T'Sec'C 37: Bangin

290 22 4
                                    


Khyla's POV

Alas nuwebe na nang lumabas ako mula sa pinasukan kong bar. Sumabit pa kasi ako doon pagkatapos naming magkahiwa-hiwalay nina Julius, Leah at Grace since magkaiba naman talaga kami ng direksyon pauwi. Mas mabuti na ring walang nakakakita sa akin na nag-ba-bar. Iwan ko ba pero talagang namimiss kong gumimik.

Naglakad na ako papunta sa street namin na medyo wala sa sarili. Sobrang dilim ng daan. Kaunti lang lang ang mga street lights sa paligid na todo ang liwanag. Karamihan sa mga ilaw ay namamatay at pakurap-kurap. Wala ring dumadaang sasakyan ng ganitong oras. Umihip ang malakas na hangin sa akin kaya nayakap ko ang sarili ko. Sobrang lamig. Kinikilabutan tuloy ako.

Isa talaga ito sa ayaw kong maranasan kapag umuuwi ako ng ganitong oras.. Pakiramdam ko kasi, may sumusunod sa akin.

Naalala ko bigla 'yung sinabi ni Julius. Baka makasalubong ko nga dito ang ulo ni Sugar. Tumaas lahat ng balahibo ko. Buwesit talaga 'yung baklang 'yon! Hindi na tuloy mawala sa isip ko!

Naglakad na lang ulit ako. Bigla akong kinilabutan nang may marinig akong footsteps. Nakasunod iyon sa akin.

Tumigil ako. Tumigil din 'yung mga yapak. Muli akong pinaninindigan ng balahibo. Puta. Ito na nga ba ang epekto ng mga iniisip ko, eh!

Humigpit ang yapak ko sa aking sarili habang nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko na naman ang mga yapak na nakasunod sa akin. Tumigil ako. Tumigil din ito. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Matapang kong nilingon ang aking likuran. Walang tao at sobrang tahimik ng paligid. Pinaglalaruan na yata ako ng sobrang imahinasyon.

Sumunod ulit ang mga yapak nang naglakad muli ako. Abot-abot na ang kaba ko dahil sigurado akong hindi na ako nag-i-imagine. Binilisan ko ang lakad ko at halos mapamura nang bumilis din ang tunog ng mga yapak. Pinagpapawisan na ako sa sobrang takot.

Fuck. Ayoko pang mamatay!

"BULAGA!"

Puta.

"AAAAAAAAAAAAHHH!"

Napatakip ako ng mukha sa sobrang takot. Parang kakapusin ako ng hininga! Tulungan niyo ako!

"Hey! Okay ka lang ba?" Tinanggal ng taong nagsalita 'yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Halos mapaurong ako nang makita ko siya. "Fuck! Junel!"

Bwesit. Akala ko kung sino na! Tangina!

"Bakit ka ba naglalakad mag-isa dito sa ganitong oras? Napakalalim na ng gabi at madilim pa?" tanong niya.

Inayos ko ang buhok ko at pinakalma ang sarili. Naramdaman ko pa ang panginginig ko. Nakakainis! Akala ko kung sino na! Kinakabahan ako nang sobra!

"S-Sumabit pa kasi ako. Eh, ikaw ba? Bakit ka nandito? Gabi na ah?"

Ngumisi siya sa akin. "May gagawin lang ako."

Gagawin? Anong gagawin niya?

Sabay na kaming naglakad dalawa. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan lang kami. Medyo naging kampante na ako dahil nandiyan naman si Junel. Naibsan kahit papaano ang nararamdaman ko gayong kasama ko siya.

"Ikaw ba 'yung kanina pa nakasunod sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Alam mo bang tinakot mo ako kanina? Pambihira ka naman! Akala ko tuloy multo ka!"

"Sinigurado ko lang kasi kung ikaw ba talaga iyan. At saka..." Ngumisi siya. Hindi ito ang mga ngiti ni Junel sa classroom. Kakaibang ngiti ito. "Wala kang dapat na ikatakot sa multo. Dapat kang matakot sa mga mamamatay-tao."

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon