T'Sec'C 33: Her Side

284 21 4
                                    


Dianne's POV

"Dianne..."

Lahat sila ay nagulat sa presensiya ko. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang takot.

Malungkot akong ngumiti. Ang sakit sa puso ngayong nakikita ko silang takot at halos iwasan ako. Pero kagagawan ko rin naman ito. Hindi pa nga dapat ito ang matatanggap ko sa kabila ng aking mga nagawa.

"Pwedeng maki-upo?" pasubali ko.

Nagkatinginan sila. Humigpit ang hawak ko sa bagay na nasa aking kamay. Nang mapansin kong nakatingin sila doon ay kaagad ko itong ibinulsa at itinago bago pa man nila makita.

"Hindi pwede. Mamamatay-tao ka di ba?" wala ng kasing prangka pa si Lovely.

Yumuko ako at kinagat ko ang aking labi. Sana ay maintindihan nila ako dahil umaasa ako sa kanilang lahat.

"Umupo ka dito, Dianne. "

Inofer ni Khryzzia ang upuan na nasa gitna. Ngumiti ako nang palya at pumagitna sa kanila.

"Khryzzia, mamamatay tao siya! Bakit—"

"Tumahimik ka muna, pwede?" sagot ni Khryzzia.

Walang nagawa si Love kundi ang manahimik. Nahuli ko siyang napairap na lamang. Muli akong ngumiti sa kanila at yumuko. Nanghihina.

Pakikinggan kaya nila ako? Maintindihan? Sasaktan? Dadamayan kaya nila ako kapag sinabi ko sa kanila ang buong katotohanan?

"Bakit ngayon ka lang pumasok, Dianne? May sakit ka ba?" tanong sa akin ni Angelo.

Hindi man nila sabihin pero alam kong iniiwasan nila ang mga tanong na kanina ko pa naririnig na pinag-uusapan nila.

"May nangyari lang. Sinugod ako sa hospital nitong mga nakaraan araw." sagot ko.

"Nasabi nga sa amin ni Ben. Kumusta ka na? Ano bang sabi ng doktor? Bakit bumalik ka agad?" tanong ni Ejay.

Hindi ako sumagot. Masakit mang aminin pero alam ko namang ayaw pa nila akong bumalik. Pero kailangan kong bumalik para masabi ko sa kanila ang lahat-lahat.

Bumuga ako ng hangin at sinalubong ko paninitig nila. "May sasabihin ako..."

Sabay-sabay silang suminghap lahat pero hindi na rin umimik, hinihintay ang sasabihin ko.

"Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, Dianne. Makikinig kami." Hinawakan ni Khryzzia ang kamay ko.

Ngumiti ako nang tipid. Palihim ako na nagdasal na sana ay maintindihan nila ako. Na dadamayan nila ako. Kahit na alam kung maguguluhan sila sa aking sasabihin.

"Gusto ko lang sanang malaman niyo na..."

Muli akong humugot ng lakas. Hindi sila nagsalita at hindi nila kailanman pinutol ang paninitig sa akin. Kakayanin ko ito.

"Gusto ko lang malaman niyo na...













Buntis ako. Dalawang buwan." sa wakas ay nasabi ko rin iyon.

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nilang lahat, gulat na gulat sa aking sinabi. Kaagad akong kinagat ang labi ko at nagpatuloy.

"Alam kong hindi kayo naniniwala. Kaya naman..."

Dahang-dahan kong kinuha ang bagay na ibinulsa ko kanina. Hindi ko pa man ito tuluyang nakuha ay kaagad na nagprotesta si Lovely.

"Ano 'yan? Sinusubukan mo ba kaming saksakin?" sigaw niya.

Kumunot ang noo ko.

"Bawal ang kutsilyo dito sa school, Dianne!" sabi ni Julius.

"Kutsilyo? Anong kutsilyo?" tanong ko.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon