Jessmar's POV"Sino ba ang absent?" tanong ni Ma'am Floressa sa amin.
Nandito kaming lahat sa Computer Laboratory, as usual dahil kagaya ng nakasaad ay writing schedule na namin. Nasa harapan namin si Ma'am habang chinecheck nito ang attendance.
"Si Ms. Dianne Faith Cale po, Ma'am." may bahid na lungkot ang boses ni Prime, ang aming class monitor.
"Wala ba sa inyo ang nakakaalam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Dianne? Ilang araw na siyang wala sa attendance." tanong ni Ma'am.
Sandali kaming natahimik at kaagad na nilingon si Ben na seryosong pinaglalaruan ang hawak niyang lapis. Bahagya siyang umirap sa amin.
Ay ang arte-arte ni Kuya oh! Ayaw patitig! Para namang gwapo!
"Mr. Lastimosa? Baka lang may alam ka? Palagi kayong magkasama ni Dianne bago ang susunod niyang pag-absent. Baka may alam ka kung nasaan si Dianne?" tanong ni Ma'am.
Ngumiwi si Ben. Siguro ay hindi siya komportable sa paninitig naming lahat. "Nasa malayong hospital. Nagkasakit." maikling paksi nito.
Walang umimik sa amin. Alam kong halos lahat kasi kami ay pinagdududahan si Dianne. Ilang araw na siyang hindi pumapasok magmula noong nakita namin siyang duguang lumabas ng banyo. Hindi ko alam pero halos lahat kami ay itinuturo siya.
Nakita namin si Meamor na nakabitay. Tapus duguang lumabas siyang sa banyo at ang usap-usapan ay may hawak daw siyang na bagay. Kung pagtatagpiin ay kahit na si sino, talagang maghihinala sa kanya.
Hayy. Mabuti na lang talaga, maganda ako! *sagway sa bangs*
"Bakit kaya wala pa si Dianne? Siya kaya ang may pakana ng lahat?"
Muntik na akong mapabalikwas sa nagsalita. OMO!
SI RAZ, MY LOVE!! Si crush! Ang gwapo-gwapo at ang hawt-hawt niya!
"Jessmar, nakikinig ka ba?" Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya.
Halos mangisay na ako sa pangingiliti. Eye to eye contact pa kami! Sige nga, sinong hindi kikilitiin sa kilig dito? Dalhin niyo sa akin ng masambunutan ko. Lord! I'm gonna die!
"Hoy! Di ka naman nakikinig eh!" sabi niya.
There was a great amount of electricity all over my sexy body and it's sending shiver down my spine. I'm so maganda, talaguhhhhhh~
"HOY!"
"Ay hindi, nakikinig naman ako, Raz. Hmm." pinutol ko ang sinabi ko at inilagay ko ang kunwaring takas kong buhok sa aking tenga. Gosh! Nakakapressure naman 'to!"Hmmm. Ano nga ulit ang tanong mo?"
Pakipot mode, ON.
"Akala ko ba nakikinig ka? Ang sabi ko bakit kaya wala pa si Dianne? Possible bang siya talaga ang may gawa nitong lahat?" tanong niya.
Hayy. Ang gwapo-gwapo talaga ng binatang ito. Aw!
"Siguro." I'm so speechless!
"Sus. Sige na nga. Mukhang andami mong iniisip eh. Doon na muna ako."
Kusa na lamang siyang umalis sa harapan ko. Napangiwi ako pero hindi na rin napigilan ang pagngisi.
Ang gwapo-gwapo talaga!
****
Lunch break na kaya time-out muna ang lahat sa pagsusulat. Dumiretso ako sa cafeteria dahil doon ko gustong kumain. Pagkatapos kong umorder ng lunch ay naghanap ako ng vacant table.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...