Trisha
Yakap ang sariling tuhod ay tahimik na nasa sulok ng silid niya si Trisha habang balut na balot ng kumot.
Kinakalma niya ang sarili at binubura sa alaala ang naganap sa kanila ni Kevin kani-kanina lang.
Pumasok sa isip niyang maghisterya at magsumbong sa Lola nila ngunit matigas ang kabilang bahagi ng isip niya na nag-uutos na manahimik na lang at umaktong walang naganap sa kanila ni Kevin na hindi kanais-nais upang huwag silang maeskandalong dalawa.
Matitiis niyang manahimik hanggang sa makabalik sila sa Manila.
Siya na ang lalayo at magdadagdag ng ingat para huwag na iyong mangyari ulit.
Tama! Aakto siyang walang nangyari.
Wala.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at minantra sa sarili na masamang panaginip lang ang nangyari kanina at dapat niya iyong kalimutan.
Kalimutan.
Ibaon sa limot.
Alisin sa alaala.
Kung nagawa niyang kimkimin ang galit sa ina sa napakatagal na panahon ay bakit hindi ang kimkimin ang nangyari sa kanila ni Kevin?
Itatago niya iyon sa pinakadulong bahagi ng isip niya.
Walang makakaalam.
Wala siyang sasabihing anuman sa iba.
Tatakasan niya ang mapait na alaalang ito.
Kaya niyang gawin iyon upang makasurvive.
Wala sa loob na nginatngat niya ang kuko sa hinlalaki niya ng paulit-ulit.
Ititikom niya ang bibig at haharapin ang umaga na parang walang nangyari.