Chapter 41

7.9K 126 2
                                    

Trisha

Mahigit kinse minutos din na pinaluhod ni Lola Tilde ang tatlo niyang pinsan bago ito nagpasyang patayuin ang mga ito.

Palibhasa'y nakasuot ng maikling shorts si Vanna kaya kitang-kita ang pamumula ng tuhod nito nang tumayo.

Iningusan siya nito bago tahimik na naupo sa single-seater na sofa kaopposite ng kinahihigaan ni Kevin.

"Mamayang gabi, dumayo kayo doon kina Rosa. Bisperas ng kasal ng anak niyang si Bianca at nag-iimbita sa sayawan."utos ng Lola nila na palipat-lipat ng tingin sa kanilang apat. "Isama nyo din mga kaibigan mo Vanna para madami kayo."anito na itinutok ang paningin sa babae.

"Opo."sagot ni Vanna.

Naiwan namang excited sina Cole nang umalis ang Lola nila. Kabuntot sana siya ng matanda ngunit tinawag siya ni Jess.

"Okay nga iyon Trisha para malibang 'tong utol mo. Problemado e."ani Jess na tinawanan ni Cole.

Tinapunan niya lang ng mabilis na tingin ang natutulog na si Kevin bago ibinalik ang pansin kay Jess.

"Maglugay ka lang Trisha ng buhok mamaya. Mas bagay sa iyo ang nakalugay."ani Cole. Napa-ponytail kasi siya ngayon dahil naiinitan siya.

"Huwag mo nga siyang diktahan!"angil ni Vanna kay Cole.

"Wala namang masama sa sinabi ko. Maganda sa kanya ang nakalugay tapos sa iyo kapalan mo make up mo para gumanda ka. Nagmumukha kang katulong ni Trisha."asar ni Cole na ikinangalaiti lalo ni Vanna.

"Excuse lang."paalam niya na walang particular na taong kinakausap. Iniwan niya ang mga ito.

Pumunta siya sa likod ng bahay. May kubo doon na pahingahan ng aguela niya para magpaalam na hindi siya sasama sa sayawan mamayang gabi.

"Kuhh, makikipagsayaw ka lang naman sa mga kabinataan mamaya. Masaya nga iyon para malimutan mo na ang ka-MU mo. Malay mo doon mo matagpuan ang magiging nobyo mo."kontra ni Manang Lisa na naglilinis ng kuko sa paa ni Manang Rema.

"Siya nga naman."sang-ayon ni Manang Rema.

"La?"balik niyang tanong sa Lola niya kung payag ito.

"Tingnan mo ang nangyari Trisha kay Kevin nang di kayo magkasamang umalis kanina. Hayun at lasing na lasing."hindi direktang tanggi nito.

"Ayoko ho kasing makipagsayaw."sabi niya.

"Manood ka na lang sa isang tabi o kaya'y kumain."pagdidismiss nito sa kanya.

Inis na umalis siya sa kubo. Hindi naman siya yaya ni Kevin para palaging bantayan ito. Saka kasalanan niya ba kung nagpakalasing ito?

Bumalik siya sa loob ng bahay na nagpupuyos ang kalooban.

Napasukan niya sa kusina sina Jess na naghahain para sa mga sarili ng meryendang minatamisang saging.

"Kain tayo."yakag sa kanya ni Cole.

Tumanggi siya ngunit mapilit ito. Hinila siya ng sapilitan at pinaupo sa silyang para kay Manang Lisa katabi si Vanna na tahimik na nagbabalat ng mangga.

"Suplada mo talaga Trisha."nakangising sabi ni Cole. Ibinababa nito sa harap niya ang mangkok na may saging.

"Busog ako."iritadong sabi niya na iniurong palayo ang pagkain.

"E di busog."ani Cole.

Naupo ito sa pwesto ng Lola niya at tumitig sa kanya. Nakakailang ang tingin nito kaya sinabihan niya ito.

"Sorry, tinitingnan ko lang kung saang anggulo kayo magkahawig ni Kevin.''hingi nito ng paumanhin. "Hindi kayo magkamukha samantalang sina Jess parang triplets."paliwanag nito sabay tawa.

"Akala mo naman hindi kayo magkamukha ng mga kapatid mong babae. Lalo iyong sumunod sa iyo parang ikaw na ikaw kapag nagpasemikalbo."ani Jess sa pagitan ng pagnguya.

"Kaya nga e."sang-ayon nito bago sa kanya ulit bumaling. "Baka may mga kaibigan ka sa Manila na single at available, ibigay mo number sa akin. Nakakabagot na ang mga babae dito."

Playboy. Mukhang playboy ang pinsan niyang ito at maangas.

"Akala mo papatulan ka ng mga iyon."tukso dito ni Jess na ikinasimangot nito.

"Kumain na nga lang kayo ng kumain."sita ni Vanna.

Tinaasan niya ito ng kilay na ginantihan naman nito ng pag-irap.

"O Kevin gising ka na pala."ani Cole na tumayo at sinalubong ang kapatid niya na medyo nahihilo pa.

Inilalayan nitong maupo si Kevin sa silyang inalisan nito.

"Ayos ka na ba? Bilis mong makarecover ah."ani Jess.

"Hilo lang na kaunti."sabi ni Kevin na sa kanya tumingin.

"Kape lang iyan."sabi ni Jess. Tumayo ito upang ipagtimpla ng kape si Kevin. "Inumin mo para makadami ka ng kapareha sa sayawan mamaya."inilapag ni Jess sa harap nito ang tasa ng umuusok na kape.

"Thanks."maikling pasalamat ni Kevin.

"Isayaw mo si Jasmin ha."ani Vanna sa kapatid niya.

"Sure."maikling sabi nito. Bumaling ulit ito ng tingin sa kanya.

"Padamihan tayong tatlo ng maisasayaw, magbabayad ng 400 ang talo."hamon ni Cole na sinang-ayunan ni Jess. "Ikaw Kevin?"

"One hundred na lang pera ko."ani Kevin bago humigop ng kape.

"Seryoso? Yaman ng mommy ninyo at ni Lola Tilde tapos buraot ka."di makapaniwalang sabi ni Cole.

"Maunti lang pabaon sa amin ni mommy ngayon kaya tipid kami."ani Kevin na nakatingin ngayon kay Cole.

"Pati ikaw Trisha?"tanong ni Jess. Nagulat ito ng tumango siya.

"Inuubos ninyo lang yata kasi sa pagloload."ani Vanna.

"Confiscated ni Lola ang cellphone namin."ani Kevin na parang balewala lang dito.

"Kelan pa?"si Cole na hindi makapaniwala. Noong mga nakaraang bakasyon kasi ay halinhinan ito at si Jess sa paglalaro sa cellphone ni Kevin.

"Kinabukasan ng araw na dumating kami."

"Weh, tagal na iyon ah? Higpit talaga ni Lola."ani Cole na umiiling-iling. "Kung 100 na lang pera mo galingan mo mamaya para manalo ka. Panregalo din iyon sa babae mo."

Tinawanan ni Kevin ang sinabi ni Cole bago matiim na tumitig sa kanya ulit.


That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon