Lovely's POV
Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang mas nangigibabaw na damdamin ang nararamdaman ko sa klase-klaseng emosyon na nasa aking loob. Gustong-gusto ko nang maiyak.
Puta. Paano at bakit nangyari ito?
"Sino ang nakakuha sa ulo?" narinig ko ang sigaw ni Izyle.
Hindi ako nakakibo. Pakiramdam ko ay naninigas pa rin ako. Di ito pwedeng mangyari!
"TANGINA! SINO SABI ANG NAKAKUHA SA ULO NI SUGAR?" sigaw ni Dave, ang vice-mayor sa classroom namin.
Huli na nang mapagtanto kong sinilip ni Khryzzia ang locker ko.
"Si Love," sambit niya.
Napatingin sa akin ang lahat ng mga kaklase ko. Nakatunganga pa rin ako. Di ko alam ang gagawin! Hindi ako makagalaw!
Kinuha ng ilang boys ang ulo ni Sugar sa loob ng locker ko. May nakaukit na letrang "H" sa noo niya pero parang pa zigzag. Hindi tuwid bagaman klarong "H" talaga ang pagkakaguhit niyon. Soldering rod yata ang ginamit dahil sunog. Tapus, walang laman ang mga mata niya.
Nakakatakot! Mas lalong gusto kong mapaiyak!
"Okay ka lang?"
Natauhan ako sa nagtanong. Si Angelo iyon. Tumango-tango lamang ako bilang tugon sa tanong niya.
"Lahat ng mga locker natin ay may nakalagay na putol-putol na parte ng katawan ni Sugar. Yung daliri niya sa kamay ang nasa loob ng locker ko. At yung ulo niya yung na sa'yo. Ang nakakagulat lang ay kung bakit may nakaukit na letrang "H" sa noo niya. Unang letra ng second name mo." sabi nya.
Lovely Hazel Lopez.
Kusang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan, napahagulhol ako. Niyakap ako ni Angelo. Mas lalo lang akong napahagulhol sa dibdib niya. Natatakot ako. Kinakabahan ako na baka isusunod ako ng killer. Ayoko! Di ko 'yun kakayanin! Ayoko pang mamamatay!
---
"Wag niyong ipagsasabi ang nangyari sa kung sino. Maliwanag ba?" napasigaw si Ma'am sa amin. Hindi kami nakapagsalita. Natrauma pa rin kami sa nangyari. Naiinis ako. Bakit kelangan naming ilihim ang mga ito sa iba? Bakit?
"Class, mas maiiwasan natin ang gulo kapag wala tayong pagsasabihan. Sa tingin niyo ba, lalapitan pa rin kayo ng ibang mag-aaral kapag nalaman nila ang nangyari? Matatakot sila sa inyo!" sabi ni Ma'am.
Walang nagsalita sa amin. Tahimik ang lahat maliban sa kanina pang umiiyak na MCG. I feel their place. Kaibigan nila 'yon. Masakit mawalan ng kaibigan.
"Papayag ba kayo na ililihim natin ang nangyari kay Sugar?" sabi ni Ma'am. Tumango-tango 'yung iba. Ilang sandali pa ay lumabas na si Ma'am sa room. Muli na naman silang umiyak. Ngayon lang nangyari sa amin ito. Paano nga ba ito nagsimula at sino ang puno't dulo nito?
"IKAW! WALANGHIYA KA! ALAM KONG IKAW ANG PUMATAY KAY SUGAR! HAYOP KA!"
Napalingon ako sa direksyon ng sumigaw. Si Trisha. Pinaghahampas niya si Jessmar ng kung ano-ano.
"Wala akong alam sa sinasabi niyo," sagot ni Jessmar.
"WALA? Alam naman naming lahat na inaalila at pinagkakatuwaan ka ni Sugar kaya ka gumaganti! Kaya mo siya pinatay!" sigaw ni Krza.
"Wala talaga akong alam,"
Tumayo ako at aktong lalapitan sila nung biglang lumapit sa kanila si Izyle at inawat sila.
"Tama na 'yan!" sabi niya.
"PAGBABAYARAN MO ITO, JESSMAR! PAGBABAYARAN MO 'TO!" sigaw ni Andrea.
"Sabing tama na eh!"
"Wag kang maki-alam dito, Izyle!" sigaw ni Charity.
"PWEDE BA!"
Natahimik ang lahat sa malakas na sigaw ni Izyle.
"Alam niyo, sa tingin ko, dapat lang na nangyari 'yun kay Sugar dahil mapang-api siya! Akala niyo ba hindi ko alam na hindi lang si Jessmar ang inaalila niyo? Alam kong may inaapi rin kayo na pasekreto lang! Walang siyang ipinagkaiba sa inyo! DAPAT LANG NA MAMATAY SYA! MAMATAY KAYO!" sigaw niya.
Nalaglag ang panga ko at kinabahan ako bigla.
Hindi kaya...
Shit.
Bakit alam niyang may inaapi pang ibang tao sina Sugar?
"Tama na iyan, Izyle." sabi ni Raz, ang Adonis sa classroom namin.
Natahimik ang MCG. Umiiyak na naman sila. Bigla akong napatingin sa direksyon ni Dianne. Hindi ko alam pero...
Sigurado ako sa nakita ko.
Nakangisi siya...
Nakangisi si Dianne nang nakakakilabot!
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...