Sugar's POV
Gabi na.
Mga around 10:30pm na yata. Mag-isa lamang ako dito sa library kasama of course ang librarian. Inatasan kasi ako ni Izyle na i-audit lahat ng expenses namin this coming week para sa outreach program. Pambihirang babae yun! Nahagard na tuloy ang beauty ko. Pero, anyway, trabaho ko rin naman ito bilang auditor so pagbigyan na. Hindi ko rin naman ito gagawin sa susunod.
Bakit? Aba, excuse me! Di bagay sa maladyosa kong beauty ang mahagard!
Tahimik ang buong library. Tanging ang mga kaluskos lamang ng mga taga-librarian ang maririnig mong ingay. Nakakainis mang aaminin pero...
Kinikilabutan talaga ako.
*Boooogsh*
Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang marinig ang isang malakas na kalampag mula sa likuran. Nang lingunin ko ang gawing iyon ay nakita ko ang isang makapal na libro.
Naibsan ang kaba na nararamdaman ko. Ugh! Pesteng aklat 'yan!
"Ms. Sugar, pakipulot muna sandali nung librong nahulog. Ilagay mo sa table ko. Aalis muna ako saglit. I'll be back right ahead." sabi ng taga-librarian at mabilis na nilisan ang library.
At sino siya para utusan ako? Di ako ipinanganak para maging utusan!
Umirap ako sa kawalan at sa huli'y hindi ko siya sinunod. Bahala siya!
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Sobrang tahimik. Sobrang lamig. At sobrang kinikilabutan ako.
Ako lang pala mag-isa dito ngayon!
Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng ilang yapak na nagmumula dito sa loob. Kinabahan agad ako. May ibang tao pa ba dito, maliban sa akin?
Baka nakabalik na ang librarian, Sugar. Don't over think.
"Sino 'yan?" lakas loob kong sabi.
Walang sumagot. Mga yapak ng paa lamang ang naririnig ko. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko.
"Sumagot ka! Sino 'yan?"
Dahan-dahan akong tumayo. Dinampot ko 'yung walis at inihanda. Dahan-dahan akong humakbang. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Para na itong lalabas dahil sa kaba.
Nakarinig ulit ako ng ilang mga yapak. Mas lalo akong kinabahan nang maramdamang papalapit ito sa akin. Shit! Shit! Shit!
*Ting. Ting. Ting. Ting.*
"WAAAAAAAHHHHHH! BULLSHIT!"
Napaupo ako sa sahig nang magring ang phone ko. Damn! Tumayo ako agad at dinampot iyon. Nang mahawakan ko ito ay saka ko lang napansing nanginginig na pala ang mga kamay ko.
1 text message received.
From:09*********
... I'm Back.
Naninikip na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Sobrang kinakabahan na ako. Di ko maintindihan ang ibig nitong sabihin kaya naman tinawagan ko yung numero.
*Ting. Ting. Ting.*
Gusto ko ng mamatay sa kaba nang marinig ang pagtunog ng ringtone. Hindi ko iyon phone at hindi ako pwedeng magkamali. Isa itong ringtone ng phone na kasalukuyan kong naririnig sa silid na ito. Ibig sabihin, nandito lamang ang taong nagtext nun.
Nandito lamang ang taong tinatawagan ko ngayon.
"M-May tao ba diyan?" nanginginig na ang mga tuhod ko.
Walang sumagot. Yung phone lang na nagri-ring ang maingay. Napapikit ako. Pinipigilan ko ang sobrang kaba. Ang sobrang takot sa pwedeng mangyari sa akin.
Napadilat ako nang mawala 'yung ingay ng phone.
Pero... Tangina! Wala akong makita.
SOBRANG DILIM!
Gusto ko nang himatayin sa kaba. Kinikilabutan na ako. "Tulungan niyo ako..." Nanghihina na ako. Natatakot ako!
"Oras mo na," namutla ako nang may narinig akong boses.
Ang boses na iyon! Kilalang-kilala ko ang boses na iyon!
Biglang nagbukas yung ilaw. Kasabay sa pagbukas nun ay ang sakit na nararamdaman ko sa aking mata. Tinusok niya ng kutsilyo ang dalawang mata ko. Paulit-ulit iyon.
Napasigaw ako sa sobrang sakit. Ang sakit-sakit! Ngunit hindi ko alam na isang hudyat rin pala ang aking pagnganga para ilibing nya yung kutsilyo sa bunganga ko.
Sa huling pagkakataon ay nasambit ko sa aking isipan ang katagang...
I'm so sorry.
Hindi ko sinasadya.
Patawarin mo ako.
---
Lovely's POV
"Gosh! Nasaan na ba si Sugar?"
"Ang bagal talaga ng babaeng iyon!"
"Baka natagalan ng gising. Nag-overtime kasi iyon sa library kagabi para sa outreach program."
Kanina pa nagsisigawan ang mga MCG sa room. May activity kami ngayong umaga sa P.E at naghahanda na lang papuntang locker room. Nagsilabasan na yung mga kaklase ko. Nagpaiwan ako saglit para mag-ayos.
Napansin kong nakaupo lang si Julius sa chair niya. Nakatulala. Nilapitan ko siya at tinapik ko ang kanyang balikat.
"Halika na." sabi ko
Mangiyak-ngiyak siyang umiling sa akin.
"Wala na rin namang silbi kong sasali pa ako sa activity. Evicted na ako sa section natin." malungkot niyang sagot.
"Ano ka ba naman girl! Wag ka ngang nega! Baka magbago pa ang isip nila, please. Wag ka munang sumuko." sabi ko. Napayuko siya.
"Di na ako aasa girl." sabi nya.
"Wag kang mag-alala. Hindi ka na maaalis sa section na ito."
Nagulantang kaming dalawa sa nagsalita.
Si Dianne... Nakangisi pero seryoso.
Nanindig ang balahibo ko.
"Dianne," ang tanging nasambit ko.
"Sumama ka na sa activity," malamig at halos walang buhay niyang sabi kay Julius.
Umalis na siya sa room. Nagkatinginan kami ni Julius. Ningitian lang niya ako.
Hinding-hindi ko talaga mababasa si Dianne. Nakakakilabot siya. Sa kahit anong paraan.
Naglakad na lang kami papuntang locker room. Pagdating namin doon ay parang gusto ko ng maglaho sa nakita.
Lahat ng classmates ko, nagsisiduwalan sa kung saan. Nagkakagulo na rin silang lahat. Pero, 'yung mas nakakagulat? Umiiyak sila!
Umiiyak sila habang nakatingin sa loob ng personal locker nila.
"Lintek! Ang baho!"
"Paano nangyari 'to?"
"Ang sama!"
Nagsisigawan na rin yung mga boys. Nagkatinginan agad kami ni Julius. Pagtakbo na tinungo namin ang aming locker.
At halos gusto ko ng mahimatay nang mabuksan ko ito.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...