Julius's POVPaano ko nga ba sisimulan ang lahat?
Sa pagpukpok ko kay Eliezer at sa pagputol ko sa ulo nito? Sa paggalaw ko ng hard copy ni Ma'am sa test para mailagay ang logic question na pinasagot ko noon? Sa pagsulat ko ng tanong na iyon sa pisara upang sindakin sila? Sa pagtusok ko ng kutsilyo sa mata at bibig ni Sugar? Sa pagkuntyaba ko sa nagtitinda ng champorado sa school? Sa pagputol ko ng mga ulo nina Elgane, Myme at Arlyn sa outreach program? Sa panglalason ko kay Trisha? Sa pagpatay ko sa mga nagtransfer? Sa pagpaslang ko sa iba pa? Kay Pauline? Kay Sir Jim? Sa pagpatay ko kanina sa mga classmates ko sa harap ng billboard?
O...
Magsisimula ako sa mga araw na napakarami kong tiniis at isinakripisyo?
Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan ang lahat. Lahat may ugat. Lahat may katumbas na galit. Lahat ay puno ng suklam.
—flashback —
Inalalayan ako nang mga kasambahay.
"Ayos ka lang po ba, Sir Julius?"
Pagod akong ngumiti. "Opo. Maganda pa rin naman ako diba?"
"Huwag kang nagbibiro ng ganyan sa ganitong kalagayan mo, Julius. Halos mawalan ka na ng malay! Magpahinga ka muna at susubukan kitang gamutin."
Umungol lamang ako sa sakit ng mukha.
"Ang sama talaga ni Sir Wilson. Ang sama talaga ng stepfather mo!"
Nagkulong ako sa kwarto at doon ako tuluyang napahagulhol.
Natigil ako sa pag-iyak. Napatingin ako sa study table na nasa tabi ng kama ko.
May nakita akong kutsilyo doon. Ginamit ko iyon noong nakaraang araw. Malaki-laki ito.
Kusang gumalaw ang mga kamay ko at nakita ko na lang ang sarili kong dinadampot ito.
Dahang-dahan ko itong itinutok sa aking pulso. Pumatak ang iilang luha ko sa dulo nito.
Hindi ko na ito kayang tiisin.
GUSTO KO NG MAMATAY!
Natawa ako bigla sa aking naisip.
Bakit gusto kong mamatay? Ako ba ang may atraso sa kanila?
GUSTO KONG PUMATAY.
Galit akong napabungisngis habang hawak-hawak ang kutsilyo. Dumiretso ako sa kusina at kumuha nang mas matalim pang itak. Dumaan ako sa likuran para sa paglabas.
Hindi ko napigilan ang panlilisik ng mga mata ko habang nakangisi. Palakad-lakad lang ako sa kung saan. Saka ako magtatago kung nasa lugar ako na marami ang mga tao.
Punong-puno ng sama ng loob ang aking dibdib at kailangan kong pumatay. Kailangan ko ng mapagbubuhusan.
Natigilan ako sa paglalakad nang may marinig na nag-uusap. Nagtago ako sa isang puno. Napangisi ako ng makitang si Junel at Khyla ang nandoon.
"Nakita mo ba 'yan, Khyla?" narinig kong tanong ni Junel.
"B-Bangin?"
"Sa tingin mo, gaano kalalim ang bangin na 'yan?"
"I-Iwan ko. Pero mukhang malalim nga. Bakit mo naitanong?" si Khyla. "Nakatatakot dito, Junel. Tara na, maglakad na tayo."
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...