T'Sec'C 9: Champorado

408 29 6
                                    

Lovely's POV

"Bulagaaaaaaaa!"

"Ay kabayong kambing!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Sinamaan ko agad ng tingin ang gumulat sa akin.

"Hi girl!" nakangiti pa niyang bati. At talagang nagawa nya pang ngumiti gayong muntik na akong mamatay sa panggugulat niya?

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay, Julius?" sabi ko. Bigla nya akong tinaasan ng kilay.

"Excuse me? Correction lang. It's Julia! Not Julius. Like ewww. That's not my name." sagot niya.

Whatever, bakla.

"Kuritin ko 'yang singit mo ng pinong-pino eh! Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ko.

"Wala naman. Surprise!"

"Tsk. Surprise mo mukha mo!" Napairap ako. Kumapit naman sya na parang butiki sa braso ko.

"Halika girl. Punta tayong canteen. May irereto ako sayo." sabi nya.

"Lalaki na naman ba 'yan?"

Binatukan niya ako bigla. Abusado 'to ah!

"Landi mo 'teh! Pagkain ang irereto ko sayo. Shunga ka talaga!" sabi nya.

"Aba! Naninigurado lang ako 'no!"

"Tsk. Nandoon ang lahat ng mga classmates natin. Bumibili nang champorado sa canteen." sabi nya.

"Champorado? Champorado ang irereto mo sa akin?"  sabi ko.

Sinimangutan niya agad ako. "Bakit? May reklamo ka ba, Love?" sabi niya na nagpakembot-kembot pa. Langyang bakla!

"Ewan ko sayong bakla ka!"

"Halika na kasi. Sabay na tayong bumili!"

Wala na akong magawa nang hilain niya ako papuntang canteen. Nandoon nga lahat ng mga classmates namin. Pumipila sila sa counter. Ano bang espesyal sa champorado na iyan?

"Ang aga-aga, kakain ka na? Ang baboy mo talagang bakla ka!" sabi ko na nakapila na rin dahil sa pagmamalupit ng baklang ito.

"Ang sexy ko naman para maging baboy no!" sabi nya.

"Mukha mo." Natawa ako pagkatapos. Habang pumipila kami ay napansin ko si Jessmar na pabalik-balik sa counter at dala-dala nya ang ilang bowl ng champorado. Tinungo nya ang table ng MCG at inilapag doon ang dala-dala niyang champorado.

Kelan pa naging utusan nina Sugar si Jessmar? Kahapon pa sya pinagkakatuwaan nina Sugar ah! Tsk. Ang sama talagang mag-isip ng pagkakatuwaan si Sugar.

Ilang sandali pa'y nakaabot na kami sa counter. Kami ang panghuling nakapila. Sakto rin na pangdalawahan na lang yung panghuling serve ng champorado.

"Ahh. Share na lang po kami, Manang." suggestion ni Julius.

"Okay."

Dinala ni Julius ang champorado namin sa isang vacant table nang bigla akong tinawag ng inang kalikasan. "Julius. Ay este, Julia. Banyo muna ako ah!"

"Ano ka ba naman! Ang laswa mo talagang babae ka! Tss. Bilisan mo! Hihintayin kita!" sabi nya. Nagthumbs-up lang ako sa kanya at tumakbo na ako papuntang banyo bago pa man ako tuluyang malabasan.

Pagbalik ko sa canteen, kaagad na nagulantang ako sa nakita...



Halos lahat ng mga classmates ko ay sumusuka sa kung saan. Nangatog agad ng automatic ang tuhod ko. Anong nangyayari?

Nilapitan ko agad si Julius na naduduwal din. Damn. Ano ba talagang nangyari?

"Anong nangyayari dito, Julia?" natataranta kong tanong. Nakakunot naman ang noo nya nang lingunin nya ako.

"Girl! Oh my god! Mabuti na lang talaga at hindi mo natikman yung champorado. Shit, girl. Nakakain lahat ng mga classmates natin ang pritong ipis, mata ng butiki, dila ng palaka at kung ano-ano pa! Fuck. Nakakadiri!" sukang-suka pa rin siya.

Nilibot ko ang paningin ko. Nasayang ang lahat ng champorado nila. Nakakalat din ang mga isinusuka nilang ipis at iba pa sa kung saan. Parang bumaliktad ang sikmura ko habang pinagmasdan ko sila. Shit! Para akong nanunuod ng live na carnival movie!

"Nasaan 'yung Manang na nagtitinda ng champorado?" tanong ko.

"Nagmamadaling umalis nung maubos 'yung paninda nya girl. Grabe talaga! Ang bilis makatakas ng bruha!"

"Aba! Hindi naman yata makatarungan yan! Kailangang makulong yung babaeng iyon!" sabi ko.

"Talaga lang! Ang sama kaya ng ginawa niya!" singhal nya. Tinapik-tapik ko ang kanyang likuran.

"Ikaw? Okay ka lang ba? Nakakain ka rin?" tanong ko.

"Hindi. Hinintay kasi kita!"sabi nya. Sinapak ko agad siya sa braso. Letse siya! Kinabahan kaya ako!

"Langya kang bakla ka! Bakit ka sumusuka dyan kung di ka naman pala nakakain?" Inirapan nya agad ako.

"Syempre! Nakakadiri eh! Tagos hanggang sikmura ko!" sabi nya. Binatukan ko agad siya. Hindi magandang biro 'tong pinag-aalala nya ako.

Pero, may malaking tanong pa rin ang bumabagabag sa isip ko.

Bakit ang bilis naman yatang makatakas nang tinderang yun? Ibig sabihin ba nun, planado na nya ito lahat? Naguguluhan ako.

Sino ang tinderang iyon? At bakit niya ginawa ang lahat ng ito sa mga estudyante?

---

Someone's POV

"Salamat sa pagsunod mo sa utos ko. Here's the tip."

Ibinigay ko sa kanya ang perang napagkasunduan namin. "Salamat po."

"Leave this school right ahead. Pinaghahanap ka na nila dito dahil sa pagbibinta mo ng champorado. Go far away! Siguraduhin mong wala na muling makakakita sayo!" sabi ko.

"Opo."

Dali-dali siyang umalis sa aking harapan. Ngumiti ako nang mapangahas habang pinaglalaruan ko ang ilang librong nasa aking harap. Ang mga paborito kong libro.

Patikim pa lang ang lahat ng ito section WC! Simula nung kay Eliezer at sa nangyari kanina sa canteen ay pawang parte lamang ng aking pagsisimula. Marami pa akong pasabog sa inyong lahat na kailangan nyong paghandaan at abangan!

Dahil ako na minamaliit, inaalila at pinagkakatuwaan niyo.

Ang siyang magbubungkal sa mga kaluluwa niya papuntang impyerno!

Humanda kayong lahat!

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon