Trisha
Forget it." sabi ni Kevin na parang galit. "Halos mabaliw ako nang ipakita ko iyon sa iyo pero di mo pala nakuha."
Umangat ang kilay niya sa tinuran nito. Sana kung may gusto itong sabihin, dapat dinerekta na lang siya. Hindi siya magaling manghula o magaling magdecode.
Decode.
Decode.
Umalingawngaw sa isip niya ang salitang iyon at may pumitik sa utak niya.
ILU
means I like you
Or
I love you?
Kinilabutan siya sa naisip.
"O bakit namumutla ka Trisha?"sita sa kanya ni Vanna. Katapat lang nila ito ng upuan kaya mapapansin ang itsura niya kung titingnan siya nito.
"Excuse me."sabi niya bago tinungga ang baso ng tubig ni Vanna na nasa harap nito.
Nahihirapan siyang huminga. Nahihirapan siyang idigest ang sinabi sa kanya ni Kevin.
Ang bigat naman kasi ng katapat ng mga salita nito.Iningusan siya ni Vanna dahil sa pang-aagaw niya sa baso nito.
Nabulunan pa siya ng tubig dahil sa pagmamadali niyang uminom kaya dinalahit siya ng ubo.
"You're so cute Trish."natatawang sabi ni Kevin habang hinahagod ang likod niya.
Hindi iyon nakakatulong dahil lalo lang noon pinasisikip ang dibdib niya. Alam niyang natatawa ito dahil nabatid nitong ang sanhi ng bigla niyang pag-inom ng tubig ay dahil sa pagkakahula sa ginawang ILU nito.
Maluha-luha na siya nang matapos sa pag-ubo. Tinanggap niya ang iniabot na panyo ni Kevin para punasan ang luha sa gilid ng mga mata niya.
Nagsimula na sila ulit maglaro. Nasa kainitan na sila ng laro ng magsuhestyon si Vanna.
"Palitan natin ang parusa sa matatalo. Truth or dare para masaya."
Sumang-ayon si Tina since leading ito sa score. At dahil sa single vote nito napalitan ang parusang pitikan.
Sa huli natalo si Jasmin. Lumamang lang siya ng 2 points dito. Sino ba ang makakapagconcentrate kung nasa likuran niya si Kevin at nakayakap sa kanya sa ilalim nang lamesa?
Kabado si Jasmin ng sabihin ni Vanna ang tanong na "Truth or dare?"
Dare ang pinili nito. At base sa pagtwitch ng nguso ng bruhildang si Vanna, masama ang pakiramdam niya.
"I-kiss mo sa cheek si Kevin."dare ni Vanna. "Three times."
Kitang-kita niya ang biglang pamumula ni Jasmin. Tumingin ito kay Kevin na kumalas ng yakap sa kanya.
Naramdaman niya ang biglang pagsaksak ng kung ano sa puso niya.
Ayaw niyang maganap ang dare ni Vanna kay Jasmin. Ayaw na ayaw. Tumingin siya sa tiles holder dahil ayaw niyang makita ang gagawin ni Jasmin.
Marahang tumayo si Jasmin ng ulutin nila Tina at Vanna.
"Pasensya na Kevin, utos lang ito."ani Jasmin sa nanginginig na tinig.
Kinagat niya ng madiin ang pang-ibabang labi. Nagulat siya ng tumayo si Kevin at pumunta sa gilid niya.
Nananantiya itong tumawa. "Sorry I can't let you."hingi nito ng paumanhin kay Jasmin.
Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang natigilan si Jasmin iyong parang sinampal.
"Bakit naman?"tanong ni Tina na napakainsensitive. "Katuwaan lang naman."
"Iyon na nga Tina. Para sa akin hindi katuwaan ang paghalik."ani Kevin.
Nang mag-angat siya ng paningin ay nasalubong niya ang mga mata ni Kevin na nakatitig sa kanya.
Kung ganoon, seryoso ito noong halikan siya. Tumungo ulit siya para itago ang pagkailang kay Kevin dahil sa natuklasan.
"Okay nakuha namin and point mo Kevin."sukong sabi ni Vanna. "Umikot ka na lang ng apat na beses Jasmin at tumawa."
Ginawa ni Jasmin ang bagong dare ni Vanna ngunit kapansin-pansin na nalungkot ito.
Hindi na ulit sila naglaro dahil sa kakaibang atmosphere ng paligid simula ng madepressed si Jasmin at feeling napagalitan naman si Tina.
Nagpaalam na sila Vanna at talagang kay Kevin lang.
"Ni-reject mo, kaya depressed."ani Vanna kay Kevin nang maunang maglakad sina Jasmin at Tina.
Hindi umimik si Kevin habang binigyan naman siya ni Vanna nang siring. Ginantihan niya ng siring ito.
Nang malayo na sa paningin nila ang grupo nila Vanna ay nilapitan siya ni Kevin sa kinauupuan niya.
Nagulat siya nang yumukod ito at kintalan siya ng mabilis na halik sa labi.