T'Sec'C 24: Jossel

300 22 3
                                    

Lovely's POV

"Jossel..." ang nasambit lamang ng mga kaklase ko. Nababakas sa kanilang mga boses ang unti-unting pagkakabasag nito habang nakatitig sa duguang katawan ni Jossel.

Ibinaling ko ang aking tingin sa pinto ng C.R kung saan kami nagkukumpulan.

Kung walang pakialam ang Junel na iyon sa nangyayari, bahala siya sa buhay niya! Patayin sana siya ng konsensya at kuryosidad! Tss.

Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang duguang katawan ni Jossel... Ang itsura niya?




Nakaupo siya sa sahig at nakasubsob ang ulo niya sa inodoro ng C.R.


Duguan ang kanyang leeg na halos nasakop na ng dugo ang buong uniform niya sa kanyang likod. Nakakabahala at nakakatakot! Shit! Paano siya pinaslang at namatay nang ganun lamang kadali?

"Shit... Jossel.. please..."

"TUMAWAG KAYO NG MGA PULIS AT AMBULANCE! DALI!!" mangiyak-ngiyak na 'yung iba.

Napakabuting tao ni Jossel para maranasan ang ganyan kabrutal na pangyayari. Bakit ba ito nangyayari sa kanya?

"Sel..."

Lumipat si Bengle sa katawan ni Jossel at kinalabit niya ng dahan-dahan ang braso nito.

Napasinghap kaming lahat... Hindi namin inaasahan ang sunod naming nasaksihan...




Bigla na lang humiwalay ang katawan ni Jossel sa kanyang ulo!

Ibig sabihin, pinutol ang ulo niya ngunit ipinagdikit lang din ito sa kanyang katawan para magmukha pa rin siyang buo.

Nagsigawan ang lahat at napaupo sa kanilang mga upuan. Napaiyak 'yung iba pero 'yung iba ay napahagulhol na talaga.

Para akong binuhusan ng ilang timba ng yelo at naninigas sa kinaroroonan ko. Para akong napako seeing Jossel's body lying along the floor while her head was still on the toilet full of devious blood. Ang mas nakakakilabot pa ay parang tubig lamang na umaagos ang dugo niya mula sa naputol niyang ulo. Nakakalat ang dugo sa buong floor ng CR.

Napapikit ako. Nakakatakot! Hindi ako makapaniwalang nabawasan na naman kami ng isa. Ang bilis ng mga pangyayari. Nagtatawanan at nagkukulitan lang kami kanina tapus afterwards, may napugutan na ng ulo?

Paano siya pinaslang nang ganun lang kadali at kabilis? Nakakapangamba! AYOKO NA! AYOKO NG MAKITA PA ANG MGA ITO!

"Asahan mo na ang ganitong pangyayari sa silid na ito. May mamamatay tao dito sa aming silid." narinig ko ang familiar na boses na iyon.

Napalingon ako kay Ben nang mapagtantong siya ang nagsalita. Katabi niya si Junel na seryosong nakatingin lang sa duguang katawan ni Jossel.

Napakaseryoso nila. Napakaseryoso ng mukha niya... Mas nakakakilabot pa ang mukha niya kaysa sa mga nangyayari!

"Alam ko." maikling sagot ni Junel na halos ikalaglag ng aking panga.

Natigilan ako.

Paano niya nalaman ang mga bagay na ito? Dati pa ba siyang may alam sa mga nangyayari dito sa section namin? Iyon ba ang dahilan kaya imbis na ibang section ang pipiliin niya ay dito niya mas piniling mapabilang?

Dahil...



Dati pa siyang may alam sa misteryosong bumabalot sa aming silid?

-

Third's Person's POV

Hindi mapigilan ni Izyle ang kanyang inis habang minamasdan ang mga pulis na kinukuha ang duguang katawan ng hindi nila inaasahang pamamayapa ng kaklase nilang si Jossel.

Padabog na tumayo siya sa kanyang kinauupuan at walang pasabing kinaladkad niya si Junel sa likod ng kanilang classroom.

Tahimik at walang katao-tao doon.

"Ngayong nasaksihan mo na ang isa sa mga nangyayari sa silid namin, siguro naman ay lilipat ka na?" bungad ni Izyle sa nakapamulsang binata nang saktong nakarating sila sa lugar at nang makaharap niya ito.

"Bakit naman ako lilipat?" sagot nito.

"Pwede ba, Junel! UTANG NA LOOB. Wag ka ng magmaang-maangan! Hindi ka naman siguro kasing tanga ng dati diba? Nagbago ka na, hindi ba?" sabi ng dalaga.

"Bakit ka ba takot na takot, Izyle?"

"Ikaw ang may gawa nun kay Jossel, di ba?"

Ramdam na ramdam ni Izyle ang panginginig ng kanyang mga tuhod nang makitang napangisi lamang ng mapangahas ang binatang kaharap niya sa kanyang tanong...

Nakakakilabot ang mukha nito.

"Ano sa tingin mo, Izyle?" sagot nito na tila nanghahamon. Naikiskis ng dalaga ang kanyang mga ngipin sa inis. Napipikon na siya!

"Tumigil ka na!"

"Pinaghihinalaan mo ba ako? Kalilipat ko pa nga lang dito eh, ganyan na agad ang trato mo sa akin, Izyle?" sabi ni Junel na nakangisi pa sa kanya.

Halatang nang-aasar ito.

"Sino pa nga ba ang dapat kong sisihin sa mga nangyayari? Tahimik na kaming lahat sa classroom. Pero, lumipat ka lang, may namatay na. BAKIT KA BA KASI BUMALIK?!" sigaw ni Izyle.

Tumawa lamang ang binata.

Nagulat siya nang kuritin ni Junel ang kanyang pisngi. Nanggigigil ito sa kanya. "Hindi ako 'yun, Izyle."

Dala ng inis ay nagpakawala siya ng isang malutong na sampal sa mukha ng binata. Kung nanggigigil ang binata sa kanyang mga pisngi ay mas lalo naman siyang nanggigigil na pagsampal-sampalin ito ng makailang ulit. Naiinis at napipikon na siya dito!

"Kapag nalaman kong ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito at kapag may nahanap na akong pruweba laban sa'yo, hindi ako magdadalawang isip, Junel...









Hindi ako magdadalawang isip na bungkalin iyang kaluluwa mo papuntang impyerno!" makahulugang sambit ng dalaga.

Mabilis na naglakad ito papalayo doon at nilisan ang nakangiti pa ring binata.

Napailing na lamang si Junel at muling napatawa ng maalala ang inis na mukha ni Izyle. Hindi niya alam pero aaminin niyang natutuwa siyang makita ang ganoong reaksyon sa mukha ng dalaga.

"Wala ka pa ring pinagbago, Izyle...








Hanggang ngayon ay maganda ka pa rin..."

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon