong pa ito. Pagtatarayan niya na lang sana ito ng may marinig silang tinig mula sa may pintuan.
"Ako." Anang boses na kilalang-kilala niya kaya binundol ng kaba ang dibdib niya.
Hindi niya maaaring maipagkamali sa iba ang boses ni Kevin. Nilingon niya ito at ganoon na lang panlalambot niya ng makita itong kampanteng nakakwadro sa pintuan ng classroom niya at nakikipagsukatan ng titig kay Dustin.
"Super gwapo pala ng boyfriend kaya di mapansin si Dustin."narinig niyang parunggit sa kanya ng isa niyang kaklaseng babae na hindi niya maalala ang pangalan. Parang sinasabi nito na sa sobrang gwapo lang ang pinapatulan niya.
Mabilis na nilapitan niya si Kevin at hinila ito palayo sa room niya. Malayo sa mata ng mga tsismosa at tsismoso.
"Bakit nandito ka?"kaswal niyang tanong kahit ang totoo ay gusto niya itong sumbatan o kaya'y sapakin.
"Ipinabibigay ni mommy."anito na inabot sa kanya ang 300 pesos niyang allowance. Sinadya niyang hindi kunin iyon dahil may iringan sila ng mom niya.
"Thank you."sabi niya na lang. Tinanggap niya ang pera at inilagay sa wallet niya.
Nang sulyapan niya si Kevin ay titig na titig ito sa kanya.
"What?"sikmat niya dito.
"Siya ba ang kaklase mong pumunta sa bahay kagabi?"tanong nito.
Ikinunot niya ang noo dahil sa tanong nito. Ito ang first time nilang pag-uusap at tulad niya mukhang kaswal lang din itong makitungo.
"It's none of your business."sagot niya. "Thank you sa pagdadala ng baon ko. May klase na kami so please leave."taboy niya dito.
Naggalawan ang muscle nito sa panga. Mukhang asar pero pakialam niya ba?
Siya nga nakita itong may kasamang ibang babae sa arcade kahapon at sweet pa ng mga ito. Pero kinastigo niya ba ito o tinanong? Hindi naman di ba?
Iniyakan niya lang ito ng tahimik. Sinarili niya ang sakit.
"Nanliligaw siya sa iyo?"tanong nito.
Humugot siya ng malalim na buntunghinga. Nag-uumpisa na siyang mairita dito.
"Mag-i-start na klase namin."paalam niya dito.
Iniwan niya ito.
Tahimik na tahimik ang klase nila ng pumasok siya sa loob. Wala na ang bulaklak sa armchair niya. Nakasaksak na iyon sa basurahan.
May kumulbit sa likuran niya at ng lingunin niya ay may nakita siyang sulat na nakacapitalize sa yellow pad paper. "B.I.T.C.H."
Inismidan pa siya ng babaeng kumulbit sa kanya.
She just ignored her.
Naging busy ang araw niya dahil sa madaming pinabasa at pinasagutan sa module nila.
Nagpahuli siya sa paglabas ng classroom dahil ayaw niyang makasabay ang nakakainis niyang mga kaklase. Nang lumabas siya ay may pinagkukumpulan ang mga estudyante. Hindi niya sana papansinin ngunit may humila sa kanya.
"Awatin mo Trisha. Nag-aaway ang boyfriend mo at si Dustin."anito.
Nanginginig ang tuhod na pumagitna siya sa nag-aaway na mga lalaki. Kinailangan niya pang hilahin si Kevin para mapansin siya nito.
Nagmumumog na ng dugo sa bibig si Dustin habang may putok sa kilay si Kevin.
Hinila niya si Kevin palayo sa crowd habang tahimik lang ito gayong si Dustin ay nagpapaulan ng foul words.
"What now mapapahamak ako nito kay mom. Ipapadala niya ako sa Davao dahil sa pakikipag-away mo sa kaklase ko."inis niyang sumbat kay Kevin ng madala niya ito sa likod ng library. Walang napunta doon kaya makakapag-usap sila ng walang ibang taong nakakarinig.
Napasinghap siya ng yakapin siya nito ng mahigpit.
"Hindi ko na kaya Trish. Mahal na mahal pa din kita. Akala ko sapat na ang nakikita kita pero hindi pa din pala. Para akong pinapatay habang nandyan ka lang sa malapit pero hindi kita mahawakan."
Kaya pala may iba ka?
Kung sa ibang pagkakataon maaari niya itong paniwalaan pero sarado na ang puso niya.
Ano bang kailangan nito sa kanya, umiskor? Manigas ito hindi na ito makakaulit. Nakuha na nito ang puso niya at pagkababae niya ng buung-buo pero hindi na siya bibigay ulit. Natuto na siya.
Walang emosyong binaklas niya ang nakayakap na kamay nito sa kanya.
"We're through. Wala akong intensyong sumuway kay mom dahil ayokong pumunta sa Davao at manirahan sa mga estrangherong kapamilya ni dad. Kaya kung talagang mahal na mahal mo ako, hindi mo ako ipapahamak kay mom."cold niyang sabi.
Napalunok ito ng marealize ang sinabi niya.