T'Sec'C 43: Yakap

254 18 2
                                    


Grace's POV

"Hi Grace..."

Napalingon ako sa nagsalita.

SI DAVE!

Sabay na kaming naglakad papuntang classroom.

"Ikaw pala... Ang aga mo naman yata, Mr. Vice Mayor?" nakangiti kong sabi.

Ngumiti siya sa akin. "Ako kasi ang may hawak sa susi ng classroom natin. At saka, alam kong maaga ka. Gusto rin kitang magkasabay tuwing umaga." mahina niyang sabi.

"Ha?"

"Wala. Ang sabi ko, malapit na tayo sa classroom. Tara!" sabi niya.

Nilampasan na niya ako at nauna na siyang naglakad. Naglakad na lang din ako.

Pagdating ko sa classroom, kami pa lang ni Dave ang tao. Mukhang maaga pa talaga...

"Tayo pa pala ang nandito?!" tanong ko.

Di niya ako sinagot na ipinagtaka ko. Bagkus at nakatingin lamang siya sa may pinto nang mabuksan niya ito.

"Dave?!"

Di pa rin siya gumagalaw sa kinaroroonan niya at bahagya pa siyang nakaharang sa pinto. Nakatitig siya sa loob ng classroom.

Anong meron?

"Dave? Nakikinig ka ba?"

Kinalabit ko siya sa balikat kaya napaharap siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang namumutla siya. Ano bang nangyayari? Anong meron sa loob?

"Dave... M-May problema ba?"

Mabilis na hinarangan niya ang pinto. Anak ng... Bakit ba siya nagkakaganyan?

"Ano bang problema? Tumabi ka nga muna! Bakit ka ba nakaharang?"

Pinilit kong makasilip pero hinarangan niya talaga ako. Inis ko siyang tiningnan. Kinakabahan ako. Alam kong may nangyari.

Sana mali lang itong kutob ko. Sana mali...

"Ano ba! Dave, alis!!"

"Wag kang pumasok." malumanay niyang sabi.

"Bakit?"

"Basta, wag kang pumasok.."

"Bakit nga?"

"Grace, please. Huwag ka ng makulit. Halika, samahan mo ako sa canteen."

Mas lalong hindi ako mapakali sa inaasta niya. Kaya naman wala sa sariling itinulak ko siya sa gilid para makapasok ako...

Hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas pagkapasok ko sa loob.

Nanginginig ang buong sistema ko.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.

Hindi ako makahinga!

Ito ba ang ayaw ni Dave na makita ko?

Nagulat ako nung bigla akong hinila ni Dave paharap sa kanya at niyakap

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko't napahagulhol ako sa dibdib niya. Wala akong lakas para magpumiglas pa.

At alam kong kailangan ko siya ngayon.

"I told you... wag mo ng tingnan. Ang tigas ng ulo mo." sabi niya.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Napadiin ang pagkahawak ko sa damit niya.

Natatakot ako. Hindi ko alam. Nasanay na rin naman ako na makakita ng ganun dito sa classroom pero di ko pa rin maiwasang manginig. Ang sama-sama ng pakiramdam ko.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon