T'Sec'C 54: Nasaan sila?

210 13 0
                                    


Lovely's POV

Ikinagulat ko ang bahagyang pagpitlag ni Izyle sa tabi ko. Nalingon ko siya at nakita ang kanyang pamumutla. Nakatingin sa isang direksyon, kuryosong sumunod ang tingin ko.

Nawalan muli nang ilaw bago ko pa makita ang tinitingnan niya. Muling nagsigawan pero hindi ko na narinig at naramdaman pa si Izyle sa tabi ko.

Nangapa agad ako sa dilim.

Fuck. Akala ko ba ay tama ang isinigaw kong sagot?

Namutla ako nang maramdamang hindi na tilian sa takot ang naririnig ko. May tumitili na sa sakit, sa takot at may nanghihingi na rin ng tulong.

Nag-ugat ang mga paa ko. Hindi ko alam kung anong hinihintay ko roon pero hindi ko magawang kumilos. Masyadong madilim. Walang katiting na ilaw.

"FUCK YOU!"

"PAKIUSAP, TAMA NAAAAAA!"

"ARAAAAAAAY!"

"AAAAAAAAAAAAAHH!"

"ANG SAKIT!"

Nangatog ang mga tuhod ko sa takot at sa halo-halong sigaw. Anong nangyayari? Bakit ganito? Anong ginagawa sa kanila?

"Anong nangyayari?" sigaw ko pero naghahalo na ang lahat. Ang mga sigawan. Ang paglakas ng musika. Hindi na ako naririnig pa.

Tumulo ang mga luha ko. Sinubukan kong hanapin sila pero napakawalang kwenta dahil wala akong makapa. Ang sigawan ay magulo, hindi ko alam saan galing. Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad.

Pakiramdam ko, isang kisap lang ngayon ay hahandusay na rin ako. Nanginginig ako sa takot. Ano ang bubungad sa akin pagbukas ng mga ilaw? May bubungad pa kaya sa akin? Bubukas pa nga ba ang mga ilaw? Mabubuhay pa ba ako? Magtatapos ba ang lahat sa ganito lang?

Iniisip ko pa lang na hindi ko mabibigyan ng hustiya ang gustong mangyari ni Khryzzia ay gusto ko ng maiyak.

Ilang sandali lang ay biglang tumahimik ang paligid. Nawala ang tugtog. Nawala rin ang mga sigawan. Hindi ko na naririnig pa ang nakakabinging sigawan ng mga kaklase ko.

Anong nangyari? Nasaan sila?

Nanghihina ang mga tuhod ko. Sa mga sandaling iyon, akala ko hindi na ako mabubuhay pa.

Humakbang ako at muling nangangapa sa kung saan.

Ginapangan ako ng sobrang kilabot sa katawan nang may makapa akong kamay. Humigpit agad ang hawak nito sa kamay ko na tila ba hinuhuli niya ako. Sinubukan kong hilain pero mas lalo niyang higpitan.

Sino 'to?

Is this the murderer?

"Sino ka?" tanong niya sa akin.

Bumagsak ang mga luha ko nang mapagtanto kong kaninong boses iyon.

Hinigpitan ko na rin ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay. Unti-unti kong binuga ang hanging naipon.

"This is Lovely." sabi ko at tahimik na naiyak. "Ana..."

Wala akong narinig na sagot niya.

"Ikaw ba ang mamamatay tao?" tanong niya.

Umiiyak akong umiling, "Hindi."

Hindi siya sumagot. Bagkus ay naramdaman ko ang paghila niya at pagyapos sa leeg ko.

Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang malamig na patalim sa aking tagiliran.

"Nagkaaminan tayo dito..." sabay diin niya sa kutsilyo.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon