T'Sec'C 21: Nakaraan

348 26 0
                                    


Rose's POV

Gusto ko ng umalis agad sa classroom nang makilala ko ang bago naming kaklase.

Hinding-hindi ako makapaniwalang sa lahat-lahat ng paaralan dito sa buong Pilipinas, bakit dito pa siya sa school na ito pumasok? At saka, bakit dito pa siya sa section namin napabilang? Nanadya ba siya dahil alam niyang nandito kami?

Plano ba ito nang paghihiganti niya?

Fuck. Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.

"Okay, please sit down, Junel. You can choose any vacant seats at the back." sabi ni Maam na halos ikalaglag ng panga ko. Nanadya ba talaga si Ma'am? Nasa likuran kami nakaupo nina Izyle at Justine!

Tumingin si Junel sa amin tatlo nina Justine at Izyle. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo nang makitang dahan-dahan siyang ngumisi sa amin.

Kinilabutan ako. Oh please... Huwag ngayon. Huwag kailanman.

"Doon na lang po ako sa may likuran Ma'am. Katabi nung mga pamilyar na babae sa likod." sabi ni Junel.

Fuck! Just fuck!

"Sure. I'm glad that you've seen familiar faces here." sabi ni ma'am.

Lumingon ulit si Junel sa amin at muling ngumisi. Napalunok ako. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya. Mas nakakatakot na siyang tingnan ngayon!

"Yes Ma'am. A lot of familiar faces." pinagdiinan pa niya ang huli niyang sinabi.

Nakangisi pa rin siya nang maupo sa tabi ni Izyle.

Napagitnaan namin siya.

Ako. Izyle. Junel. at Justine.

Iyan ang seating arrangement namin sa likuran. Suppose to be, si Sugar ang nakaupo sa posisyon ni Junel but since wala na si Sugar, vacant na yun doon at siya na ngayon ang pumalit.

"Hi, ladies. Miss me?" tanong niya.

Mariin akong napapikit. Nagbabara ang lalamunan ko sa kaba.

"Bakit ka nandito, ha? Tangina mo, bakit ka pa bumalik?" bagaman kabado ay naramdaman ko ang tapang sa boses ni Izyle.

Tahimik lang kaming nakamasid ni Justine sa kanila. Mas mabuti na ring huwag muna kaming sumabat. Ayaw na naming dumagdag pa init ng tensyon nilang dalawa.

"Bakit, Izyle? Ayaw niyo bang bumalik ako?" Inilipat niya ang kanyang tingin sa amin dalawa ni Justine. "Natatakot ba kayo ngayong nagbabalik na ako? Don't worry. Bumalik lang ako dahil syempre, namiss ko kayo."

Bullshit.

Just plainly bullshit.

Hindi kami nagsalita. Naikiskis ko ang mga ngipin ko sa sobrang inis.

"Namiss ko ang mga taong naging bahagi sa napakadilim kong karanasan noon. Bakit? Hindi ba pwedeng namiss ko lang ang mga taong nagpakilala sa akin sa mapait na buhay? Hindi ba pwede yun, Izyle? Justine? At Rose?" sabi niya.

Nanginig ako nang banggitin niya ang mga pangalan namin. Kilala pa nga niya kami. Sa bagay, sa lahat ng nangyari noon, sino ba ang hindi makakalimot sa amin?

Mariin akong napapikit.

"Tama na, pwede ba!" sabi ni Izyle na halos mapasigaw na yata sa inis. Napansin ko ang pangangalaiti niya. Napatingin sa amin angmga classmates naming medyo malapit lang pero ibinaling naman nila agad ang kanilang attensyon kay ma'am na nadi-discuss sa harapan.

Nakakagalit.

Ibinaon na namin sa limot ang lahat. Bakit kailangan pa niyang isampal muli sa amin ang nakaraan?

"Ano pa bang gusto mong mangyari, Junel? Alam mo bang wala na si Sugar? Namatay na siya! Matagal na siyang patay! Wala ka ng dapat na balikan pa!" nangangalating bulong ko. Nakakaasar na siya! Nakakagalit na!

"Bakit? Si Sugar lang ba ang may kasalanan sa akin? Paano naman kayong tatlo?" sabi niya.

Lintek lang, Junel.

"Alam naming ikaw ang nagpakalat na mga tsismis tungkol kay Sugar. Tapus, ano ngayon? Maghihiganti ka na? Maghihiganti ka sa amin, Junel?" tanong ni Justine.

Biglang nag-iba ang aura ng impakto. Nanlilisik na naman ang mga mata niya na labis namang ikinakabog ng dibdib ko.

"Do you remember my last words before I was hospitalized?" tanong niya.

Napatigil ako nang may maalala.

"Babalikan ko kayong lahat. At sa pagkakataong iyon, ay sisiguraduhin kong oras niyo na rin para maranasan ang higit pa sa naranasan ko."

Shit.

AYOKO NG ALALAHANIN PA IYON! AYOKO NA!

"Oh, please..." I gritted my teeth hardly.

"Wag kayong mag-alala. Hindi lang din naman kayo ang sadya ko..." Tinagilid niya ang ulo niya at pinasadahan ng tingin ang buong classroom bago siya muling ngumisi. "Kayo naman lahat dito..."

Pagkasabi niya nun ay tumingin na muli siya sa harap at nakinig may Ma'am.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Izyle. Ikinuyom ko ang aking mga kamao sa galit.

Kami na lang ang pagbantaan niya.

Huwag na niyang idamay pa ang iba!

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon