Ana's POV
"Pinapaabot sa'yo."
Inabot niya sa akin ang isang pack ng chocolate at flower. Inirapan ko agad siya. Ayoko siyang makausap!
"Ayoko." matigas kong sabi.
Nagulat ako nung bigla niyang inilapag ng padabog ang hawak niyang chocolate sa desk ko. Nak ng!
"Tanggapin mo na lang! Ang arte mo. At saka, wag kang feeling! Inutosan lang ako ni Ejay! Kapal mo naman!" inirapan ako ni Lovely.
Bruhang to.
"Bingi ka ba? Ayoko nga di ba?"
"Kunin mo na lang para makaalis na ako. Ayokong makaharap ka. Ikaw na nga 'yung binibigyan diyan!" sabi niya.
Tss. Whatever.
"Ibigay mo 'yan pabalik sa kanya." sabi ko.
"Bakit hindi ikaw? Wala ka bang kamay?" sabi niya.
Putek! Ang yabang ng babaeng 'to ah! Akala mo kung sino?
"KAININ MO NA LANG 'YAN AT UMALIS KA NA SA HARAP KO! MAS LALONG AYAW KONG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO!" napasigaw na ako sa sobrang inis.
"At bakit ko naman kakainin yan? Anong akala mo sa akin? Napag-utusan lang ako! Wag ka ngang feeling!"
"At sa lahat-lahat ikaw pa talaga ang inutusan niya? Ano? Coincidence?"
"Eh sa ako ang nakita niyang dumaan? Anong issue mo?"
ARRGH!!!! Ewan ko ba at kung bakit naiinis ako sa babaeng ito! Bwesit! May pagkamadastra rin talaga siya!
"Di ako feeling!" pagdedepensa ko.
"Eh ano bang tawag mo dyan sa pagpapakipot mo?" sabi niya.
"Di ako nagpapakipot! Ayoko nga sa chocolates and flowers!" sabi ko.
"Ang arte mo!"
"Paki mo ba?"
"Tanggapin mo na nga lang! Daming satsat!"
"Ikaw ang maraming satsat! Sinabing ayoko!"
"Ang o.a mo!"
"Ang tigas ng ulo mo!"
"Maganda naman ako." sabi niya.
"Bahala ka diyan!"
Nakakainis talaga 'tong Lovely na 'to! Lovely ang pangalan pero hindi naman siya kagandahan! Ayaw na lang umatras. Mabuti na lang at nakakalat kaming lahat sa classroom at masyado pa silang maingay dahil sa nangyari kay Jossel. Hindi nila masyadong naririnig ang pag-aaway namin.
Nakakabanas lang talaga!
"Ako ay may classmate.
Lumipad sa langit.
Di ko na nakita.
Namatay na pala..."Bigla kaming may narinig na kumanta. Napatigil agad ako. Maging si Lovely ay napatingin din sa akin.
Dahan-dahan kaming lumingon sa likuran. Nanlamig ang tiyan ko sa taong nakaupo lang sa likuran namin.
Si Dianne.
Siya 'yung kumanta. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang may iginuguhit at kinukulayan siya sa illustration board na nasa desk niya.
Nakakatindig balahibo ang kanyang boses. Kung bakit ba naman niya kasi kinanta ang tono ng kantang "Ako ay may lobo" tapos iniba pa niya 'yung lyrics. Anong nakain niya?
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...