T'Sec'C 7: Sagot

440 30 0
                                    

Lovely's POV

"Ito na ang activity natin for today, classmates. Male-late daw ngayon si Ma'am dahil may inaasikaso pa syang importante." sabi ni Izyle na nasa harapan.

Dinistribute niya agad 'yung mga test papers namin sa Science. "Anyway, sino ang absent?"

Napatingin kaming lahat kay Prime. Ang class monitor namin.

"Wala si Dianne, Ben J at Eliezer..." sabi nya.

Napatingin ako sa upuan nila. Wala nga sila doon. Bigla akong kinabahan nung maalala ko 'yung kagabi. Magkasabay sina Dianne at Eliezer umuwi nun. May masamang nangyari kaya? Pero... si Ben J.

Bakit wala din sya?

"Wala ba silang excuse letter?" tanong ni Izyle.

"Wala."

Nasaan kaya sila?

"We're sorry, were late."

Lahat kami ay napalingon sa may pintuan.

Si Ben J...

At kasama niya si Dianne. Halatang nagmamadali silang dalawa dahil kinakapos sila sa paghinga. Bakit sila magkasabay? At bakit parang racoons ang mga mukha nila sa kamamadali?

"Why are you late?" tanong ni Prime.

"Bakit ka nagtatanong? Ano naman sayo kung late kami?" prankang tanong ni Ben sabay lagay ng bag nya sa upuan. Sinalpak nya ang headset na nakasabit sa kanyang leeg at tuluyan ng umupo. Ang lamig talagang makitungo ni Ben.

"Nag-aalala lang naman ako sa inyo." si Prime.

Lihim akong napangisi. Sus. May gusto ka lang kay Dianne!

Pumasok na rin si Dianne sa loob ng classroom.

"Wag ka na lang makialam, Prime." diretsong sabi ni Dianne.

Napa-oww ang mga classmates ko sa sagot na iyon ni Dianne. Napakalamig ng boses niya. Hindi ko talaga maiwasang hindi kilabutan.

Nakakatakot.

Binigyan na lang sila ni Izyle ng test papers. Tapus nagfocus na ulit kami sa activity. Nasa last part na ako ng test. Muntik ko nang mabitawan ang ballpen ko nang mabasa ang last question dun.

"What's is in the middle of the sea that found in success?"

Nanigas ako bigla. I-Ito 'yung nakasulat sa board kahapon, di ba? Bakit nasali ito sa test namin? Anong ibig sabihin nito?

"Guys!"

Hindi ko na napigilan, sumigaw na ako dahil mababaliw na yata ako sa kaiisip ng possibleng dahilan kung bakit ito paulit-ulit na ipinapakita sa amin. Hindi na maganda ang kutob ko dito.

Naagaw ko ang attensyon nilang lahat. "Basahin niyo ang last question sa test five." sabi ko.

Ibinalik nila ang kanilang mga tingin sa test papers tapos tumingin ulit sa akin.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon