Andrea's POVDalawang araw na ang nagdaan magmula nung nasaksihan namin ang karumal-dumal na nangyari kay Trisha. Pinacrimate na rin namin sya. Hindi pa alam ng mga magulang niya ang mga bagay na iyon dahil abala ang mga ito sa ibang bansa.
I was too horrified with my best friend's friend. She doesn't deserve it. Maldita lang siya at maarte, pero hindi niya deserve ang mamatay.
Food poisoning daw ang dahilan sa kanyang kamatayan. Mula sa kinain niyang street foods na ipinadala sa kanya mula sa labas ng school. Pero sinong tanga ang maniniwala roon?
Alam kong may mali. Alam kong sinadya siyang lasunin.
Nakakalungkot at nakakabahala. Napakasakit isipin. Ang bigat sa pakiramdam na mawalan ng isa o dalawang kaibigan. Nawala na si Sugar tapus ngayon ay si Trisha na naman. Close na close kami ni Trisha. Sa grupo namin, kaming dalawa ang may maraming similiraties kaya nagkakasundo kami.
Ang sakit. Ang hirap tanggapin. Pero wala kaming choice kundi ang magkunwaring naniniwala kami roon. Kung may magagawa lang sana ako.
Pagkadaan ko sa hallway ng school, napansin kong walang masyadong tao ang nagpagala-gala.
Pero sa pagkakataong iyon, may naaamoy akong kakaiba. Hindi ko maipaliwanag ang amoy. Umiling-iling ako, pilit inaalis ang lahat ng mga naglalaro sa isipan ko. Ayokong mag-isip. Tama na. Ayoko ng makasaksi pa.
Habang naglalakad ako ay unti-unti ko ng nasisikmuraan ang amoy. Masangsang ito. Para itong amoy ng isang...
Napapikit ako.
Shit!
Tumayo ang mga balahibo ko sa naisip. Nayakap ko ang sarili ko. I shouldn't think of this. Nalantang basura lang 'yun kaya mabaho. Nalantang basura lang. Wala ng kung ano.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi pa rin mawala-wala ang malansang amoy kaya naman pumunta ako sa kasulok-sulokan ng hallway dala na rin siguro ng curiousity. I don't know if it's right to overthink pero kung hindi pa ako sigurado rito, then, nababaliw na ako.
May patak ng dugo ang bawat floor na nilalakaran ko!
Shit!
Nangatog ang mga tuhod. My legs are shaking so hard but it still continue walking. Alam kong may kakaiba kaya ako dinala ng mga paa ko dito. Alam kong may mali... At iyon ang kailangan kong tuklasin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bigla ba naman akong nadulas sa sahig.
"Fuck!" Napahawak ako sa pwet ko dala ng sobrang sakit.
Napahawak ako sa floor at napahinto nang may maramdaman akong malagkit. Dahan-dahan akong napatingin sa sahig...
At halos gusto ko ng mahimatay sa nakita ko.
Dugo.... Nagkalat ang napakaraming dugo sa floor!
Sa gitna ako nadulas. Pinapaligiran ako nang napakaraming dugo.
NAPAKARAMING DUGO!
Nanigas ako. Nanginginig... Hindi ako makagalaw. Fuck! Ang daming dugo! Ayoko sa dugo!
Gusto ko ng maiyak. Nanginginig ang kalamnan ko. Ayoko na! Ayoko nito!
Napatigil ako nang mapansin ang iilang likido na pumapatak sa harapan ko. Isa itong patak ng dugo at nagmumula ito sa itaas!
Kahit nanginginig ay dahan-dahan akong napatingala.
Panginginig at pangamba... Iyan agad ang nararamdaman ko sa nasaksihan!
Napamura na lamang ako ng paulit-ulit sa isang pugot ulong nakita ko!
Isang katawan na walang ulo ang nakasabit sa itaas!
"AAAAAAAAAAAAAAAHH!"
