T'Sec'C 2: Ranking

788 39 2
                                    

Ana's POV

'Nakakainis 'yung Lovely na 'yun! Umagang-umaga pa lang, pinapainit na niya ang ulo ko! Bwesit!'

Iritado akong bumalik sa classroom

Nababadtrip ako! Pang rank 6 lang ako sa over all ranking ng Writer's Club this quarter. Meaning, sa section namin na gumagawa at pagsusulat ng libro, ika- anim lang ako.

Naunahan pa rin ako ng Lovely na 'yun! Tsk. Badtrip talaga!

Iwan ko. Ayoko lang maunahan niya, o kahit na sinong mga magagaling sa klase. I always wanna be on top. Well, everyone does.

Nasa tapat na ako ng room nang biglang may humarang sa akin. Nadagdagan ulit ang inis ko nang makita ko siya. Bakit ba nandoon din siya kung saan ako naroroon?

"Ana, good morning." bati niya sa akin.

Hilaw ang naging ngiti ko. "Morning," bati ko rin.

Hindi ako plastik. Di ko ugali 'yun bagaman gugustuhin ko pa ring maging ganoon para pagtakpan ang sarili ko. Dahil kapag hindi ako naglihim at ipapakita ko ang totoong ako... malalaman nila ang mga bagay na hindi dapat nila malaman.

"Congrats nga pala. You did a good job! Hindi na ako nagtataka kung bakit labis na hinahangaan kita." sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang bahagya kong pag-irap sa kanyang komento.

Siya si Ejayboy Ocampo. Former admirer ko since 4 years na napabilang ako sa section na 'to. Transferee siya noong freshmen pa kami and until now, wala pa ring nagbago sa damdamin niya. Die hard pa rin sa akin! Tss.

And honestly, I don't feel the same way. Di ko tipo ang mga kagaya niya!

"Salamat. Maaari na ba akong pumasok? Nakaharang ka kasi sa pinto," sabi ko, medyo iritado.

Ningitian lang niya ako saka siya humakbang palampas sa akin.

"Nandito lang ako para sa'yo, Ana. 'Yan ang lagi mong tandaan." sabi niya bago niya ako tuluyang nilampasan. Napangiwi ako.

Whatever, boy. Tss.

Tuluyan na akong pumasok sa silid namin. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko si Dianne.

Saka ko lang napansin na mag-isa lang siya dito sa classroom. Kami lang dalawa ang naririto.

"Ano ka ba naman, Dianne! Wag ka ngang manggulat! Bakit mag-isa ka lang dito?" gulat kong tanong sa kaniya. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

Napatingin ako sa kanang kamay niya. May hawak-hawak siyang isang di malamang bagay doon. Bigla niyang isinuksok iyon sa bulsa ng school uniform niya nang mapansin niyang nakatingin ako dun.

"Bakit ka nandito?" malamig niyang tanong.

Halos kilabutan na naman ako.

"N-Nakita ko na kasi ang rank ko kaya bumalik na ako dito. Ikaw? Bakit nandito ka pa rin?" ani ko.

"May inaasikaso ako. Pupunta na rin ako doon."

Nilampasan na niya ako pagkasabi niya nun. Sinundan ko lamang siya ng tingin.

Hindi ako sigurado sa nakita ko sa kamay nya pero isa lang ang naaaninag ko...








Kumikintab ang bagay na iyon..

---

Lovely's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko!

The Section's Code (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon