T'Sec'C 44: Surprise (Part 1 of 2)

315 20 13
                                    


Lovely's POV

R, C, S, I...

Iyan ang mga letrang nakaukit sa mga noo nina Rupert, Charise, Cyril at Paul.

Yung mga damit nila, iyon ang suot nila kagabi sa booksigning.

Rank 1..

Rank 2.

Rank 3.

Sabay-sabay sila na pinaslang!

Ang tanong... bakit?

Bakit sila pinagsusunod?

"Susubukan ko ang tapang ng walangyang mamamatay-tao na 'yan mamayang gabi... Sumusobra na siya! Andami na niyang dinamay!"

Nangangalaiti na ako sa inis. Naasar na ako sa mamamatay tao na 'yan. Sobra-sobra na 'tong pinaggagawa niya!

"Ano ka ba?! Huminahon ka nga!" pigil sa akin ni Angelo.

Kami lang dalawa ang nandito sa harden. Nasa school campus pa rin kami. Niyaya ko siya dito ngayong break time para pag-usapan ang balak kong pagstay dito sa school mamayang gabi.

"Nakakainis na kasi! Sobra na! Hindi na makatarungan ang lahat!"

"Kaya mo na ba siyang harapin? Hindi mo siya kilala! Kaya nga niyang pumaslang ng sabay-sabay eh, ikaw pa kayang nag-iisa lang mamaya? Ano bang naiisip mo, ha? Mas pinapahamak mo lang ang sarili mo sa ganyang pag-iisip mo! Hindi siya basta-basta! Alam mo 'yan!" sabi niya.

Inis na nilingon ko siya. "Anong paki ko kung hindi siya basta-basta? At saka, anong gagawin natin? Tutunga na lang tayo at walang gagawin? Maghihintay sa kamatayan natin?"

"Hindi iyon ang punto ko, ang akin lang ay huwag kang basta-basta magpadalos-dalos! Mapanganib siya! Masyadong mapanganib, Lovely!"

"Eh, ano nga ang kailangan nating gawin para matapos na ito?"

"Magmasid, magplano at hangga't maaari, maghintay!" sabi niya.

"At hanggang kailan tayo maghihintay?.Kapag nawala at namatay na ang lahat sa atin?"

"Hey! Hindi iyan ang punto ko, okay? Pwede tayong magpatulong sa mga pulis. Iyong mapagkatiwalaan! Hindi naman kailangan na pumunta ka doon para kitaan siya. Sige nga, sabihin mo sa akin, kung susugod ka mamayang gabi na mag-isa, anong plano mong gawin? Ano ang gagawin mo kapag sinuswerteng nabisto mo siya? Sabihin mo sa akin! Papayagan kita!"

Bumuntong-hininga ako nanf mabigat. Inaamin kong desidido na akong sumugod mamaya pero tama siya.  Ano nga ba ang gagawin ko kapag nakita ko siya? Ano ang plano ko para maisipang sumugod mamaya?

Hindi ko rin alam! Basta ang alam ko lang ay gustong-gusto ko ng malaman kung sino nang matapos na ang lahat ng ito!

Nawala ako sa sariling pag-iisip nang maramdamang inangat ni Angelo ang tingin ko at nagtama ang paningin sa namin dalawa.

"Listen to me," bulong niya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ko at seryosong nakipagtitigan sa akin. "Wala kang gagawin. Nasasabi mo lang 'yan kasi naiinis at gagalit ka. Wag kang magpadalos-dalos, Lovely. Maraming namamatay sa pagkilos nang hindi muna nag-iisip. Naiintindihan mo?"

"Oh sige, gagawin ko 'yan pero bigyan mo ko ng isang magandang dahilan para maghintay na lang tayo't tumunganga!" Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at tumayo. "Kailangan ay may gawin tayo! Kailangan ay may gawin ako!"

Inis na tumayo rin siya at hinarap ako. "Kung ganon, ay sasama ako sayo! Ayokong sumugod ka doon nang mag-isa!"

"Hindi ko alam. Gusto kong harapin muna ito ng mag-isa, Angelo. Saka na tayo magsasama-sama kapag nakakasiguro na. Kapag may ideya na ako. At least kapag nagkagulo mamayang gabi, ako lang ang mamamatay. Wala ng madadamay."

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon