Chapter 45

7.3K 121 1
                                    

Trisha

Nagpupunas siya ng tuwalya sa buhok ng lumabas siya ng banyo. Malagkit ang pakiramdam niya dahil sa masanting na init ng panahon kaya nagbabad siya sa banyo.

Nagulat siya ng magkabanggan sila ni Kevin paglabas niya ng pinto.

Halatang nagulat din ito at hindi inaasahang magkikita sila sa labas ng banyo.

Nabitawan niya ang pamunas na tuwalya sa buhok. Dahil sa gulat ay sabay silang yumuko ni Kevin para pulutin iyon ngunit nagkabanggaan ang mga ulo nila.

"Ano ba?"singhal niya dito kapit ang nasaktang bahagi ng ulo.

Tumayo siya at hinayaang ito na lang ang pumulot ng tuwalya niya.

"Here."abot nito sa kanya ng tela. Ngumiwi pa ito ng pasadahan siya ng tingin. "Wala ka na bang ibang damit?"sita nito sa kanya. Nakabihis siya nang sando na malalim ang uka sa dibdib na kulay baby pink at maikling-maikling shorts na kulay puti.

"Mainit kaya."katwiran niya dito.

"Magpalit ka Trish."utos nito.

Galit niya itong tinapunan ng tingin. "Problema mo?"halos araw-araw ay ganito naman ang suot niya. Sando at shorts. Maliban na lang kung aalis sila sa bahay.

"Iyang kulay at mismong tabas ng sando mo. Ang lalim na nga ng uka ang nipis pa. Parang wala ka ng itinatago. Aninag ko na katawan mo. "galit nitong sabi.

"Hindi kaya."tanggol niya sa sarili. Exag naman ni Kevin para sabihing aninaw na nito ang katawan niya. "Hindi mo ako mapagpapalit!"asik niya dito. Ano ba akala nito pwede siya nitong utusan?

Tandaan nito, siya ang matanda sa kanila. Lumugar ito bilang nakakabata niyang kapatid dahil kahit nagtapat ito sa kanya kagabi ay hindi niya tinugon ang damdamin nito. Sinabi niya pang wala itong aasahan sa kanya. Nasaktan ito lalo na ng sabihan niyang ibaling na lang nito sa iba ang pagtingin. Tinanong siya nito kung iyon ang gusto niya na buong ningning niyang sinagot ng Oo. Akala niya ay magpupumilit pa din ito ngunit sumang-ayon na lang sa utos niya.

Wala din naman itong magagawa dahil hindi niya hahayaang lumipad ito palapit sa apoy.

"Tingnan natin."ani Kevin na ngumisi. Nandilat mga mata niya nang isandal siya nito sa pader at hinaplos ang pisngi niya.

She shivers. Hindi pa ito nakuntento dahil parang batang ngumuso ito at dahan-dahang inilalapit ang labi sa kanya.

"Oo na magpapalit na!"natatakot na sigaw niya. Nginisian siya ni Kevin bago siya nito pinakawalan. Playful ang itsura nito na waring pinaglalaruan siya.

"Good Girl!"pat nito sa ulo niya bago siya iniwang naghahabol ng hininga at paulit-ulit itong minumura sa isip.

Malaking shit talaga ito.

Nagulat siya ng pabalibag nitong isara ang pinto ng banyo dahil halatang pinagdabugan siya. Huh! Tama ba iyon?

Kahit hindi ito nakikita ay iningusan niya ito. Kaasar talaga ito.

Naisip niyang tamang magpalit nga siya ng damit dahil nang dumaan siya sa gilid nila Cole at Jess na naglalaro nang chess ay sinipulan siya ni Cole at tinawag na sexy.

Isa pa itong buwisit.

Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto niya at naghalungkat ng disenteng damit. Round neck light blue na T-shirt at Capri pants ang ipinalit niya.

Dumayb siya sa kama saka umikot para humarap sa bubong.

Itinaas niya ang kamay na parang inaabot ang iyon.

Naisip niyang may mga bagay na kahit pilitin mong abutin ay hindi maaari.

At ganoon sila ni Kevin.


That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon