T'Sec'C 40: Meet

258 17 3
                                    


Khryzzia's POV

"Sigurado ka bang ito ang daan na tinext sa'yo ni Sir Jim?" tanong ko kay Lovely.

Nasa loob kami ng kotse ni Angelo. Nasa backseat kaming dalawa tapos si Angelo 'yung nagmaneho. Katabi niya sa front seat si Jessmar. Nasa kotse naman ni Ejay sina Dianne, Ana at Julius.

And obviously, papunta kami ngayon sa lugar na sinasabi ni Love. Iyon daw 'yung address na sinabi ni Sir Jim na puntahan namin. Natutuwa akong handa kami para sa ganito. Gusto ko ng malaman ang lahat...

"Oo naman. Excited na akong makausap si Sir. Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa atin." si Lovely na may kakaibang ngiti. At ayaw ko mang sabihin, kinikilabutan ako sa ngiti niyang iyon.

Alam kong excited at kabado siya. Kami naman yata lahat. Gusto na naming matapos ang lahat ng mga nangyayari.

"Sa tingin niyo, ano kaya ang dahilan ng killer para gawin ang lahat ng ito sa atin?" tanong ni Jessmar mula sa front seat.

Napaisip din ako pero wala akong maisip na dahilan. Regardless what reason he/she has, it cannot justify his/her killings. Hindi makatarungan ang pumatay ng tao.

"Kung ano man 'yung dahilan niya, sigurado akong napakalalim noon na kahit tayo sa sitwasyon niya ay mas gugustuhin na lang nating pumatay ng tao. Pero ano man ang rason ng pagpatay niya, maling-mali pa rin. Hindi siya makatarungan. Hindi siya tao." sagot ni Angelo.

Binalot ng katahimikan ang buong kotse. Tama si Angelo. Kung ano man ang rason na iyon ay alam kong maisasalba namin ito. Isasalba namin ito.

Inilipat ko ang aking tingin sa bintana. Nakita ko ang kotse ni Ejay sa unahan. Nagulat ako nang makitang napahinto ang kotse nila sa may gilid ng kalsada.

Malayo pa naman kami sa location ah? Ano ang dahilan ng kanilang paghinto?

"Sila Ejay ba 'yun?" tanong ni Jessmar. Napansin din ang paghinto ng kotse nila Ejay.

"Oo. Bakit sila huminto?" tanong ko.

Tinapik ni Love ang backrest ng chair ni Angelo, signal na ihinto nito ang kotse.

"Ihinto mo, Angelo."

Inihinto ni Angelo ang sasakyan. Bumaba agad kami at sinalubong sina Ejay.

Saka ko lang napansin na marami palang tao ang nagkukumpulan sa may tabi. Sa may bangin. Marami mga pulis ang nakapaligid at may yellow warning na nagsasabing huwag lumagpas sa linyang iyon.

Kumunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang lugar na ito, ah?

Namutla ako nang maalala kung nasaang lugar ito. Dito ang street nila Khyla! At doon din siya sa parehong bangin na ito natagpuan!

Ano na namang meron sa bangin na ito? Anong kababalaghan na naman ba ang nangyari?

"Anong meron?" tanong ni Angelo kina Ejay.

Sinalubong nila kami. "Di ko nga alam eh. Hindi makadaan ang sasakyan natin dulot niyan."

"Nakita niyo ba kung anong meron?" tanong ni Love.

"Hindi rin. Andaming pulis na nakaharang." sabi ni Dianne.

"Teka lang, titingnan ko." sabi ni Angelo.

Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ng mga pulis. Sinundan agad namin siya kaso hinarang kami ng mga pulis.

"Wait, taga-Section WC kayo, hindi ba? Anong ginagawa niyo rito?" tanong ng isang pulis. Isa yata siya sa mga pulis na inasign ni Sir Gil sa amin.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon