Trisha
Aligaga siya sa pagbibihis nang damit. Nakailang palit na siya at hubad ng damit habang di mapakali sa harap ng salamin sa tokador. Hindi siya makuntento sa nakikitang repleksyon ng sarili. She wanted to look at her best para kay Kevin.
Nagising siyang inspired dahil dito. At gusto niyang siya ang maging pinakamaganda sa paningin nito.
Alam niyang ayaw ni Kevin na revealing ang damit niya dahil minsan na siyang sinaway nito kaya todo effort siya sa pagsusukat ng di makatawag pansin na damit. Pero blue shorts (maong) pa din ang napili niyang isuot na litaw ang kalahati ng hita niya. Hehehe. At isang sleeveless racer back na kulay puti. Inilugay niya lang ang mahaba niyang buhok at nag-apply siya ng lip gloss.
Hindi siya dating ganito ka-vain sa pananamit. Kung ano lang mahila niya sa damitan iyon ang isusuot niya. Pero ngayon, nag-eeffort siya para maging maganda sa paningin ni Kevin. Iyon ang nadagdag ngayon, MALAKING EFFORT.
Tamang sabihing, lumalandi siya. And of all people kay Kevin pa talaga.
Nagwink siya sa sariling repleksyon sa salamin nang makuntento sa kanyang itsura.
Magaan ang mga paang lumabas siya ng kanyang silid upang bumaba. Nagpasya siyang mag-almusal muna since maaga siyang nagising ngayong umaga alas 7 pa lang. Karaniwang alas 10 na siya nagigising. Ngunit kahit puyat maaga siyang nagising dahil masaya siya.
Nakangiti pa siya habang papasok sa kusina para lang matigilan. Naabutan niyang naroroon sina Cole at Jess, kapwa nag-aalmusal ngunit nangantyaw ng makita siya.
"Himala, ang aga yata nating nagising Trisha. Si Kevin, bagsak na bagsak pa sa itaas."ani Cole na ngumiti.
Tinaasan niya lang ng kilay ito bago kumuha ng tasa. Lumapit siya sa thermos upang salinan ng mainit na tubig ang hawak niyang tasa. Naglagay din siya nang gatas at kape.
"Balak naming maligo ulit sa dagat. Sama ka para makasama si Kevin."ani Jess. Ipinaghila siya nito ng upuan ngunit pinili niyang lampasan ito.
Hindi niya ine-expect na tulog pa si Kevin. Wala siyang balak magtagal sa kitchen na sina Cole ang kasalamuha.
Dumiretso siya sa salas at pahiga siyang naupo sa mahabang sofa habang ang gatas ay ipinatong niya sa lamesita.
Inabot niya ang isang magazine na nasa ilalim ng lamesita at nagsimulang magbasa. Mga lumang magazine nila ito sa Maynila na ipinadala nang mom nila sa Lola nila. Mahilig kasi sa magazine ang kanilang aguela.
Nakakaisang pahina pa lang siya nang may lumapit sa kanya at ipagsiksikan ang sarili nang maupo sa gilid niya.
"Morning Girlfriend."anang tinig na nagpatibok ng mabilis sa puso niya. Nasilayan niya ang nakangiti at gwapo nitong mukha.
"M-morning."nautal niyang balik-bati. Nahihiya siyang salubungin ang tingin nito.
Ngumisi ito bago siya walang babalang dinampian ng magaan na halik sa labi.
"Kevin!"mahinang saway niya dito. Nagkunwari siyang galit kahit kilig na kilig siya.
Humalakhak lang ito bago ginanap ang palad niya at dinala sa tapat ng puso nito. Malakas pa din ang kabog nang dibdib nito.
"Mamasyal tayo Trish. Iyong tayong dalawa lang."yaya nito sa kanya.
"Ha? E saan tayo pupunta? Papaano kapag nagtaka si Lola?"sunud-sunod niyang tanong. Gusto niya and ideyang mamasyal sila ngunit baka makahalata ang Lola nila.
"Relax. Masyado kang nagpapanic."anito na minasahe ang kamay niyang hawak nito.
Nangangamba siya siyempre.
Mabilis niyang nabawi ang kamay na hawak ni Kevin nang maulinigan ang boses ng mga Pinsan nila na papalapit. Naitulak niya din si Kevin para palayuin sa kanya. Dahil hindi nito inaasahan ang ginawa niya ay nahulog ito sa sahig.
Naguilty siya kaya bumangon siya at iniabot ang kamay dito para tulungan itong makatayo. Tinanggap naman iyon ni Kevin at napatili siya nang hilahin siya nito paupo sa kandungan nito.
Hinataw niya ito sa braso nang ipulupot nito ang kamay sa beywang niya.
"Ano ba?"asik niya dito. Nagpapanic siya dahil baka maabutan sila nila Jess sa ganitong posisyon ni Kevin. Ano na lang ang iisipin nang mga ito.
"Ang sungit naman ng Love ko."ani Kevin. Pinakawalan siya nito at hinayaang tumayo.
Pinagpagan niya ang puwitan na tinawanan ni Kevin.
"Wala kang dumi pero kung gusto mo papagpagan kita."biro nito sa kanya na nakangisi.
"Heh!"irap niya dito na tinawanan nito.
Tinangka siya nitong yakapin ngunit umiwas siya. Sa puntong iyon pumasok sina Cole sa salas.
"Gising ka na pala Kevin. Ano lakad na tayo pagkakain mo? Sinabi na namin kay Trisha ang plano."inform ni Cole.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Kevin at sa kanya bago huminto sa mukha ni Kevin.
"Pass muna kami. Kayo na lang."tanggi ni Kevin.
"Bakit? Maghaharutan kayo?"ani Jess na ikinapitlag niya.
"Bonding."pagtatama ni Kevin.
"Baka magsisisi ka Kevs, kasama sina Jasmin at tiyak madaming bebot doon."pang-iinggit ni Cole na ikinasimangot niya.
"Next time na lang couz."ani Kevin. Tinapik nito sa balikat sina Jess at Cole.
"Trisha,"napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng tinig ng Lola nila. Galing ito sa front door at may hawak na payong.
"La."sagot niya.
"Huwag ka ng sumama muna kina Kevin. Maiwan ka. Samahan mo akong magpatingin ng mata sa bayan."anito.
Gulat na gulat siya at naglalaban ang kalooban niya. Nagfo-formulate na siya nang idadahilan.
"Sasamahan ko kayo Lola. Ipagdadrive ko kayo ng tricycle."ani Kevin.
"Sigurado ka?"anang Lola nila kay Kevin.
"Opo."mabilis na sagot ni Kevin.
"Hala sige, kung masisira ko ang mga lakad ninyo e di sumama na lang kayong magkapatid kina Jess. Bukas na lang ninyo ako samahan."anang Lola nila.
Nag-apir sila Jess at Cole dahil no choice sila ni Kevin kundi sumama sa mga ito dahil ang Lola na nila ang nagsabi.