Hi! This is now the epilogue. Sana ay malinaw na sa inyo ang lahat sa previous chapters dahil wala na po akong ipapaliwanag dito.Tatanggap pa rin naman ako ng mga katanungan lalo na sa mga naguguluhan diyan. Thank you so much for reading. Love lots!
-------------------------
Third Person's POV
After few months...
"Nakahanda na ba sa mesa 'yung macaroni at carbonara?" tanong ni Lovely kay Ana habang nilalagyan ng icing ang bi-binake nitong cupcakes.
"Oo. Ready sa mesa. Iyong mga ulam? Handa na ba?" tanong nito pabalik.
"Oo. Ihahanda ko na sa mesa mamaya. Yung desserts?"
"It's in the freezer,"
It's December 24. Disperas ng pasko. Kasalukyan silang nasa kusina ng resthouse na pagmamay-ari ng pamilya ni Ejay kung saan nila piniling ipagdiwang ang araw ng kapaskuhan.
Mailaw ang buong resthouse. Maraming mga christmas decorations ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar. Kumukuti-kutitap ang klase-klaseng series lights at napakagandang tingnan ng mga lanterns, christmas trees, stars at ng iba pang sumimbolo sa araw ng pasko.
Kasalukyang nagluluto sina Ana at Lovely para sa kanilang Noche Buena. May inaasahan din silang bisita mamaya lamang kaya't inigihan na nila ang paghahanda.
Nanatili naman sina Ejay at Angelo sa may sea side kasama si Jessmar, nag-iihaw ng mga pagkaing ihahanda nila ngayong gabi.
Binuksan ni Lovely ang refrigerator upang ihanda na ang iba pang mga pagkain nang bigla siyang may napansing tao na dumaan sa may bintana.
Napansin niya ang palalagay nito ng kung ano sa harap ng pinto.
Nagsitayuan ang mga balahibo niya. Kumalabog ang kanyang dibdib, ang titig ay hindi inalis sa bintana.
Sino ang nasa likod ng aninong iyon?
Mabilis na isinarado niya ang ref. Dali-dali niyang tinungo ang pinto at walang alinlangang binuksan iyon.
Tahimik na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. Wala siyang nakitang kahit sino maliban sa dalawang kahon na nasa harapan ng kanilang pinto.
Nanlaki ang mga mata niya. Kung sino ang taong iyon ay mukhang ang mga kahon ito ang isinadya. Kinakabahan siya. Naglaro sa isipan niya ang pangyayaring noon ukol sa kahon.
Ikinataka naman ni Ana ang ikinikilos niya. Lumapit na rin ito sa kanyang kinaroroonan.
"Anong meron diyan?" marahang tanong nito habang sinisilip ang espasyo sa labas.
Nagulat din ito nang makita ang dalawang boxes. Nagkatinginan sila ng ilang sandali bago nagkatanguan, simbolo ng kanilang pagkakaunawaan. Binuhat nila ang dalawang kahon at ipinasok sa loob ng bahay.
"Para kina Ejay at Angelo? Kanino galing? Walang nakalagay na pangalan." puna ni Ana nang matingnan ang mga kahon.
Seryoso nilang sinusuri ang mga boxes.
"Buksan kaya natin?" si Lovely.
Nakatinginan muli sila at sabay na tumango. Nag-uunahan sila sa pagpunit ng mga wrappers ngunit nang mabuksan ay kaagad ding nabitawan.
Umawang ang kanilang bibig sa nakita. Hindi nila inaasahan ang laman ng kahon.
"Tawagan mo sina Angelo at Ejay." mariing utos ni Ana.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...