Mabilis pa sa alas-kwatro akong tunayo at tumakbo papuntang room. Alam ko, kilalang-kilala ko ang katawan na iyon. Pero nasaan ang ulo niya? Bakit iyon pinutol?
Hingal na hingal ako nang marating ko ang aming silid. Lahat sila ay gulat na napatingin sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang takot at panginginig habang pinagmamasdan nila ako mula paa hanggang ulo.
"Drea? B-Bakit... Bakit ang dami mong dugo?" gulat na tanong sa akin ni Gleia, isa sa kaklase ko. Nanginginig pa rin ako. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang nakita kong pugot ulo kanina. Nakakatakot!
"K-Kasi..."
*SLAAAAAAAAAP*
Nagulat ako sa malutong at malakas na sampal sa akin ni Webbie. Tuluyan na akong napaiyak sa ginawa niyang iyon. Bakit niya ako sinampal?
"Bakit ka duguan? Ikaw ba! Ikaw ang pumaslang sa kanya? Nasaan? Nasaan ang katawan ni Pauline? Nasaan, Drea?" mangiyak-ngiyak nyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko.
"Si P-Pauline?"
Si Pauline? Nawawala si Pauline?
Hinawakan niya ng sobrang higpit ang mga braso ko. Napaungol ako sa sakit nun. Ansakit!
"Ano bang pinagsasabi mo, Webbie? Bakit mo hinahanap si Pauline sa akin?" Umiiyak na sabi ko.
"Bakit?! Talagang nagtatanong ka kung bakit? Ano 'to, ha? Bakit mo ibinigay sa amin ang ulo niya? Bakit, Andrea?!" Napahagulhol siya.
Bumagsak ang katawan ko sa nakita. Hindi na nakayanan ng mga tuhod ko ang panginginig kaya napaupo ako sa sahig.
Yung ulo ni Pauline.... Nasa sahig ang ulo ni Pauline. Bakit ba ito ginagawa sa amin?
"B-Bakit... Bakit nandito ang ulo niya?!" Natatarantang wika ko habang tinuturo ang ulo ni Pauline.
"Nakita na lang namin 'yan dito nung buksan namin ang pinto kanina, Andrea... N-Napaka..." mangiyak-ngiyak na rin si Deisyrie.
Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Punong-puno pa rin ng dugo ang kamay ko pero sobrang nababalutan na ako ng takot... Hindi ko alam ang gagawin!
Iyong katawang nakita ko...
It's Pauline.
Fuck it!
"Yung katawan ni Pauline... Nakita ko 'yung duguang katawan niya na nakabitin sa bubong!" nanginginig pa rin ako.
"WHAT? SAAN ANDREA?!" Sigaw ni Ben na halos ikinatigil naming lahat. Mabuti na lamang at wala sa ulirat ang lahat ng kaklase ko kaya hindi nila na nila pinuna ang di inaasahang pagsigaw ni Ben. First time ko pa lang siyang narinig na sumigaw ng ganun.
"Nasa hallway..." umiiyak na sagot ko.
Nagsitakbuhan ang ilang kaklase ko papuntang hallway. Iyak pa rin ako ng iyak. Wala akong naiintindihan sa nangyayari. At mas lalong wala akong kasalanan! Naging saksi lamang ako sa natapos ng mamamatay tao! Ako lamang ang nakakita sa katawan ni Pauline pero hindi ako ang pumatay!
"Drea..." umiiyak na nilapitan ako ni Krza. "Halika! Umuwi tayo sa inyo. Kailangan mo ng magbihis."
Inakay ako nina Charity at Krza patayo. Nakatulala lamang ako. Bakit kailangang mangyari sa amin ito? Bakit iniisa-isa kami? Bakit ako pa ang nakakita sa duguang katawan ni Pauline? Bakit ako pa?
Natatakot ako... Sobrang natatakot ako sa susunod na mangyayari!
Sino sa amin ang isusunod?
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...